C14 #MapanuksongNooYan

70 7 0
                                    

Maagang gumising at nagbihis si Francis kinabukasan. Naka-long sleeves ito na kulay blue at nakaneck tie pa. Saka nagsuot ito ng itim na slacks.

Pababa na ito ng hagdan ng maabutan si Sofie sa sala na nagbabasa ng Bible habang kandong nito si Paw. Nakaindian seat lang ito sa floor at nakasandal ang likod niya sa sofa.

"Ah Sofie, pupunta akong office ngayon. I hope kaya mo nang mag-isa dito sa bahay."

Anito sa dalaga na bahagyang tumingin at tumango lang sa kanya.

"Take care... "

Mahinang sabi ng binata sa kanya at tuluyan na itong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya. Maya-maya din ay umandar na ang sasakyan nito at tuluyan nang umalis at naiwan na si Sofie mag-isa doon.

Dali namang tumakbo sa bintana si Sofie at tinatanaw ang sasakyan ni Francis na papalayo. Malungkot nitong hinatid ng tingin ang binata.

Ito ang unang beses niyang mapalayo sa binata simula noong napunta siya doon. Bumuntong hininga ito at bumalik na ulit sa sala at kinarga si Paw.

________________

"Oh bakit ka nandito? Akala ko ba isang buwan ang leave mo? "

Gulat na tanong ni James kay Francis na pumasok na noong araw na iyon.

"I think okay naman na si sofie. Isa nalang naman ang problema ko ngayon kung saan siya titira. "

Anito habang sabay silang naglalakad ng kanyang kaibigan sa hallway papunta sa office niya. Binabati naman siya ng mga nadadaanan nilang empleyado niya.

"Hmm, so ano nang balita dito? "

Pagpapalit nito ng topic.

"Hmm, ayos naman ang lahat. Recently may dumadating na bagong mga bata at may pumupunta din para mag-ampon. ...haaay... "

Napakalalim na buntong hininga nito na nagpakunot-noo kay Francis.

"Para saan naman yang buntong hininga na yan? Kung ayos lang ang lahat?? "

Tanong nito habang papasok na sila sa glass door ng opisina niya. Dumiretso ito sa upuan sa table niya, samantalang ibinagsak naman ng kaibigan niya ang sarili sa sofa na nasa loob ng office niya.

"Sayang talaga brad yong shares ng Chan group of companies sa foundation. Ewan ko ba kung bakit bigla nila itong hinugot pabalik. Eh maayos naman ang naging usapan namin noon ni Mr. Klein Chan. "

Anito. Nagkataon kasing wala noon si Francis noong pumayag ang Chan group of companies na magbigay ng share sa foundation nila. Kaya si James ang inatasan nito upang makipagkasundo sa kanila. Nagsend kasi sila ng request for financial assistance doon, kasi kaibigan naman ng dad niya si Mr. Chan. Ewan lang niya kung bakit umurong yong sana'y malaking tulong sa foundation.

"Let's just accept it, wala naman tayong magagawa kung hindi will ni God. "

Anito bago sumubsob sa napakadaming papeles sa harap niya. Nagpaalam naman na si James at lumabas na sa opisina niya.

Hindi man alam ni Mr. Chan pero isa ito sa naging inspirasyon ni Francis upang maipatayo ang foundation niya. Kaya nga lakas loob din itong narequest ng financial assistance sa kanya kasi alam niyang maiintindihan siya nito.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Hindi namalayan ni Francis na magteten na ng gabi.

Napagdesisyonan pala niyang tapusin lahat ng ginagawa niya sa table niya sa araw na iyon dahil baka hindi nanaman siya makapasok kinabukaaan dahil mayroon kasi siya balak gawin.
Kinatok lang siya kanina ni James noong mga 5:00 pm upang magpaalam ito. Umalis na rin ang iba niyang emplyedo except sa dalawang guard na pang gabi at mga workers na stay in na nag-aasikaso sa mga batang tinetrain at hindi pa nahahanapan ng pamilyang kukopkop sa kanila.

Tumayo na ito at nag-inat ng kanyang katawan. At saka inayos na nito ang kanyang gamit. Tinignan niya muna ang kanyang cellphone para tignan kung may text o missed call na hindi niya napansin nang may maisip siya. Bahagya itong ngumiti at binuhat na ang bag niya saka naglakad na papuntang elevator.

Nang makarating ito sa kanyang sasakyan ay agad din niya itong pinaandar at pinaharurot. Dumaan muna ito sa isang mall na malapit na ring magsara. At daling binili ang pakay niya at saka pinaharurot ulit ang kotse niya pauwi.

Napansin nitong bukas pa ang ilaw sa sala nila ng ipasok niya ang kotse sa garahe nila. Naisip niyang baka gising pa si Sofie.

Naexcite naman siyang pumasok dahil parang namiss niya ang dalaga kahit na maghapon lang silang hindi nagkita.

Naabutan naman niya ang dalagang mahimbing na nakahiga sa mahabang sofa. Nakababa pa sa carpet ang paa nito at nakahiga si Paw sa tiyan niya. Parehas silang mahimbing na nakatulog doon.

Napansin din nito ang bible na nakabuklat na nasa floor. Maaring nahulog ito mula sa kamay ng dalaga.

Napangiti naman ito at pinagmasdan ang dalaga. Lumapit siya dito para gisingin na upang lumipat na ito sa kwarto niya.

"Sofie... Sofie... "

Sabay tapik ng marahan sa braso ng dalaga. Ngunit parang mahimbing ang tulog nito. Nagising naman si Paw at bumaba sa tiyan ng dalaga at ikinikiskis ang katawan nito sa paa ni Francis.

"Sofie..."

Anito ulit ngunit tanging moan lang ang sagot ng dalaga at gumalaw lang ng bahagya ang ulo nito.

Napangiti tuloy siya, kasi ngayon lang niya nadiscover na tulog mantika pala itong si Sofie.

Wala na nga siyang choice kundi buhatin ito at iakyat sa kwarto niya. Pangalawang beses naman na niyang nagawa ito sa kanya. Noong una ay noong nahimatay siya.

Nong makarating na sila sa pintuan ng kwarto ng dalaga ay marahan niyang pinihit ang door knob ng pinto nito kahit nahihirapan siyang gawin iyon. Pero nagawa naman niyang maipasok ang dalaga sa kwato nito at ipahiga sa kama niya. Inayos nito ang pagkakahiga ng dalaga at saka inilapag sa may table na malapit sa ulohan ng dalaga ang binili niya kanina na nakabalot pa sa paper bag.

Muli niyang sinulyapan ang dalaga na himbing na himbing sa pagkakatulog. Nang hindi niya maiwasang haplusin ito sa ulo ng gaya ng ginagawa niya kapag nagagawa ni Sofie ng maayos ang mga itinuturo niya.

He was tempted to kiss her on her forehead. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

"Sana right time na Sofie.... "

Bulong nitong sabi sa dalagang mahimbing na natutulog sa harap niya.

"Hmmmmm"

Mahinang moan ng dalaga. Bigla namang naalarma si Francis na baka gising si Sofie at narinig ang sinabi niya. Ngunit maya maya din ay mahinang humihilik ang dalaga dahilan upang makahinga ng maluwag si Francis at umalis na sa kwarto ng dalaga.

__________________________________

Salamat po sa pagbabasa <3
If you love, like, enjoy it please click the star.

And let me hear it from you (comment)...

My Name Is Sofie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon