It was saturday, nasa office siya noong dumating ang dalaga. She desperately asking this,
"How can I win over that girl? "
She's actually talking about Sofie. Medyo natawa ng kaunti si Francis, kung alam lang niyang iisa sila nong tinutukoy ni Francis.
"Cook for me. "
Tipid na sa sagot ni Francis. Gusto nga niyang maalala siya ng dalaga di ba, kaya ipapagawa niya ang mga bagay na ginagawa nila noon.
"H-ha!? No other option? "
Alangang sagot nito.
"Why? "
"I-I don't know how to cook... "
Nakayukong sabi nito sa binata. Tumayo lang naman si Francis na kanina lang ay nakaupo sa harap ng table niya.
"You know how, tara mamalengke muna tayo ng lulutuin mo. Sa bahay ka na magluto. "
Napamulagat si Kassandra dahil seryoso talaga ang binata sa sinabi nito.
"W-what!? A-ahm, as in ngayon na. W-wait... "
Natarantang sagot niya. Nagsisi tuloy siya sa tinanong niya.
"Let's go. "
Ani naman ng binata at nauna nang lumabas sa opisina nito at wala na siyang nagawa kundi sumunod.
****
Wala na ngang urungan. Dahil nandito na sila sa bahay nila Francis.
Namangha ang dalaga dahil napakasimple lang ng bahay nila Francis. Pero ang linis at ang ayos ng mga gamit sa loob. Natuwa siya kasi first time niyang pumunta dito. Pero sa isip niya ay parang familiar sa kanya ang bahay na ito. Hindi pa naman siya nakakapunta dito noong bata pa siya.
"Kyaah!! "
Bigla nitong sigaw noong may naramdaman siyang mabalahibong nilalang sa paa niya. Nagulat din ang mabalahibong nilalang na ito at tumakbo sa ilalim ng mesa.
"What's that!? "
Tili pa nitong turo sa ilalim ng lamesa.
"Paw come here.."
At lumapit naman ang pusa kay Francis.
"Say 'hi' to our visitor. "
Mukhang naintindihan naman ng pusa dahil nag 'meow' pa ito.
"A-ah h-hello. "
Alangang sagot naman ni Kassandra.
"Tara na sa kusina. "
Yaya nito sa dalaga at naglakad na papuntang kusina. Sumunod naman ang dalaga.
"Hi Yaya! Ano pong ginagawa niyo?"
Bati ni Francis sa matandang naabutan nila sa kusina. Regular na kasi ang trabaho nito sa bahay nila hindi na kapag kailangan lang ni Francis. Simula kasi noong mawala si Sofie ay pinakiusapan siya ng mga magulang ng binata na magstay na muna ito doon.
"Ah anak ikaw pala---"
Napatigil ito noong mapansin ang dalaga sa likod ni Francis. Napansin naman ni Francis ang pagkagulat nito noong makita si Sofie.
"So--"
"Yaya, si Kassandra po pala. Naalala niyo yong kababata ko? "
Hindi malaman ng matanda ang isasagot dahil naguguluhan siya sa nangyayari.
"Ah, Yaya Flor. Hanggang ngayon, nandito parin po pala kayo. "
Bati naman ni Kassandra.
"Ah--eh"
At tumingin ang matanda sa binata.
"Ah Yaya, si Kassi na po ang magluluto. Magpahinga na po kayo. "
"S-sige. "
Yon lang ang nasabi ni manang Flor at kunot noong umalis na doon.
Samantalang, hindi naman mainit ay pinagpapawisan naman ng husto si Kassandra. Inaalala niya kung paano ba siya magluluto dahil hindi talaga siya marunong non.
"Francis, pwede ko bang tawagin si yaya para kasama kong magluto? "
"No, you have me. Sasamahan kita pero ikaw ang magluluto. "
Wala na ngang nagawa si Kassi kundi sumunod at tularan ang paghihimay ng gulay na ginagawa ni Francis.
"Every thing's set, now cook. "
Ani ni Francis sa dalaga noong matapos silang maghimay at maiprepare ang mga rekado sa lulutuin ng dalaga.
"H-ha? ...."
Grabe, daig pa niya ang mga nagtetake ng board exam sa kaba na baka hindi siya pumasa.
"S-sorry... P-lease teach m-me. "
"No. Do it by yourself, i said you can di mo ba yon narinig So-Kassi? "
Parang ang rude lang ng pagkakasabi pero it comforted Kassi. Tumango nalang si Kassandra at nagsimula na ngang magluto. Inilagay at pinagsunod-sunod nalang niya ang mga sahog ayon sa conviction niya. With 'bahala na' na sinasabi ng utak niya.
While Francis is carefully watching her cook.
'Please remember... '
Ani naman ng utak ni Francis sa dalaga.
Minutes later, ay isinalin na ng dalaga ang luto sa may bowl at inilapag sa lamesa kung saan nakaupo si Francis.
Agad na tinikman iyon ni Francis. At bigla itong umiling-iling.
Yumuko tuloy si Kassi. She felt ashamed. Naisip niya kung bakit hindi niya iyon binigyan pansin noong buhay pa ang mommy niya. Ang mommy pa naman niya ang may pinakamasarap na luto sa tingin niya.
"I-I told you.! "
Anito at maluha-luha at nagwalk out sa kusina. Papunta na itong sala nila Francis para kunin ang bag niya.
"Hey! Wala pa naman akong sinasabi ha. "
Tawag nito sa dalaga.
"No thanks! I know i'm not good at all pagdating sa bagay na yan. "
At dinampot na ang bag.
"Ihatid mo na ako. Pag-aaralan ko munang magluto bago ulit ako babalik dito para ipagluto ka. "
Ngumiti naman si Francis sa sinabi ni Kassi.
"I'll wait, kahit gaano pa katagal yan. "
Nagulat naman si Kassi sa sinabi ng binata. Kung anong ibig sabihin nito.
Well, Francis forgets again and thought it was Sofie.
"Ah- never mind what I said. Tara na sa kusina, kainin muna natin yong niluto before kita ihatid. "
At inakbayan nito ang dalaga at iginaya sa kusina.
Pumiglas naman ang dalaga.
"Ikaw ha! Iniinis mo ba ako. I know naman na hindi iyon masa---. "
"Who told you? I said you know how to cook. Taste it para malaman mo. "
Ani naman ng binata. Agad ngang nilapitan ni Kassi ang niluto at kumuha ng kutsara at tinikman iyon. Kumunot ang noo niya.
"H-how c-come.?? "
Gulat nitong sabi. Ngumiti lang ang binata at ginulo ang buhok niya ng gaya ng ginagawa niya kay Sofie noon.
"I told you."
Ani pa nito bago kumuha na ng plato ay umupo sa lamesa.
*****
😍😍😍😍
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?