C20 #NewHouse

58 6 0
                                    

kinabukasan nga ay lumipat na si Sofie sa bahay na binili sa kanya ni Francis. Malapit ito ng kunti sa GLF.

Nakalinis at naghihintay naman na doon ang dating yaya ni Francis si Aling Flor.  Nasa singkwenta na ang edad nito. Siya ang magiging kasama ni Sofie sa bagong bahay niya.

Alam ng dalagang mamimiss niya ang presensya ni Paw at ni Francis.  Almost one month niya silang nakasama. Actually gusto niyang isama si Paw, pero naisip niyang walang kasama si Francis. Kaya iniwan nalang niya ito.

Noong maihatid na siya ng binata doon sa magiging bahay niya ay hindi na rin ito nagtagal. Agad din itong umalis at pumunta sa kompanya. Naiwan naman ang dalagang tinatanaw ang sasakyan ni Francis palayo dito.

Habang ginagawa niya iyon ay nagflashback sa isip niya ang lahat ng ala-ala nila ni Francis when they are living together in one roof.  Ang lahat ng kabaitan ng binata, kung paano pinipigilan ng binatang mainis dahil sa mga kapalpakan niya. Kung paano tiniis at inintindi ng binata ang pagiging demanding niya sa pagkain. Nang hindi niya namamalayang napapangiti na siya at may tumutulong luha sa mga mata nito.

"Ma'am,  iaakyat ko na po ba ang mga bagahe niyo sa kwarto niyo? "

Pukaw ng nasa likod niyang matandang babae. By the way,  nakilala na pala niya ito kanina. Ipinakilala siya ni Francis dito.
Marahan naman siyang nagpunas ng luha bago ito harapin.

"Ah, upo manang.. Slamat po. "

"Walang anuman po ma'am"

"Ah manang,  Sofie na lang po. "

"Hindi po ba nakakahiya sa inyo ma'am"

"Ano ka ba manang,  okay lang po. "

"Alam niyo ma'am,  parehas kayo ni Francis ..ayaw din niyang magpatawag ng sir sa akin. Yong batang yon,  parang anak ko na rin.  Sobrang bait at matulungin talaga niya simula noong bata pa siya. "

"Manang,  Sofie nalang di ba.. "

Anito sa matandang babae habang natawa ng bahagya. Nang maisip nito ang sinabi ni aling Flor.  Oo nga't naging yaya pala siya ni Francis.

"Hanggang kailang niyo po siya inalagaan.? "

"Hanggang nakapagtapos siya ng kolehiyo..Yang bata na rin na yan ang nagsabing magpahinga na ako kasi kaya na daw niya."

Anito na habang tuwa-tuwang inaalala ang nakaraan. Habang sila ay nag-aayos ng gamit ni Sofie sa bagong kwarto niya. Ito nalang naman ang hindi natapos. Kasi natapos nang ayusin lahat ni aling Flor ang mga gamit sa sala,  kusina at sa iba pang parte ng bahay.

"Sobrang bait talaga ng batang iyan,  dahil sa kanya,  nakapagtapos ang panganay ko sa kolehiyo. At hanggang ngayon ay tinutulungan parin niya ako sa pag-papaaral sa bunso ko. Nasa kolehiyo na din. Nahihiya nga ako, kasi minsan lang niya ako tawaging maglinis ng bahay nila. Kahit ayaw ko nang magpabayad dahil ang dami narin niyang naitulong sa amin ng pamilya ko pero sabi niya hindi daw siya humihingi ng kapalit. "

Naalala naman ni Sofie ang pag-uusap nila ni Francis sa rooftop kagabi. Napangiti nalang ito. Nakakamangha talaga ang pagiging matulungin ng binata.

At marami pa silang kwentuhan noong araw na iyon. At tuwang-tuwa si Sofie sa lahat ng nalaman nito tungkol sa binata.

Buti nalang pala at si aling Flor ang kasama niya sa bagong bahay niya. At least,  mag-eenjoy ito sa mga kwento niya. Sobrang bait pa nito.

****

Habang si Francis naman ay tinititigan ang invitation at magazine na hawak niya na inabot kanina ni James. Ang invitation ng engagement party ng kababata niyang si Kassandra at ni Mr. Sebastian Hidalgo.

May suspense nga lang ang mga kuha ni Kassandra. Nakatalikod ito,  hindi masyadong ineexpose ang mukha niya.

Eversince Kassandra was just a kid pinoprotektahan na siya ng kanyang ama sa mga media.  Kasi gusto niyang magkaroon ng privacy ang anak. Lagi din niyang naririnig kay Mr. Chan sa mga interview nito this statement..

"I want my daughter to live a normal life in her young age. I don't want her to experience being followed by paparatzzi and being judge by what she does. Time come, you will meet her. When she'll get matured and ready to live the kind of life I am with. "

At nirerespeto siya sa desicion niya. Kaya no one attempt to expose her daughter in all kinds of social media. Kung meron man, ay nafifix naman agad ito nila Mr. Chan. Kilala siya at marami siyang koneksyon. Kaya madali lang ayusin ang ganitong situation.

Napansin naman niya na pumayat na ang kababata niya. At hindi na gaya ng dati na parang nakalunok ito bola dahil sa laki ng tiyan niya. Parang naexcite naman itong makita kung anong nagbago sa mukha niya. Kung makikilala pa ba niya ito o hindi na. And to find it out,  kailan niyang umatend sa engagement party ng kababata niya sa susunod na Friday pa naman iyon.

_________________________________

😊😊

My Name Is Sofie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon