Kanina pa siya ikot ng ikot sa harap ng salamin. Tinitignan maigi ang bawat korte ng kanyang katawan suot ng binili nilang gown ni Francis kahapon. Siya ang pumili dito. Kulay maroon ito. Medyo paballoon ang ibaba nito at sleeveless iyon. Pa-ekist sa likod nito pero hindi naman yoong masyadong hayag.
At nagsuot din siya ng sandal na 6 inches at pointed ito. May maliit na pouch din siya at kulay white naman iyon. Inayos niya ang kanyang buhok into a perfect bun. Naglagay ng light make up kasi ayaw din naman niya yong masyadong kapansin-pansin. Old rose ang kulay ng lipstick nito which make her looks stunning and beautiful.
"Ang ganda mo anak.. Hindi ka na makikilala ni Francis niyan kasi nga maging ako, para ka nang ibang tao sa paningin ko. "
Exagerated na sabi ni manang flor. She was flattered sa sinabi nito.
"G-grabe naman po iyan nay, ai! Pwede ko po bang tawagin kayong nanay? "
Tumawa naman si manang Flor.
"Bakit naman hindi anak. Gustong-gusto ko ah. "
"S-salamat po... Nay.. "
Ngumiti naman ang dalaga at yumakap dito.
Biglang gustong tumulo ng luha sa mata nito pero pinigilan niya. Sayang yong ayos niya eh. Naisip niya ang tunay nitong ina. Asan kaya ito? Kung buhay pa kaya ito? Kung hinahanap ba siya? Sana nga maalala niya ang mukha at pangalan nito para siya nalang maghahanap pero wala eh, blanko ang isip niya kapag inaalala niya kung sino ang mga magulang niya. At minsan umaabot pa sa puntong sumasakit na ang ulo niya.
"Nak, tara na.. Nandyan na ata si Francis. "
Anito sa dalaga. Doon palang siya humiwalay sa pagkakayakap. Dahil narinig din niya ang busina ng sasakyan nito sa baba.
Agad naman nitong kinuha ang gamit niya at muling tinignan ang sarili sa salamin bago sila lumabas ng kwarto. Hindi na pumasok ang binata at hinintay nalang siya nito sa sasakyan niya at nakasandal pa ito na nakatayo sa gilid ng sasakyan nito.
Madilim na sa labas kasi 7:15 na ng gabi. 8:00 naman magstart ang event na pupuntahan nila. Pero kahit madilim na, nakita parin niya kung gaano kagwapo ang binata sa suot nito amerikana. Bagay na bagay nito ang damit.
Hindi naman naitago ng binata ang paghanga sa dalagang papalapit sa kanya. She look prettier and gorgeous.
"H-hi! "
Wala sa sariling bati nito sa dalaga nang makalapit na siya sa kanya.
Tumugon naman ang dalaga ng ngiti.
Pinagbuksan siya nito ng pintuan sa tabi ng driver's seat. Pumasok naman ang dalaga at isinara na iyon ni Francis. At mabilis na umikot ito papunta sa driver's seat. Sa tabi niya.
Bago nito paandarin ang sasakyan ay muli itong tumingin sa dalaga. Napalingon din naman ang dalaga sa kanya, kaya nagtama ang mga mata nila. Na agad ding nagkahiwalay dahil sigurado akong nagkahiyaan sila.
"A-san ang mommy at daddy mo, pati yong kapatid mo? "
Tanong ng dalaga sa binatang nagsimula nang magmaneho.
"They went first. Alam kasi nilang susunduin kita. "
Anito at tumingin sa kanya at ngumiti. Yumuko naman ang dalaga dahil naiilang ito sa katabi nitong gwapong binata.
"S-salamat Francis dahil sinundo mo ako. "
"Walang anuman iyon Sofie. Hindi naman kita pwedeng pabayaan na pupunta nalang doon ng mag-isa at i know you don't know the place. "
Bigla naman siyang napahiya. Kasi tama nga naman ang binata. She don't know the place where the event were. Gusto tuloy niyang pagtawanan ang sarili.
"May nagsabi na ba sayong napakaganda mo? "
"H-ha!? "
Biglang napatingin ang dalaga sa binatang mayat-maya ay sumusulyap sa kanya. Tumawa pa ito ng bahagya.
"..i guest, wala pa nga. "
"Ah---eh.. Me-meron na... S-si nanay flor. "
"I see, i am blessed then, kasi ako ang second na magsasabi sayo non. "
Napamulagat pa lalo ang mga mata ni Sofie na hindi makapaniwala sa sinasabi ng binata. Kasi para itong pangarap sa kanya.
"Your beautiful sofie... With or without make up. "
Sabay ngiti pa nito sa dalaga na ngayon ay nakayuko na sa hiya.
"S-salamat.. I-ikaw din n-naman eh.. A-ang g-gwapo mo din. "
At hot.
Syempre sa isip nalang niya iyon.
"I've always been told about it. But because you've said it, it became more meaningful to me. Thank you Sofie. "
Ano daw?
Bigla tuloy namula si Sofie sa sinabi ni Francis. Para bang may mga meaning ang lahat ng sinasabi nito sa kanya ngayon even these past days.
Nanahimik na sila after non.
Noong makarating sila ay pinagbuksan ulit siya ng binata. Kinuha nito ang kamay niya para alalayan itong lumabas at saka inilagay ito sa kanyang kaliwang braso pagkalabas nito sa sasakyan. Agad namang may lumapit na lalaki na parang crew ng event. Ibingay ni Francis ang susi niya dito at ito na ang bahala para i-park ang sasakyan nito.
Sabay na silang pumasok sa loob ng isang napakalaking building. Napakaelegante ang itsura sa loob. Ang daming mayayaman at respetadong tao din.
Hinanap nila ang table kung nasaan ang magulang ni Francis. Napakahirap hanapin ang mga ito dahil napakaraming tao at napakalaki iyon.
Ilang sandali pa sa paglalakad nila ay nahanap na nila ang table ng pamilya ng binata malapit sa pool. Nakatayo ang kanyang ama na may kausap na dalawang lalaki na tantiya niya ay mga negosyante din.
Agad din naman silang sinalubong ni Francine. Hinalikan ng bata si Sofie sa pisngi maging ang kanyang kuya. At naupo na sila sa upuan sa tapat ng table ng pamilya. Nakibeso-beso muna si Sofie sa ina ni Francis bago umupo.
"You're gorgeous Sofie. "
Ani ng ina ni Francis na si Mrs. Cecilia Morgan.
"S-salamat po, kayo din po. "
Nahihiyang sagot ni sofie.
"How about me ate, look at my hair, kuya did that. "
Ani Francine at tumalikod ito para ipakita ang buhok. Ang ganda ng pagkakaayos nito. Ang galing nga ng binata sa larangang iyon.
"Of course little lady. You are the most beautiful among us. "
Puri naman ni Sofie sa nakababatang kapatid ni Francis. Mukhang nagustuhan ng bata ang sinabi nito dahil napakalaki na ng ngiti nito.
"Thank you maganda kong ate. "
Tugon naman nito sa kanya. Maya-maya pa ay may nagsalita sa napakaengrandeng stage, ang host ng event at agad ding sumunod dito ang pagseserve ng pagkain ng mga ushers. Nakaupo na din sa iisang table ang pamilya ni Francis at maging si Sofie.
***
Wah!!! Food!!!!
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?