C46 #MgaArtistahin

41 5 0
                                    

Tatlong araw na ang nakararaan noong madischarged na si Kassi sa hospital na nakaconfine-nan niya. Tatlong araw din siyang naconfine doon.

Nakabalik na rin ng Canada ang mommy at kapatid ni Francis after nilang bisitahin si Kassi sa second day nito sa hospital. Sinamantala ni Kassi ang kadaldalan ng kapatid ni Francis. Tanong ito ng tanong sa kanya at yong iba ay naaalala na rin niya.

She was on her office nang dalawin siya ni Mr. Saldy Hidalgo, obviously, it was Seb's dad. Nakaramdam ito ng kaba pero hindi nito iyon pinahalata.

"Oh tito! Napadalaw po kayo?"

Ani ng dalaga na tumayo pa upang salubungin ang ama ng kaibigan.

"It's nice to see you working hard for the company ."

Yon naman ang naging sagot ng matanda.

"Upo naman tito. Para sa mga magulang ko.."

"Who? Di ba wala kang magulang?"

Kumunot naman ang noo ni Kassi. Syempre hindi siya handa nang sabihin iyon ni Mr. Hidalgo.

Tumawa naman bigla ang matandang lalaki.

"I'm kidding iha..akala ko you'll buy my joke pero dahil hindi nga ako magaling magpatawa kaya hindi ka natawa haha."

Kung pwede nga lang batukan ni Kassi ang matandang kaharap kasi mukha namang sinadya niya ito. At hindi naman pangkatuwaan ang joke niya.

"Ah..hehe"

Matipid na tawa naman ni Kassi, syempre insincere iyon. Akala siguro ng matandang kaharap niya ay siya lang ang marunong magdrama.

"Maupo po kayo tito. "

"Na, gusto lang sana kitang yayaing kumain sa labas. Tutal wala ka nang magulang, pwede mo akong ituring na pangalawang ama mo. "

Iyon yon eh.

"Salamat tito pero may tinatapos kasi akong papeles eh. Si Seb nga po pala? "

Agad nitong pag-iiba ng topic. Hindi din niya kayang kumain kaharap ito. Isa kasi ito sa suspect niya sa pumatay ng mga magulang niya.

"Ah, he's home. Shall i call him para siya nalang kasama mong kumain sa labas.?"

"Ah hindi na po tito,  ako nalang lo mamaya. "

Ngumiti naman ang matanda sa kanya at hinawakan siya sa braso.

"Kung may kailangan ka iha, nandito lang kami. "

Ngumiti si Kassi kahit na naiilang.

"Salamat po tito. Tatandaan ko po iyan. "

"Sige iha. Mauna na ako.. Huwag kang mahiyang lumapit sa amin ha. "

"Upo tito. Ingat po. "

Anito at tuluyan na ngang umalis ang ama ni Seb sa office ng dalaga.

Doon palang nakahinga ng maluwag si Kassi.  Hawak-hawak nito ang kanyang dibdib at malakas ang paghinga nito.

****

May usapan din kasi sila ni Francis noong araw na iyon. Dinala siya nito sa isang bakery. Tiyak na naaalala niya iyon. Doon kasi sila bumili ng mimiryendahin. May pupuntahan daw kasi sila hindi sinabi ni Francis kung saan.

Hanggang sa nasa isang abandonadong bahay sila. Of course she also remember that place.

"Okay lang ba kung dito yong third date natin? Mukhang tahimik dito at sariwa ang hangin. "

Hindi siya makasagot kasi alam niya na ngayon ang ginagawa ng binata. Naalala niya tuloy ang first and second date nila. Lahat iyon ay kunektado sa kanya as Sofie.

"A-ayuko dito. "

Bigla nitong nasabi. Natatakot siyang magtagal doon dahil nakokonsensya siya kay Francis. At baka humagolgol lang siya. Malapit lang dito ang pinangyarihan ng aksidente.

FLASHBACK

"No!!! wag nang matigas ang ulo Sofie!!  At the count of three! Tumalon ka na! "

Sigaw ng babaeng nasa bandang singkwenta na ang edad. Halata sa mukha nito ang bakas ng pag-aalala at diterminasyon sa sinasabi nito.

"No!  Don't push me ma!  I'll die with you with dad.. Please "

Hagulgol naman na sagot ng dalaga.

"No baby! Our company needs you.  Alam mo naman kung gaano kasama ang mga Hidalgo,  don't let them overtake our company by dying... Please baby do this favor. For me and for your mom. "

Pagmamakaawa ng isang medyo matandang lalaki na nasa drivers seat.

"I can't!!  I can't!!! "

Pagmamatigas nito.

"You leave me no choice! I love you but I need to do this.!"

At itinulak ang dalaga sa labas ng pinto ng sasakyan,  nang hindi inaasahang nahagip ng pintuan ng sasakyan ang ulo ng dalaga. Bago ito tumalbog at gumulong sa daanan.

"Soofffiiie!!!!!! "

Ito nalang ang narinig niya bago tuluyang nawala ang kanyang mkamalayan.

--end

Nagulat si Francis, pero nirerespeto niya ang desisyon ni Kassi. Ayaw niya naman iyong pilitin kung ayaw talaga nito tsaka sabi ng doctor na hayaan na ang panahon ang magpagaling sa kanya.

"S-sige, san mo gustong pumunta? "

"S-sa ...kahit saan. Huwag lang dito. "

At nag-iwas siya ng tingin dahil ayaw niya may makitang emosyon si Francis sa mata nito.

Bumuntong hininga naman si Francis.

"Sige tara nalang sa bahay, o sa kompanya?? "

"Ah-eh.. "

Hindi niya inaasahan ang sinabing iyon ni Francis.

Malaki ang naging parte ng mga lugar na ito sa buhay niya. Ayaw niya sana, pero may parte sa sarili niya ang nagsasabi na gusto nitong pumunta.

"Sige--sa bahay niyo nalang. "

Sa tingin niya kasi mas safe doon wala masyadong taong makakapansin ng pagbabago ng kilos niya. Kaya pa naman niyang magkunwari sa binata. Baka kasi makita niya ang mga bata sa foundation ay baka bumigay siya.

Kaya doon nga sila nagtuloy.

Gusto na rin niyang bumawi kay Paw. Namimiss niya na ang pusang ito.

****

Hmm wow ha,  kadramahan..

My Name Is Sofie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon