Kinabukasan ay ganon parin ang scenario, sinundo siya ni Francis sa bahay niya at sabay ulit silang pumunta sa work. Pagkababa nila ay biglang tumunog ang phone ng binata. Na agad din naman nitong sinagot.
"Oh, James.. Bakit?"
Anito at maya-maya pa ay puro "sige, sige, give me five minutes, okay bye. "
At binaba na nito ang phone.
"Sofie, may dumating na mag-aampon, tara na, kasi nagmamadali daw sila."
Anito at nagpatiuna nang maglakad.
"Kuya, kindly write my name nalang po. "
Narinig niyang sabi ni Francis sa guard. Na nag "yes, sir" naman agad.
"Good morning ma'am sofie"
Anang guard kay Sofie. Hinayaan na niyang mauna si Francis. Nginitian naman ni Sofie yong guard. At isinulat na niya ang kanyang pangalan at naglakad na ito papunta sa elevator.
"Ma'am! ma'am! "
Tawag ng guard sa kanya.
"Ano po iyon, mang Jose? "
Sabi niya nang lumingon siya kay mang Jose.
Medyo nahihiya namang nagkamot ng ulo si mang Jose.
"Ahm, kasi wala po kayong nilagay na apelyido. Di ko din po alam kung anong apelyido niyo. "
Napaisip naman ni Sofie. Ngayon niya lang naalala na Sofie lang ang ginagamit niya. Di din niya alam kung ito ba talaga ang pangalan niya. Bumalik siya dito at kinuha ang ballpen at iniabot naman ni mang Jose ang logbook. Tinignan niya muna ang mga nakasulat doon bago siya nagsulat. At saka umalis na siya doon.
****
Naabutan naman niya ang mga kasama sa trabaho. May batang pinapainom ng gamot si Regine na parang masakit ata ang ngipin. Si Cristof naman ay abalang naghahanda ng ipapaaktibiti niya, every 3:00-4:00 pm kasi ay may recreation ang mga bata. Wala naman si Abby doon.
Kumuha naman siya ng libro at binasa ito kailangan niya ding maghanda ng ikwekwento sa mga bata lalo na't nagustuhan ng mga bata ang pagkwekwento nito kahapon at gusto pa nila ng isa pa. Pero di na niya sila pinagbigyan dahil
hindi siya nakapaghanda. Kaya sisiguraduhin niya ngayon na masasatisfy ang mga bata. At most especially ay matuto sila sa aral ng kwento.Mayamaya pa ng kunti ay dumating na si Abby na parang kakatapos lang umiyak. Nagtinginan lang naman si regine at cristof, nakipatinginan din si Sofie sa kanila na parang sinasabi ng mga mata nito na "why did she cried? "
Pero hindi sumagot ang mga ito bagkus bumalik na sa ginagawa nila.
Hindi naman nakatiis si Sofie at nilapitan na si Abby na nakaupo sa table niya at may tinitignang folder.
Tumabi si Sofie dito at hindi siya nagsalita. Bagkus tinapik lang nito ang balikat niya. Nakita naman niya sa folder na hawak niya ang picture at profile ng isang batang babae. Umiiyak ba siya dahil wala na sa poder nila ang bata at may umampon na sa kaniya? Hindi ba dapat natutuwa ito?
"Di ba ang saya non Abby may pamilya na si--"
Tinignan muna ang pangalan ng bata sa folder.
"Si Jessica.. You don't have to worry about her. "
"Oo, Sofie... Nahihirapan lang ako kasi napamahal na ako sa kaniya sa kanilang lahat actually.. And soon, you will feel the same too. "
Anito na parang pinipigilang umiyak ulit dahil may mga bata sa paligid. Ngumiti nalang si Sofie sa sinabi nito.
Mayamaya din ay naging okay na si Abby.
Tinatawag ng mga bata si Regine ng "teacher nurse" , nagtuturo kasi siya ngayon kung paano maging malinis sa katawan.
Natutuwa namang panoorin ni sofie ang mga ito habang tinutulungan muna si cristof sa hinahanda nito para sa recreation mamayang 3pm.
Lumapit si Abby sa kanya para iabot ang ID niya. Simpleng name tag lang naman ito at may nakalagay na position. Sa mga bata mas malaki at yong nickname nalang nila ang nakasulat samantalang sa mga staff ay full name.
Tinitigan naman ni Sofie ang ID niya at ang kompletong pangalan niya. At bahagya itong ngumiti. Saka ito isinuot sa leeg niya dahil may lace naman na ito.
Pagkatapos ng isa at kalahating oras, ay recreation na ng mga bata. Nag-aassist si Sofie at Regine. At ineexplain naman ni cristof ang mechanics ng game sa mga bata pagkatapos silang i-group.
_______________________________
Thank you po sa pagbabasa guys!!
Vote niyo naman po, sabay comment na rin.
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?