Pumunta sila sa isang restaurant na medyo malayo sa foundation. Ang sasakyan ni Francis ang ginamit nila. Nakaupo si Kassandra sa tabi ng driver's seat at sa back seat naman ang assistant ng dalaga. Napakadaldal ng dalaga sa byahe.
Agad din naman silang omorder ng kakainin pagkarating doon.
"Anyway, Mr. Hunk, besides sa gusto kong makita ang kababata ko i have another agenda to you. "
At iniabot ng assistant ni Kassandra ang isang folder kay Francis. Kunot-noo naman si Francis dito at nakangiti naman ng pagkalakilaki si Kassandra.
"Nakita ko yan sa table ni daddy.. I read your name there kaya binasa ko. That are the documents na nagsasabing ang Chan Group of Companies will back up your foundation in Financial matters. You don't have to worry then, you don't have to set limitation of numbers of children. "
Hindi naman makapaniwala si Francis. Tama nga ang sinasabi ni Kassandra sa kanya dahil iyon ang nababasa niya sa documentong hawak niya. At ang nakasignatured doon na CEO ay si Miss Sofia Kassandra Chan. So nalipat na pala sa kanya ang pag-aari ng Kompanya nila.
"In one condition. "
Napatingin naman si Francis sa dalagang nakangisi na ngayon.
"W-what? "
"Date me..... Date me Mr. Hunk. "
"W-what? "
Ani ulit ng binata sa gulat sa sinabi sa kanya ni Kassandra. Napakaprangka talaga ng kababata niya. At everytime na nagpapakaprangka ito sa kanya ay hindi siya makasagot agad.
"Unless you don't want the condition... "
Biglang nalungkot naman ang mukha nito.
"So--- i mean Kassi, sure ka ba sa mga sinasabi mo?? "
"Yea. "
"Then, i think... I wouldn't accept this offer. "
At ibinalik na niya ang folder na hawak sa dalaga.
"Okay... Okay... "
At itinaas pa ng dalaga ang dalawang kamay. Bilang pagsusurender.
"I lost again.. Hmm.. Just accept the offer don't mind the condition. "
Anito at bahagyang ngumiti. Pero halata itong pilit lang.
Hindi naman sa ayaw ni Francis na magdate sila. O ayaw niya sa dalaga. Ayaw niya lang na ang babae ang unang nagpapakita ng pagkagusto sa kanya. Kaya nga sinabi niyang hindi niya ito gusto noong bata sila kasi ito ang umanin sa kanya.
"I think, we need to go na Francis. Thank you for your time. "
Anito at tatayo na dahil tapos na silang kumain. Nagsimula na silang maglakad at naiwan naman si Francis na nakatingin sa kanilang papalayo. Bigla naman itong tumayo noong malapit na sa pintuan ang dalaga at ang assistant niya.
"Let me say that instead... "
Malakas na sabi nito para umabot sa pandinig ng dalaga na papalabas na ng retaurant.
Napatigil naman ang dalaga sa paglalakad at lumingon sa kinaroroonan ng binata.
"K-Kassandra, can you go out with me? "
Unti-unti namang lumawak ang ngiti ng dalaga. At ilang saglit pa ay nakalapit na to sa binata at niyakap ito.
Hindi naman makapagreact agad si Francis dahil nagulat siya sa ginawa ng dalaga.
"Yes!! Yes!!! Of course Mr. Hunk.!! "
Anito ng buong kagalakan at niyakap na din siya ng binata.
Nakatingin naman ang mga tao sa loob ng restaurant sa kanila. May iba na nakokyotan pa sa kanila.
******
Bumalik na si Francis sa Foundation noong maihatid niya sila Kassandra sa Head quarter ng Kompanya nila.
Tinawagan narin niya ang kanyang mga magulang na nasa Canada na at ikinwento ang nangyari kanina lang.
Masaya naman ang mgat ito nang marinig na bumalik na si Sofie. Ni gusto pa nga nilang bumalik agad sa bansa, pero mas lalo silang nagulat noong malaman na Sofie was Kassandra na kababata niya. Pero nalungkot din noong malaman na hindi na siya maalala ni Sofie, yong panahong magkasama sila three months ago.
Yea, ibang-iba nga ang bumalik. Sa kilos at pananalita, at maging sa pag-iisip. Walang bakas na katangian ni Sofie ang mayroon dito. She was totally different from the Sofie he knew.
Maybe the Sofie he's waiting was still lost.
Napabuntong hininga nalang ito. Naisip niya na magdedate na pala sila ni Kassandra nitong mga susunod na araw. Naisip niya din to grab that chance at baka sakaling makatulong siya sa pagbabalik ng Sofie niya. With that, he formed a plan.
****
😭😭😭😭
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?