Kabanata 2

151 9 0
                                    

Pagkarating ni Francis sa bahay nila, sinalubong agad siya ng kanyang pusa. Si Paw, lalaki ito at stripe na black and gray ang balahibo nito. Agad niya itong binuhat at hinaplos ang ulo nito.

"Kamusta Paw? Gutom ka na ba?... "

Habang patuloy ito sa paghaplos sa pusa ay naglakad ito papuntang kusina. Ibinaba niya ang pusa sa lamesa at naghanda ng pagkain nito. Mag-isa lang si Francis sa bahay nila. Ang mom at dad niya ay nasa Toronto, Canada with her little sister.

Pinapasunod siya doon ng pamilya niya, pero he prefer to stay dito sa Pinas. Siya din ang may-ari ng kumpanyang pinapasukan niya. Hindi naman ito kilala pero maraming tao na ang natulungan ng kumpanyang ito. Sinimulan niya ito eight years ago, and thankfully marami namang sumusuporta sa mission niya. It was actually a foundation. God's love Foundation (GLF). It focusses to children, especially to those who are in the streets. It provides them home and family to love them and show God's love for them.

Actually, yong sinasuggest ng kanyang kaibigan is maganda naman, pero, malaki na yong babae. Hindi niya alam kung meron bang gugustuhing mag-alaga sa kanya o magpatira sa kanya. At hindi iyon sakop ng foundation niya.

Pero, sobrang naaawa siya sa babae, kaya after work niya ay lagi itong nagtetake out ng food for her. At one week na niya itong ginagawa.

Lagi tuloy niyang natatanong sa sarili niya ang;

"what can I do for her?"..

Sadya kasi talagang maawain si Francis. Ito ang nagtulak sa kanya para maitaguyod ang kumpanya niya kahit three years ago ay malapit na itong magsara. Dahil nagkukulang sila ng fund at supporta. Kaya kahit mismong ipon niya na para sana sa future family niya ay naitaya niya dito.

He is 27 years old now. And his full name is Francis Morgan. Walang kahit isang naging girlfriend, it was his choice and his commitment to God. Actually yong commitment na yon ay hanggang 26 years old siya pero parang sadyang wala pang dumadating na babaeng magpapatibok ng puso niya.

At ayon nga isang babaeng nangangailangan pa ng tulong niya ang dumating. Babaeng hindi mawala-wala sa isipan niya. Napabuntong hininga ito. Inilapag na niya ang pagkain ni Paw sa lamesa at napaakyat ito sa roof top nila hanggang third floor kasi ang bahay nila na may roof top. Tinitigan ang mga bituing nagsisikislapan sa langit. At halata sa mata nito ang pagkamangha dito.

________________

Samantalang nakatulala lang sa mga bituin ang dalaga na kanina pa nakahiga sa tagpi-tagping karton sa abandonadong bahay na tinitirhan niya. Wala kasi itong bubong.

Wala nang ibang nagreregister sa isip niya ngayon kundi ang kagutoman lang niya. Doon lang ngayon nakafocus ang atensyon niya.

"Sofie.... Sofie... "

Kadalasan niya itong nabibigkas lalo na kapag nakatulala siya, ang pangalan na isinisigaw sa panaginip niya. Ang pangalan na maaring pangalan niya. Kaya nga noong tinanong siya ng lalaking nakakotse isang linggo na ang nakalipas ay ito ang sinabi niyang pangalan niya.

Pumikit ito, at kinausap ang may-ari ng boses sa panaginip niya sa pamamagitan ng imahenasyon niya.

"...pwede ba akong himingi ng favor sayo?....di kita kilala pero lagi kitang naririnig sa panaginip ko.. Pangalan ko ba yong sinisigaw mo? Pero kung hindi, pwedeng ako muna si Sofie. .."

At nagmulat na ito ng mata. Tumagilid na ito at maya-maya din ay nakatulog na siya.

Oo blanko lahat ng memory ng dalaga. Di niya alam kung sino siya, kung sino ang nanay at tatay niya, kung saan siya nakatira at kung ilang taon na siya. Anong klaseng tao ba siya, ano ang mga gusto niya, isa nga lang ata ang sigurado niya. Gusto niyang kumain ng adobong liver ng manok.

Pagkagising niya kinaumagahan ay nagtataka ito, dahil hindi kasi siya nanaginip ngayon. Well, naisip niya na mas okay na iyon kasi lagi nalang siyang nagigising ng pabalingkwas. At least ngayon, nakainat pa siya at saka bumangon sa pagkakahiga niya.

Naglakad na ulit siya palabas ng abandonadong bahay at tumungo sa pinagtatambayan niya. Umupo sa dati niyang pwesto. Naghihintay na ulit ng grasya ng kung sino man ang maaawa sa kanya. At may mangilan-ngilan naman ang nagbibigay ng pagkain sa kanya. Pero para sa kanya kulang pa ito. Parang gusto niyang ipagsiksikan lahat ng pagkain sa tiyan niya para di na ito magreklamo pa.

Bandang hapon na nang may tumigil ulit na kotse sa tapat niya. Bumukas ang bintana nito at iniabot ang nakasupot na pagkain. Agad ulit niya itong kinuha at nagpasalamat saka naglakad na palayo dito.. Pinaandar na rin ng lalaki ang sasakyan niya. At nagsimula na itong tumakbo.

Nang maya-maya'y napansin nito sa side mirror ng sasakyan niya na hinahabol siya ng dalaga kaya bigla niya itong inihinto. Nakahabol naman ang dalaga at tumapat sa driver seat window.

Hinihingal pa at kinakalampag ang bintana ng sasakyan ni Francis.

"Mama!? .... Mama!? "

Ibinukas naman ng binata ang bintana ng sasakyan nito. Medyo napakunot-noo ito.

Natuwa naman ang dalaga dahil pinagbuksan siya ng bintana.

" mama, pwede ba akong magrequest?"

Hindi naman magkapagsalita si Francis, dahil bahagya itong nagulat.

"Mama, sana bukas adobong liver ng manok nalang ibigay mo sa akin. Hindi ko alam kung ano yon basta,... Siguro alam mo naman na iyon. Sige, salamat ha! "

At tumakbo na ito pabalik samantalang natulala naman ang binata na medyo natatawa.

_________________________________

Hindi na mapigilan pa ni Francis ang kanyang tawa.

"Hahahahaha... This is crazy! "

Ngayon lang kasi siya nakasaksi ng pulubing nagrerequest ng specific na pagkain. Anyway, willing naman siyang ibigay iyon.

Napabalik tuloy siya sa palengke upang bumili ng liver ng manok at iba pang ingredients ng adobong request ng dalaga sa kanya. At agad na din siyang umuwi. Hindi parin mawala sa isip niya ang scenario kanina.

FLASHBACK!

Napansin nito sa side mirror ng sasakyan niya na hinahabol siya ng dalaga kaya bigla niya itong inihinto. Nakahabol naman ang dalaga at tumapat sa driver seat window.

Hinihingal pa at kinakalampag ang bintana ng sasakayan niya.

"Mama!? .... Mama!? "

Ibinukas naman niya ang bintana ng sasakyan nito. Medyo napakunot-noo siya.

Mukhang natuwa ito dahil binuksan niya ang bintana ng sasakyan niya.

"mama, pwede ba akong magrequest? "

Hindi naman siya magkapagsalita, dahil bahagya siyang nagulat.

"Mama, sana bukas adobong liver ng manok nalang ibigay mo sa akin. Hindi ko alam kung ano yon basta,... Siguro alam mo naman na iyon. Sige, salamat ha! "

At tumakbo na ito pabalik samantalang natulala naman siya na medyo natatawa.

--end

Napangiti nalang ito.

"She's really funny..ppffft. "

Nasambit nalang niya ito sa kanyang sarili.

My Name Is Sofie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon