C15 #TextMessages

76 7 2
                                    

Nagulat si Sofie ng magising siya kinabukasan. Ang huli niya kasing naalala kagabi ay nasa sala siya at hinihintay na dumating si Francis.

Sinampal-sampal pa nga niya ang sarili baka daw kasi ay nanaginip siya. Iniisip niya kung paano siya nakarating doon sa kwarto niya? 

Or else,  totoo yong panaginip niya na tinatawag ni Francis ang pangalan niya,  tapos binuhat siya nito papunta sa kwarto niya. Naramdaman din niya ang paghaplos nito sa buhok niya. And those words...

"Sana right time na Sofie.... "

Bigla tuloy siyang namula at nakaramdam ng hiya nang isiping baka ganon nga ang nangyari at hindi lang basta ito panaginip.

Kinuha niya ang unan sa tabi niya at itinakip sa mukha niya saka ito nagtititili. Ewan niya ba kung bakit ganon nalang ang reaction niya ng isiping totoo ang panaginip niya.

Bigla itong napatigil, naisip nito ang sinabi ng binata.

"Kung totoo ito,  anong yong sinasabi niyang right time? "..

Anito sa sarili. Napaisip tuloy siya sa sinasabing right time ng binata.

"Wag ka ngang mag-assume diyan Sofie,... Haaays"

Sermon nito sa sarili. Bumaba na ito ng kama at kinuha niya ang ponytail niya na nasa may table na maliit sa ulohan ng kama niya nang mapansin nito ang paper bag doon.

Kumunot naman ang noo niya habang tinititigan ang paper bag.

"Ano to? "

Anito at saka kinuha ang paper bag. Binuksan niya ito at kinuha doon ang isang box. Parang isa itong gadgets. Bubuksan na sana niya ito nang mapansin niya ang sticky note na nakadikit sa paper bag. Kinuha niya ito at binasa.

"Use this. Gift ko yan dahil you've learned a lot already.  Nakaphonebook narin number ko diyan,  text me okay- Francis"

Naibagsak ulit tuloy niya sa kama ang kanyang katawan at niyakap ang box na hawak niya. Nagpagulong gulong pa siya sa kama niya nang hindi niya namalayang sumobra ang pagulong niya at nahulog siya sa kama.

"Kyaah!! "

Sigaw nito.

****

Nakalabas na si Francis ng kwarto niya at matamang naglalakad sa hall way, nagulat naman siya nang may marinig siyang sigaw mula sa loob ng kwarto ng dalaga nang matapat siya dito.

Bigla tuloy siyang napakatok sa kwarto ng dalaga.

"Sofie are you okay? "

Pag-aalang tanong nito,  pero walang sumasagot... Kaya kumatok ulit siya.

"Sof--"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nagvibrate ang phone niya mula sa bulsa ng slacks niya. Kinuha niya ito. At binuksan ang message.

"Yes, I'm okay. Don't worry. Thanks sa new phone :)"

Napangiti naman ito ng mabasa ang text at ang sender ay si Sofie.

Hinarap niya ulit ang pinto ni sofie.

"Sige,  mauna na ako sa baba pero sumunod ka na rin para makapagbreakfast na tayo. "

Anito at tuluyang nang naglakad at bumaba sa hagdan nang magvibrate ulit ang phone niya.

"Okay,  coming :)"

Natuwa naman siya sa text ni Sofie sa kanya dahil mukhang nagustuhan nito ang phone na ibinigay niya dito.

___________________

Nang matapos na silang kumain ay agad ding nagpaalam si Francis. At naiwan nanamang mag-isa si Sofie kasama si Paw.

Habang binabaybay ni Francis ang daan papuntang work niya ay may karatulang  nakakuha ng atensyon niya. Bigla itong tumigil at bumaba ng sasakyan. Maiging pinagmasdan ang karatula.

Maya-maya din ay nagpatuloy na ito sa pagbyahe at ibang rota na ang binabaybay nito.

________________

Samantalang ang naiwang si Sofie sa bahay ay maiging kinakalikot ang bawat app ng phone niya. Ang dami na rin nilang Selfie ni Paw.

Mga hapon na rin niyang naisipang i-text si Francis. Nahihiya kasi siya kanina kasi baka busy ang binata. Ewan ba niya kung bakit sobra na lang niyang namimiss ang prisensya nito.

"Hi Francis -"

Bigla itong napatigil sa pagtatype kasi hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Kaya binura niya ulit ito. At bumuntong hininga. Pero maya-maya din ay nagtype nanaman ito.

"Hi!  Gawa mo? "

At pikit mata pa nitong pri-nress ang send at dali nitong inihagis sa sofa ang phone niya. At kumuha ng unan at niyakap ito. Habang naghihintay ng kababalaghang mangyayari sa phone niya. (Joke) Habang naghihintay ng reply ng binata. Pero limang minuto na ang nakakaraan ay hindi pa tumutunog ang phone niya na nasa sofa kaya kinuha na lang niya ito at bahagyang nadismaya.

"Hmm,  sabi na kasing busy siya eh"

Anito sa sarili. Inilapag niya ulit ang phone niya sa maliit na lamesa sa sala at pumunta munang kusina para uminom,  buhat-buhat pa niya si Paw.

Nang biglang tumunog ang phone niya. Parang may tumatawag dito. Napalingon ito sa sala at napahigpit ang pagkakayakap niya kay Paw dahilan upang kagatin siya nito at nabitawan niya ito ng wala sa oras. Gusto niyang tumakbo pabalik sa sala pero parang naging slow motion ang galaw niya.

Nang malapit na siya dito at kukunin na ang phone sa lamesa ay biglang tumigil ang ringtone niya. At nabasa niya doon ang "missed call", at ang nagcall  ay si Francis.

Bigla tuloy siyang nainis sa kanyang sarili kasi hindi niya nasagot ang tawag nito sa kanya.

Muntikan na siyang mapaiyak sa inis sa sarili nang biglang tumunog ulit ang phone niya pero saglit lang. Tinignan niya ito,  one message from Francis.

"Sorry for late reply, may inaasikaso lang ako kanina. -Francis "

Napabuntong hininga naman siya ulit.

"Sabi na kasing busy siya,  ang kulit mo kasi. "

Anito sa sarili bago magreply. Pero hindi pa niya naisesend ang message niya ay tumunog na ulit ang phone niya at nagflash sa phone niya ang message ni Francis.

"Are you busy?  Bihis ka. Pick up kita after 15 minutes. -Francis"

Bigla namang natuwa si Sofie sa message sa kanya ni Francis.

"Okay. -Sofie"

Tipid na reply naman nito at saka nagmadaling umakyat sa kwarto niya upang magbihis.

Pagkatapos niyang makabihis ay dali niya ring hinanap si Paw at sinuklay nito ang kanyang balahibo at naglagay ng ribbon sa leeg nito. Nakalimutan niya atang lalaki si Paw. Umupo na sila sa sala habang hinihintay ang kotse ng binata na dumating.

_________________________________

😻😽😹

Paw: "meow... meow.. Miss sofie,  lalaki ako,  please pakitanggal ang ribbon sa leeg ko. "

✌✌

Haha,  please comment!

My Name Is Sofie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon