Nagulat si Francis ng makita ang dalagang nagpiprito sa kusina. Bahagya itong umatras at nagtago sa likod ng pintuan.
Pinapanood ang dalagang may hawak pang takip ng kaldero sa kaliwang kamay na parang shield nito sa tumatalsik na mantika at hawak naman niya ang tong sa kanan niyang kamay.
Napapatili ito ng "ouch! Ouch! "Sa tuwing natatalsikan ito ng mantika. Nang bigla itong sumigaw.
"NO!!! "
Sabay patay ng gasol at ini-off ang stove. Kinuha niya ang pagkaitim-itim na tilapia sa palayok gamit ang tong na hawak niya. Halos maiyak na ito..
Nakita din ni Francis ang mga nasa lima o apat na tilapia na nasa bilog na plato sa ibabaw ng lamesa na ganoon din ang itsura.
Napaupo ang dalaga sa upuan kasabay ng pagpout ng bibig niya na may kasama pang buntong-hininga. Nang-gilid ang mga luha sa mata nito habang tinitignan ang mga tilapiang kasing itim na ng pwet ng palayok na pinaprituhan niya.
Agad niya din itong nagpunas nang maramdamang mahuhulog na ang luha sa mga mata niya.
Bahagya namang nakurot ang loob ng binata ng makitang ginagawa ng dalaga ang best niya para makapagprito kahit na puro palpak ito.
Kaya nagdesisyon na siyang magpakita dito. Lumabas na ito sa likod ng pinto at naglakad patungo sa kanya.
Nang makita siya ni Sofie, ay biglang nanlaki ang mata nito at nataranta. Dali niyang itinago ang nakaplatong sunog na tilapia sa likod niya.
Ngumiti naman si Francis at lumapit sa kanya. Ginulo nito ang buhok niya at sabay sabing.
"You did well Sofie... "
At saka inalis ang kamay nito sa ulo niya pero nakangiti parin ito sa kanya.
"Sofie, Tara muna sa sala.. "
Anito sa dalaga na medyo maliwanag na ang mukha. Hinintay muna niyang tuluyang makaalis ang binata bago niya daling ibinasura ang mga tilapiang sunog na nasa platong hawak niya at inilagay sa lababo ang plato at maging ang lahat ng ginamit niya kanina. At sumunod na ito sa binata.
Naabutan naman niya si Francis na nasa sala at mukhang may binabasa ito. May isang libro din na nakalapag sa lamesa sa may harap ng binata. Lumapit ito at naupo sa tabi ng binata. Tinignan nito ang librong nasa lamesa at nabasa niya ang "Bible" na nakasulat dito.
Napakunot-noo tuloy siya. Nang biglang magsalita si Francis.
"Yang Bible sa lamesa, that is for you. "
"Pero bakit?? Ipapasok mo ba ako sa seminarya? Magmamadre ba ako?? "
Sunod-sunod na tanong niya kay Francis. Na nagpatawa naman ng kunti kay Francis.
"Bakit gusto mo ba? "
Biro nito sa dalaga.
"Hindi,... Pangako tututunin ko lahat ng itinuro mo... Bigyan mo muna ako ng sapat na time. Please, wag mo lang akong ipunta doon.. Parang ang creepy kasi doon. . Please Francis. "
Pagmamakaawa nito sa binata na mukha talagang naniwala sa sinabi niya.
Napatawa naman si Francis. Habang kumunot naman ang noo ni Sofie.
"Chill Sofie , Biro lang yon. "
Hawak-hawak ang tiyan na patuloy parin sa pagtawa at tinignan lang siya ng dalaga ng masama. Tumigil naman si Francis ng makita ang mga matang iyon.
"Hmm"
Pag-aayos nito sa lalamunan niya.
"S-sorry, ahm.. Binibigay ko sayo yang biblia kasi everyday magkakaroon tayo ng devotion. "
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpirituellesPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?