Noong palabas na sila ng bahay ay biglang may nagkaputukan sa labas. Tama nga ang tanya ni Francis na makakarating agad ang mga bodyguards ni Sofie to rescue them.
Nagsitakbuhan ang mga tauhan ni Mr. Hidalgo sa labas ni hindi man lang naisip ng mga ito sina Seb na sinadya nila doon. Kaya ginrab naman ng mga ito ang chance para makatakas. Nagsenyasan silang maghihiwalay sila ng daanan.
Nagtanguhan sila at handa nang pumunta sa magkaibang daanan. Francis grab Sofie and Abby's wrist. And Seb grab his mother and wait--Abby's wrist kaya yan nabinat si Abby sa mga hila nila.
"I'll bring her with me Seb."
Mahinang wika ni Francis.
"No, she'll go with me kasi ako ang nag-imbita sa kanya. "
"Emplyeyado ko siya Seb kaya kargo ko siya kapag may nangyari sa kanya."
Magsasalita pa sana si Seb ngunit pinigilan na siya ni Abby.
"Sir, kay sir Francis nalang po ako sasama. "
Mahinang tugon ni Abby.
Ayaw pa sana ni Seb alisin ang pagkakahawak sa kamay nito pero hindi ito ang panahon para mag-agawan sila. They are in danger and they need to move fast. Kaya binitiwan na nito ang kamay ni Abby at pumunta na sila sa magkasalungat na daanan.
"Sofie, Abby, wait here. "
Ani ni Francis noong plano niyang silipin ang pintuan kung may tao ba doon at kung safe ba silang lumabas dito.
"Careful Francis, please. "
"Of course honey, God is with me. "
At hinalikan nito ang noo ni Sofie.
Dahan-dahang binuksan ni Francis ang pintuan. Ito ay sa bandang kusina.
Pero bigla niya itong naisara noong may nagtatakbuhang lalaki dito. Di niya alam kung kakampi ba o hindi.
Noong mawala na ang mga yabag ng paa ay muli niya itong binuksan.
At mukhang wala namang umaaligid dito. Kaya lumabas ito at tinignan niya ang magkabilang dako kung may mga armadong lalaki ba. Pero wala.
Kaya bumalik ito sa loob para kunin na sina Sofie at Abby.
Nasa labas na sila noong magring ang phone ni Francis.
"Anak? Where are you? Are you safe? "
"Dad? How did you know? "
"Just tell me where you are at magpapadala ako ng tao diyan. "
"Dad? Nandito ka ba? "
"Yes son. Ngayon tell me where you are? Are with Sofie and Abby? "
"Yes dad, dito kami sa likod sa may kusina nila. Ahm tapat ng street light na blue. "
"Okay good.. Papunta na sila diyan. Be safe okay. "
"Yes dad. "
At namatay na ang tawag. Narinig pa nila ang putukan sa labas.
Punipilit parin nilang makarating sa bakod upang nag-over the bakod nalang sila palabas. Hindi na safe ang dumaan pa sa gate.
Naisampa niya na si Sofie sa bakod, at sumunod si Abby. At siya ay umakyat naman sa bakod. Matagumpay silang nakarating sa kalsada. Nakikita nila sa banda nila ang gate. Marami ngang tao doon. Pero mukhang mga tauhan ni Mr. Hidalgo. Pero asan ang mga bodyguards ni Sofie.
Dahan-dahan silang naglakad papuntang high way kasi nasa garahe ng bahay ang sasakyan ni Francis at hindi nila iyon makukuha dahil maraming tauhan doon si Mr. Hidalgo.
Bigla silang natigil sa paglalakad noong may marinig silang boses sa bandang likuran ng bahay. Nasa loob ito ng bakod. Napaupo sila at sinilip ni Francis ang nangyayari.
"Dad please. .tama na.. "
Ani ni Seb. Hawak siya ni Mr. Hidalgo at wala namang magawa ang ina ni Seb.
"No son, we don't need her!Di ba masaya naman tayo ng tayo lang? Bakit mo ako iniwan? Para sa babaeng yan na nang-iwan sa atin! "
"You know Saldy na that's not true! Ikaw ang nagbanta sa akin na papatayin mo ang anak natin kapag hindi ako lumayo sa inyo! "
"Sinungaling kang babae ka! "
At tinutukan nito ng baril si Mrs. Hidalgo.
"Go to hell my devil wife.! "
Anito at akmang puputukin na ang baril.
Nagulat si Francis noong biglang tumakbo si Abby at mukhang sasaluhin ang bala ng baril na para sa ina ni Seb. Napatayo naman si Francis at Sofie na akma ding tatakbo doon.
Huli na ang lahat dahil pumutok na ang baril. Napatulala silang lahat at napatakbo sa kinaruruunan nila Abby.
"Sir!? Sir!? Gumising kayo sir!? "
"Anak! Wake up! Tulong!! "
"Seb!! No! No!! Seb!! "
Sabay na sigaw ni Abby, Sofie at ina ni Seb.
Nagpumiglas kasi si Seb noong kinalabit ni Mr. Hidalgo ang baril nito at daling sinalo ang balang papunta sa direksyon ni Abby.
Sinipa naman ni Francis ang baril na hawak ni Mr. Hidalgo na parang nagulat sa nangyari.
Kinuha ni Francis ang kamay nito at inilagay sa likuran niya.
"Walang hiya ka talaga Saldy!!! Ikaw ang dapat mabulok sa impyerno!!"
Sigaw ng mommy ni Seb.
"N-no s-son... Daddy is here.. Wake up... Di ba magiging CEO ka pa sa kompanyang pinaghirapan ng lolo mo.. Nnnnnooooooo!!! Sssooonn! "
Bigla hagulgol naman ni Mr. Hidalgo.
Nagsidatingan naman ang mga pulis at body guards ni Sofie. At nahuli na ang mga tauhan ni Mr. Hidalgo at maging siya. Pero pilit itong pumipiglas.
"Let me go!! My son needs me!! Common!! Ako ang kailangan niya
!!stop!! Wait!! I said let me go!!! "Anito habang nilalayo siya ng mga pulis doon. Napailing-iling nalang si Francis.
At dumating narin ang mga rescue team at naisakay na sa ambulansya si Seb na walang malay.
****
😭😔😔😔
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?