Nagulat si Francis nang makita niya ulit ang dalaga sa kusina. Sa ngayon hindi ito nagluluto kundi malayang nakatulog ito sa lamesa. Naisip niyang maaga itong gumising upang magluto kasi may nakaahin na pagkain sa lamesa na natatakpan ng plato.
Nasilip naman niya si Paw na nasa ilalim ng paa ni Sofie at kinikiskis nito ang katawan niya sa paa ni Sofie. Dahil ayaw pa niyang magising ang dalaga ay lumapit ito at lumuhod upang kunin si Paw. Lumapit naman si Paw sa kanya at bago pa niya buhatin si Paw ay napansin niya ang mga maliliit na bilog na kulay pula na mantsa sa floor. Tinignan niya ito at napansin din niya ang kumikislap na maliit na bagay malapit sa paa ng dalaga. Pinulot niya ito at nalamang bubog pala ito. Itinapon niya ito sa malapit na basurahan sa tabi ng lababo. Nakita niya doon ang bubog ng nabasag na baso. Bumalik siya sa dalaga at sinusuri ang kamay niya kung saan galing ang dugong nakamantsa sa floor.
Nang mapansin nito ang kamay ng dalagang may mga maliliit na hiwa doon at dugong nagmantsa din sa balat niya.
Dali siyang pumunta sa sala at may kinuha siyang box sa ibabaw ng kabinet doon. Agad din itong bumalik kay Sofie.
Hinawakan nito ang kamay ng dalaga. At bahagya niya itong ginising.
"Sofie, gagamotin ko tong sugat mo ha. "
"Hmmm" moan nito.
At bahagya itong naginat ng kamay at humikab at saka nagmulat ng mata. Bahagya itong natigil sa paghikab ng makita ang binata sa harap niya, nakanganga pa siya.
"Akin na yang kamay mo. " sabay abot niya ng kamay ng dalaga.
"NO!!! "
Bulalas nito ng makompirmang nasa harap niya nga talaga si Francis. Dali niyang tinakpan ang bunganga niya, pero pagkatakip niya ng dalawang kamay sa bunganga niya ay napasigaw ito.
"Ouch!! "
Dali niyang inalis sa pagkakatakip sa bibig niya ang dalawa niyang kamay at tinignan ito. Dahil sa pagkataranta niya pala kagabi na baka nagising si Francis ay basta nalang niyang pinulot ang mga bubog at hindi niya namalayang nasugat pala siya.
Dali namang kinuha ni Francis ang kamay nito at nilinisan ng panglinis ng sugat at nilagyan ng mga band aids and mga sugat ni Sofie bago niya isinunod and isa niyang kamay.
"What happened? "
Tanong ng binata habang inaayos na ang medicine kit.
"Ah eh... Ahm... Kasi.. Ahm, k-kasi"
Utal na sagot ni Sofie.
"Sofie, hindi ako galit okay.. Kumalma ka lang. Anyway, atleast hindi malalim ang sugat mo. "
Anito at itinabi na sa lamesa ang medicine kit at lumapit na sa nakatakip na pagkain sa lamesa.
Naalarma naman ang dalaga at daling tumayo upang pigilan sana ang binata na buksan ito. Pero huli na dahil nabuksan na ito ni Francis at may hawak na din itong kutsara..
"Francis! ...."
"Why? "
Sagot naman ng binata.
"Ah... K-kasi,.. Ahm k-kasi failed yan. "
At yumuko ito sa hiya sa binata. Naghihintay siya ng sasabihin ni Francis pero hindi pa ito nagsasalita.
Bigla nalang siyang nag-angat ng mukha ng magsalita ang binata.
"It taste good! How did you do that? "
Masaya nitong sabi sa dalaga.
"Thanks God, you're improving Sofie. "
Anito at niyakap sa tuwa ang dalagang nakatunganga parin sa gulat nang sabihin ni Francis na, "it taste good"
Totoo ba ang sinabi ng binata sa kanya? Okay lang ang lasa ng niluto niya?
Naalala niya pala kagabi, hindi na niya natikman ang last na niluto nito dahil mabigat na ang talukap ng mata niya. At ang sinabi niyang pamamahinga niya lang sana ay nauwi sa tulog na pala.
Kumalas naman ang binata at ginulo ang buhok niya. Tuwang-tuwa naman siya sa loob niya dahil finally, she made it. At ang reward niya ang ngiti at panggugulo ng binata sa buhok niya. Ewan niya ba kung bakit niya sinabing reward niya ito. Maaaring nasanay na rin ito na laging ginagawa sa kanya ng binata. Ngumiti naman siya kay Francis bilang tugon dito.
Pagkatapos nun at kinuha na ni Francis ang niluto niya at nilagay sa loob ng ref.
"Ireheat nalang natin iyon mamaya para yon na ang pang-umagahan natin. Tara muna sala at magdevotion muna tayo"
Pagkasabi niya nito ay naglakad na siya papuntang sala at sumunod din siya.
Pero bakas parin sa mukha niya ang tuwa na kakainin nila ang niluto niya. Ang pinagpuyatan at inulit-ulit niya ng ilang beses. Ang dahilang kung bakit siya naabutan ng binatang nakatulog sa lamesa.
"Thank you Lord, Hindi nasayang effort ko"
Taimtim nitong panalangin habang naglalakad na sumusunod lang sa binata.
______________________________________
I hope you like it!
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?