Francis planned to bring Kassandra sa isang retaurant na lagi nilang pinupuntahan noon ni Sofie. Kung saan first time sumama ni Paw sa kanila na may ribbon pa sa leeg niya.
He want Sofie to remember him. Oo nga't naalala siya nito but it was the memory of Kassandra at noong bata pa sila iyon. He wanted that the girl he met three months ago will remember him.
"Lagi ka ba dito?"
"Ah--yes! Do you like the place? "
"To be honest, i'm afraid to go here... "
Kumunot naman ang noo ng binata.
"Ha? Bakit naman? "
"Kasi dito ko nadiscover yong allergy ko...itinago kasi nila mommy. Kaya pala may baon ako lagi noon. "
"Ah-what happened? How did you discovered? "
Kasi dito din nalaman ni Sofie na may allergy siya. Noong pinagpipilitan niyang kainin yong mga pagkaing gusto niya.
"I ate egg something, basta nasa menu nila. Gusto ko lang i-try sana kung ano ang lasa kasi hindi sineserve yon sa bahay. Pero bigla nalang sumikit ang dibdib ko at namaga pa daw yong palibot ng bibig ko. At alam mo yong bumabaliktad ang sikmura ko at suka ako ng suka.. Aarrrggghhh i hate that day...Nahospital ako at that time lang sinabi ni mommy yong tungkol sa allergy ko... "
That was exactly what happened to Sofie noong kumain sila sa may bakery. Pero syempre iisa nga pala sila. Kaya parehas nga naman.
"I see. So, gusto mo bang lumipat tayo sa iba----"
"A-ah no! No-no! It's okay Pat, i mean Mr. Hunk.. May ibang menu naman sila na pwede kong kainin. "
At ngumiti ito sa kanya. Maya-maya din ay lumapit ang isang waitress at nag-abot ng menu sa kanila. At iniwan din sila muna para makapagpili.
"I suggest you this. "
At itinuro ni Francis ang isang pagkain sa menu. Ito mismo yong pagkain na pinakain niya kay Sofie noon nong siya na ang pumili para rito.
"A-eh, may napili na ako eh. This! "
Tinuro din nito ang gustong orderin. Nakaramdam ng kunting dismaya si Francis, kasi nakita niya kung paano nagustuhan ni Sofie noon yong pinili niya para rito.
"Ah okay. "
Sagot na lamang nito. At sinabi na nila sa waitress ang mga order nila.
"Mr. Hunk, kamusta ka na? I mean kung ano na pinagkakaabalahan mo ngayon bukod sa foundation. It's been more or less twenty years na wala akong balita sayo."
Pero syempre hindi niya sasabihin stalker siya nito. Noong high school lang naman kasi iyon after noon naging busy na siya at hindi na niya nasubaybayan ang binata. Through internet and social media lang din naman siya nagstalked.
"Been great. Ikaw? "
"Ano ba yan. Akala ko magkwekwento ka na. "
Napatawa naman ng kunti si Francis. It's new to him na marinig na ganon magsalita si Sofie. He again forgets it was Kassandra.
"Wala naman akong maikwekwento. "
"Sige magtatanong ako, pero promise me you will answer. "
"Okay. "
At ngumiti ito sa kanya.
"Do you have 'ex', or 'girlfriend' or someone you're interested with? "
Deretsong tanong nito. Ano pa ba ang aasahan, she was Kassandra. Kapag magsalita ay straight to the point.
"Haha, para naman akong nasa hot seat niyan. "
Natawa nanaman siya. It was really new to him. So si Kassandra nga itong kaharap niya ang not the Sofie he met three months ago.
"Sige na, please... "
At nagpuppy eyes pa ito. Sa isip-isip tuloy ni Francis ay para silang bumalik sa high school. Ganito ba talaga si Kassandra?
"Okay, okay! Ex---I am certain na wala pa. Girlfriend----siguro malapit na kapag bumalik siya. Someone i am interested with----meron pero nawawala eh. "
Pag-iispecific na sabi nito sa dalaga. Na biglang nagpayuko sa dalaga. Umiiyak ba ito o ano? Pero i'm sure right now ay pinagsisisihan niyang tinanong iyon. Pero at least nasagot ang ibang bumabagabag sa loob niya.
"Ah.... "
At iniangat na ulit nito ang mukha at ngumiti kahit halata ang pamumula ng mata nito at nangigilid na luha.
"I will not let her win then. "
Agad na sabi nito. Ngumiti lang si Francis sa sinabi nito. Dumating na rin ang order nila. Francis prayed before they partake the food in their table. Which is new to Kassandra. She is not a Christian. Habang si Francis naman ay lumaki na sa simbahan.
"Did you always pray when you eat? "
Maang tanong nito.
"Yes. Yo---ah let's eat. "
Muntikan na siyang madulas at sabihing nagpepray din naman siya. Buti nalang at hindi niya nasabi iyon.
"Ah-okay.. "
Syempre kay Kassandra plus pogi points iyon. At hindi niya talaga hahayaan yong babae na sinasabi ni Francis na mapasa kanya ang Mr. Hunk niya.
Kumain na sila at ang dami palang dalang tanong ni Kassandra. Mula ata umupo sila until sa pag-uwi at maihatid siya sa kanila eh daldal ng daldal ang dalaga. A total opposite of Sofie. Kasi tahimik lang ito at pinapanood lang ang kalyeng nadadaanan nila.
****
Pero pag-uwi ni Francis ay naguilty siya bigla. He actually treated her as Sofie and not Kassandra. Anyway, iisang tao lang naman sila. Paano ba yon, ang gulo.
****
Will you do the same?
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?