Nang makarating sila sa opisina ni Francis ay agad niyang inihatid si Sofie sa room doon na mukhang pangbata. May mga book shelves doon with picture books, mga laruan gaya ng clay, puzzle, bola at iba pa. At may tao namang nag-aassist doon. Doon kasi muna nila dinadala ang mga pumapayag na sumama sa kanila na mga batang natatagpuan nila sa kalye na palaboylaboy. Binibigyan ng maayos na tulugan at damit pagkatapos linisan. Hanggang makahanap sila ng family na gustong mag-aruga at magmamahal sa kanila.
"Abby, paki-assist muna si Sofie. You know na what to do.. May kukunin lang ako. "
"Yes sir! " sagot naman ng dalagang naabutan nila doon.
Iniwan na nga niya si Sofie kay Abby. At alam na ni Abby ang gagawin niya. Ilang sandali lang ay nakabalik naman agad si Francis doon hawak-hawak ang isang T-shirt na white at short na digarter at panglalaki, kasabay ng isang paper bag. Inabot na ito ni Abby at nagsimula na sa kanyang trabaho. Kahit na naninibago siya kasi dalaga ngayon ang nililinisan niya, kadalasan kasi ay mga bata.
Bumalik naman sa opisina niya si
Francis at hinarap na niya ang nakatambak na mga papeles sa table niya.Nang matapos na si Abby sa pagpapaligo sa dalaga ay dali niyang kinuha ang ibinigay sa kanya ni Francis na damit at paper bag. Kinuha niya sa loob ng paper bag ang set ng underwear. Mukhang bagong bili lang ito. At yong damit naman ay halatang damit lang ito ni Francis. May kabinet kasi si Francis sa loob ng opisina niya kung saan nakalagay ang mga damit niya in case man na kakailanganin niya ang mga ito.
Mabilis na lumipas ang oras, tinignan ni Francis ang kanyang wrist watch at maglalunch na pala. Bahagya itong sumandal sa upuan niya. Ipinahinga lang ang likod at batok niya na nangawit sa kakayuko na nagchecheck ng mga papeles. Nang bigla niyang maalala si Sofie.
Nagtungo siya sa kwarto na kung saan niya iniwan si Sofie. Nang marinig niya ang malalakas na tawa ni Abby. Agad naman siyang pumasok dito. Kinikiliti pala siya ni Sofie. Kaya napakunot-noo nalang si Francis.
"what are you two doing?? "
Puzzled na tanong nito sa kanila. Nang marinig ni Sofie ang boses ni Francis ay agad itong tumakbo sa kanya. Samantalang umayos naman si Abby sa pagkakaupo nito habang pinupunasan ang mga matang naluluha dahil sa pangingiliti ni Sofie.
"Francis... Gutom na ako... Saan ka ba galing? "
Bahagyang nag-init ang mukha ng binata. Dahil, bukod sa tinawag siya ng dalaga sa mismong pangalan nito at wala nang karugtong na "mama" ay nakaharap ito sa kanya ngayon hawak ang magkabila niyang braso. At sobrang lapit nito sa kanya. Pero wala lang ito kay Sofie dahil gutom na gutom na siya.
"Sorry sir, pero kanina pa po yan nagwawala. Hinahanap po kayo kasi gutom na daw po siya. "
Doon palang bumalik sa pagkatao niya si Francis.
"Ah sorry Abby, sige na. Maglunch ka na. Ako nang bahala kay Sofie.. "
"okay lang po sir, sige po, mauna na ako"
At tuluyan na ngang umalis si Abby habang naiwan naman ang dalawa sa loob. Napabalik ang tingin ni Francis kay Sofie. Nakapout ito at may nagmamakaawang mga mata.
Hindi agad nakareact si Francis dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya habang nakatitig sa itsura ng dalaga. Naamoy nito ang pabangong ipinahid siguro ni Abby sa dalaga. Madalas naman na niya itong naaamoy sa mga bata pero parang ngayon lang niya ito naapreciate.
Tinitigan niya ang bawat angulo ng mukha ng dalaga. Ang mahahabang pilikmata nito, matangos na ilong at pinkish na mga labi nito. Ang buhok niyang hanggang bewang ang haba na blonde at medyo kulot.
Napamangha siya dito. God's art of creation is really awesome.
Di niya tuloy maiwasang masambit ang mga katagang naglalaro sa isipan niya.
"What an attractive creature... "
It was his first time to appreciate a woman genuinely. Na sinasabayan pa ng malatambol niyang tibok ng puso. Before kasi, ayaw niya lang silang mapahiya. Indeed they were beautiful naman, but he was not attracted to them.
"Gutom na ako Francis.......... Kain na tayo, sige na.... "
Doon palang natinag ang binata mula sa kabilang mundo ng pagkatao niya. Buti nalang ay pabulong ang pagkakasabi niya sa mga nasambit niya kanina. Dahil mukha namang hindi ito narinig ng dalaga.
"Hmmm... Ah.. Eh.."
Hinawakan ang batok at medyo iniangat ang mukha upang maiwasang tignan ang dalaga.
"..ha--lika n--na ka-kain na t--tayo. "
Bulol niyang tugon dito. Umalis naman sa harap niya ang dalaga. At nagpatiuna na itong naglakad palabas sa kwarto at sumunod na din siya.
Pero bigla ito tumigil at bumalik sa kinaroroonan niya. Hinawakan ang braso nito at bigla nalang tumakbo.
"W--wait!! S--sofie! "
Sigaw nito sa dalaga na napatakbo narin habang hawak-hawak ng dalaga ang kamay niya.
"Ang bagal mo! Gutom na ako!!! "
Sigaw nito sa binata. Habang si Francis naman ay na-o-awkwardan sa itsura nila. Pinagtitinginan sila ng mga emplyeyado niya. Napayuko tuloy ito sa hiya na tuloy parin sa pagtakbo at pagsunod sa dalaga.
"this is crazy... "
Pabulong nitong sabi sa sarili.
___________________________________
Hope you like it <3
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualitéPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?