Nang mapansin ni Sofie ang kotse ni Francis na nagpark sa garahe nila ay bigla siyang tumakbo sa taas at pumasok sa kwarto niya. Sa totoo lang ay nahihiya pa siya dito dahil sa inasal niya kaninang umaga.Mga 8:00 na ng gabi nang makauwi ang binata.
Idinikit ni Sofie ang tenga niya sa pintuan. Tinutunugan ang binatang paakyat. Ngunit ilang minuto na itong nandoon pero wala paring yabag na paakyat. Naisip nitong nagpapahinga siguro ang binata sa sala. Kaya lumabas na ito at nagbuntong hininga muna ito bago bumaba. Kakausapin na niya si Francis. Magsosorry na siya sa naging akto niya kaninang umaga. Bumaba ito ng dahan-dahan.
Ngunit pagkababa niya ay wala ang kahit anino ng binata sa sala. Kaya dumiretso ito sa kusina.. Ngunit wala parin ito. Hindi kaya umakyat na ito sa kwarto niya at hindi niya lang namalayan?
Kaya umakyat din siya at nong nasa tapat na siya ng pintuan ng kwarto ni Francis ay marahan itong kumatok.
"Francis ??...are you there.?? "
Anito.. Pero walang sumagot.. Kaya kumatok ulit ito.
"Ahm, pwede ba tayong mag-usap?? "
Anito ulit. Pero wala paring sumasagot. Marahan nitong pihitin ang doorknob ng pintuan ng kwarto ng binata. Upang silipin ito pero walang tao sa loob. Bukas naman ng kunti ang pintuan ng banyo nito kaya sigurado siyang wala ang binata doon.
"Asan kaya yon? Namalikmata lang ba ako kanina?... "
Nagtatakang tanong nito sa sarili niya. Pababa na sana siya nang makita ang bag ng binata na nakababa lang sa lapag sa may malapit sa hagdan papunta sa rooftop. Bahagyang nakaawang naman ang pintuan na papunta doon. Umakyat naman ito at nasilip mula sa awang ng pinto ang binatang nakatayo at nakasandal sa bakal. Dahan-dahan nitong binuksan ito at natunugan naman siya ni Francis.
"P-pwede ba tayong m-mag-usap?.. "
Anito sa binatang humarap na sa kanya.
"Sure Sofie.. "
Maalumanay na sagot nito.
"I-i'm sorry Francis sa inasal ko kanina. S-sa totoo lang, I'm so blessed to have you. Salamat sa pagiging kind mo sa akin... "
Anito sa binatang nakikinig lang naman ng sinasabi niya.
"P-pwede ko bang tignan bukas ang bahay na sinasabi mo and lilipat na din ako doon. "
Nabigla naman si Francis sa sinabing iyon ni Sofie. Hindi niya matukoy kung saan nanggagaling ang sakit na nararamdaman niya.
"A-are you sure? You can stay pa naman dito kahit ilang araw pa. "
"I'm sure Francis. Tsaka nakakahiya narin sayo, masyado na akong abusado.. Pero Francis hayaan mo sanang bayaran kita pagdating ng panahon kapag nakapag-ipon na ako.. "
"Sofie... Hindi naman kita sinisingil ah.. It is okay for me---- "
"No Francis, sobra-sobra na ang naitulong mo sa akin. Hayaan mong bayaran kita.... Please ."
Hindi muna nakapagsalita si Francis. Sa totoo lang ay ayaw niyang magpabayad. Dahil ibinigay naman niya ito ng bukal sa kalooban niya na walang hinihiling na kapalit.
"At kailan ako magsisimula sa kompanya mo? I will work there, pero pwede wag mo nalang akong sahoran. "
"Hindi naman na pwede iyon Sofie. Saan ka kukuha for your living?........ And ikaw, kung kailan mo gusto.?"
"Pwedeng after ko na ring lumipat ng bahay?? "
Anito na nakayuko. It's her only chance na makita si Francis after niyang lumipat at ayaw niyang patagalin pa ang pagkikita nila. She is really willing to work for free sa kompanya ng binata dahil madami naring naitulong sa kanya si Francis. But Francis won't allow.
"Sure Sofie... Basta don't insist na bayaran mo ako.. Kung sakali hindi ko tatagapin ang bayad mo... "
Anito at lumapit sa dalaga. Ginulo ang buhok nito. Hindi naman napigilan ng dalaga ang sarili. It is their last night together, bukas ay lilipat na siya ng bahay na binili para sa kanya. She hugged Francis tightly. Nagulat lang naman ang binata sa ginawa ni Sofie. Kaya hinahaplos-haplos nalang ng kanang kamay niya ang buhok ng dalaga. Matangkad siya kaya naipatong niya ang kanyang baba sa ulo ni Sofie.
"I will miss you.... "
Biglang nadulas sa dila nito. But he never regret to tell that to Sofie.
Lalo lang namang humigpit ang pagkakayakap ni Sofie sa kanya. Na nangigilid pa ang mga luha nito.
Nanatili sila sa ganong position. Paw was just looking at them like he is watching in a sinema. Cute little cat.
___________________________________
Hope you like it...
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?