Gabi na noong makatanggap ng text si Sofie galing kay Francis. Checking her if she is okay in her new home.
Natuwa naman ang dalaga dito at nagreply naman agad.
"Okay lang naman Francis, at masaya namang kasama si Aling Flor ---Sofie"
"I'm glad you like her. Tulog na ba siya?---Francis"
"Oo, kanina pa. Ikaw din matulog ka na. I know pagod ka. ---Sofie"
"Yes, later. ---Francis"
"Bakit may gagawin ka pa ba? ---Sofie"
"Wala naman, can I call you? I mean now? ---Francis"
"Okay. ---Sofie. "
Natuwa naman si Sofie sa sinabi ng binata sa text. Dahil sa totoo lang ay namiss din nito ang boses ng binata. Ilang segundo lang ang lumipas at nagring na ang phone niya. Agad naman niya itong sinagot.
"H-hello"
Anito pagkasagot sa tawag ni Francis.
May kakaibang relief naman na naramdaman si Francis nang marinig niya ang boses ni Sofie mula sa kabilang linya.
Na para bang ang pagod niyang katawan kanina ay biglang nagkaroon ng kakaibang energy."Hello? Francis??"
Pag -uulit ni Sofie dahil hindi pa siya sinasagot ng binata. Bumuntong hininga naman ang binata.
"Oi, Francis...okay ka lang ba?
Nag-aalalang ani ni Sofie dahil hindi parin siya sinasagot ng binata.
"Ah-- thank you Sofie.. "
"H-ha?? Thank you? Para saan?... Ako nga dapat ang magthank you sayo. "
Narinig niyang pahagyang ngumiti ang binata.
"Good night Sofie. God bless you... "
"H-ha?? Matutulog ka na? Yon lang ang sasabihin mo?"
Dismaya at naguguluhang tanong ni Sofie. Akala pa naman niya ay makakapag-usap sila ng matagal.
"Take care Sofie, see you tomorrow... Bye. "
"O-okay, bye. "
At ibinababa na ng binata ang phone sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman si Sofie. Tulala lang sa kisame. Medyo naiinis siya, hindi niya alam kung sa binata ba o sa sarili niya. Naiinis siya dahil yon lang ang sinabi ng binata, akala niya kasi makakapag-usap at makakapagkwentuhan pa sila ng matagal. Naiinis siya sa sarili niya dahil ayan, nag-e-espect siya na suppose to be ay hindi naman dapat.
Bumuntong hininga ulit ito at kinalma ang sarili. Di bale magkikita naman sila bukas.
Habang si Francis naman ay nakangiting nakahiga sa kanyang kama. Nakapikit ang mga mata nito at inaalala ang boses ng dalaga na kanina lang ay narinig niya. Then he suddenly sleep in that position.
****
Maaga namang sinundo ni Francis si Sofie sa bahay nito papunta sa kompanya niya sa umagang iyon.
Nakasuot lang ng simpleng v-neck na plain white si Sofie at nakajeans ito ng black.
Nang makarating sila doon ay pumunta sila agad sa room na parang nursery yong pinagdalhan dati ni Francis sa dalaga. Naabutan nila doon si Abby at dalawa pa nitong kasama at may mga bata din doon.
"Handa ka na ba? Abby will teach you what to do. Ah --"
Napatigil ito nang makita ang dalawang kasama ni Abby. Di pa pala niya ito naipapakilala kay Sofie.
"Si Abby kilala mo na diba? Siya pala yong panganay ni yaya Flor. "
Tumango naman si Sofie at tinignan si Abby na parang pinipilit ang ngiti. Maaring natrauma na ito sa kanya noon. Ngumiti nalang siya dito.
"And this is Cristof, he is the recreation manager, and Regine ang nurse ng mga bata. Abby's work is to supervise you. She is the Supervisor in this bracket of the foundation she handled everything the kids needs . So I think she prepare a perfect work for you."
Anito sa dalaga at ngumiti.
"May I leave now. Enjoy Sofie.."
Baling nito sa dalaga at ginulo pa ang buhok nito na parang bata. Bago balingan si Abby.
"Abby, I have to go. So good luck! "
"Y-yes sir. "
Anito na at tuluyan nang umalis ang binata doon. Tinanaw naman ni Sofie ang likod ng binata na umalis na.
"S-sofie.. M-ma'am.. This way please."
Pukaw ni Abby kay Sofie. Napatingin naman si Sofie sa kanya.
"M-ma'am, ahm.. Ahm... --"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang magsalita si Sofie.
"Abby, okay ka lang? "
Hahawakan niya sana ito pero biglang umiwas si Abby.
"Oi, natatakot ka ba sa akin? Ah---"
Bahagya itong ngumiti kay Abby.
"Don't worry, hindi na kita kikilitiin kapag nagutom ako.. Sorry pala noon, and thank you na din. "
Magsasalita na sana si Abby pero nagsalita siya ulit.
"And, ikaw kaya ang mas mataas ng position sa akin, so don't call me ma'am. "
Tumango naman ito.
"Hello guys, I'm Sofie. Nice to meet! "
Saka ngumiti kay Cristof at Regine.
"Hello miss Sofie! Nice to meet you too! " ani cristof.
"Ah eh, hello po.. "
Sabay kaway ng kamay ni regine.
"Sorry sa reaction ko S-sofie."
"It's okay Abby, kasalan ko naman iyon eh.. Tara, simulan na natin? "
"Sige.. "
At pinuntahan na ang mga batang naglalaro sa likuran nila.
Sofie became the kids teacher. Ang sakop ng trabaho niya ay sa paglinang ng kakayahan ng mga bata, pagturo sa kanila ng magandang asal. At kung maari ay magkwento din siya ng mga Bible stories ng gaya ng ginagawa sa Sunday school.
Lagi naman silang umaatend sa church ni Francis. Dahil may church namang sarili ang Foundation. God's Love Community Church. Nakikita naman niya ang mga worker dito na nagtuturo sa Sunday school ng mga bata. Marami din itong members at half siguro nito ay mga class B sa lipunan.
Akala nga ng karamihan ay boyfriend at girlfriend sila ni Francis kaya madalas silang tinutukso. Kaya siguro ma'am ang tawag sa kanya ni Abby.
At hindi naman nagkamali si Francis sa sinabi niya, dahil na-enjoy naman ni Sofie ang trabaho niya at pakikihalobilo sa mga bata.
________________________________
God bless you! 😚
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?