"Abby, salamat.. "
Ani Seb bago pa bumaba si Abby sa sasakyan nito. Inihatid niya ulit si Abby sa GLF building.
"Wala pong anuman sir, ang mahalaga po natulungan ko kayo kahit kunti lang.. "
Napangiti naman si Seb at namumugto parin ang mata nito.
"Maniwala ka, malaking bagay iyon sa akin.. Di ko nga alam kong bakit pagdating sayo, malaya akong maging 'ako'. "
"Weh? Kahit kay Ma'am Kassi po hindi kayo nag-oopen? "
Takang tanong ni Abby.
Ngumiti lang si Seb.
"Ayukong mag-alala siya sa akin. Mas gusto ko nang ako yong masasaktan para sa kanya kaysa yong siya yong masasaktan para sa akin. "
"Ganon po ba sir.. Ah sige po sir, ingat po kayo.. Nandito lang po ako kapag kailangan niyo ng kausap.. "
Ani naman ni Abby na nakababa nang sasakyan ni Seb.
"Sige Abby, salamat ulit. "
Anito bago isara ang pintuan ng sasakyan at pinaharurot na paalis doon.
Napabuntong hininga naman si Abby noong tuluyan nang mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Seb. Hindi niya aakalain na may ganong side pala ang kilala niyang masungit na si Mr. Sebastian Hidalgo.
*****
"Francis, i want to talk to you privately. "
Sabi ni Seb kay Francis na nakaupo sa couch ng office niya. Kausap nito ang kaibigan na si James.
Tinanguan lang naman ni James si Francis na parang nagsasabing 'sige-maya-nalang-tayo-mag-usap' bago umalis ito sa office ni Francis.
Well, kaya hindi nila namalayang nakapasok na si Seb sa office niya ay dahil syempre, siya si Seb at di uso ang kumatok muna bago pumasok.
"Maupo ka.. "
Ani naman ni Francis sa binata bago kunin ang phone na parang may chineck muna ito doon.
Naupo naman si Seb.
"Where's my mom?? "
"Why Seb? "
Seryosong sabi ni Francis kasi the last time na nag-usap sila ay hindi maayos.
"The hell! Just tell me! Where's my mon!? "
"Paano ako makakasiguro na hindi mo siya sasaktan? "
"Mommy ko siya at sino ka para sabihin yan sa akin!? "
"Then, di ko alam kong saan ang mommy mo.. "
"What!? "
Gulat na ani ni Seb. Nilunok na nga niya ang pride niya para lapitan si Francis pero hindi niya alam na wala pala siyang mapapala. Pero hindi siya naniniwala sa sinasabi nito.
"I won't buy your lies, show me my mom! "
Nakakuyom na ang kamay nito dahil sa inis. Kung hindi lang siya may kailangan dito ay baka kanina pa siya hindi nakapagpigil.
"I don't know.. Makakaalis ka na, bumalik ka nalang kapag nakita ko na siya ulit at mukhang ayaw mo pa siyang makita eh. "
Sarkastikong sabi ni Francis. Ayaw niyang gawin yon, pero gusto niyang malaman ang motibo ng binata. Hindi lingid sa kanya ang plano ng tatay ni Seb. Magaling ang private investigator niya. Kaya nalaman niya iyon.
"Lalapit ba ako dito kung hindi ko siya gustong makita! At tsaka mommy ko siya! Anong karapatan mong itago siya ha! "
"She asked me for it, bakit hindi ko gagawin? "
Maalumanay paring sabi ni Francis.
"Did you know that your mom is in danger? Don't you know whose the man behind it? He risk her life just to see you. "
Hindi na nakapagpigil si Seb at kinwelyuhan na niya si Francis.
"I know!! As much as you know!! I know that she's in danger!! I even know whose behind it!! And I'm here hoping that i can save her from my Father!! --"
Napatigil bigla si Seb, huli na.. Hindi na niya pwedeng bawiin. Nasabi na niya. Bigla tuloy itong napabitaw. At nag-iba ng tingin. Ngunit madilim parin ang mukha nito.
Pero saglit lang ay ngumisi ito.
"Tssk!.. Are you happy now? that you have a perfect life? parents who loves you genuinely? Kahit ang nag-iisa kong bestfriend na tanging nagpapasaya sa akin, inagaw mo pa!! Are you satisfied now, Mr. Morgan! Kahit mommy ko ay binigay ang buong tiwala sayo at hinayaan akong mangulila ng napakaraming taon!! Pati ang Pesteng tatay ko ay ginamit ako! Aarrgh, pesteng buhay ito!! "
Anito at napaupo nalang sa floor.
Nakakuyom ang kamao niya at may nagbabadiyang mga luha sa mata nito pero pinipigilan niya. Ayaw niyang ipakita na mahina siya kaya, pinilit niyang tumayo.
Pero..
"Sa tingin mo ba ganon ako Seb? I want also to be your friend.. Malaki ang tiwala sayo ni So-Kassi Seb. Pinili niyang maging kaibigan mo ngayon kahit na bumalik na ang alaala niya. She remain beside you at pinangako niya ding hindi ka niya iiwan at huhusgaan ng gaya ng ginawa niya dati. Mahal ka ni Kassi Seb, you're a family to her. Hindi man yong pagmamahal na gusto mo, pero she's doing her ways to help you.. Siya ang nagtago sa mommy mo. "
Hindi makaimik si Seb dahil natameme na siya sa sinabi ni Francis.
"Call her, i know she's waiting you to talk to her.. She will always accept you kaya huwag kang maalala.. "
Ani Francis kay Seb. Nagkatinginan sila. Tumango naman si Francis na he can go now.
Dali namang umalis si Seb.
Napabuntong hininga naman si Francis while looking to Seb walking away..
He certainly knew that this moment will come. Seb is a good person. But he is not good at showing it..
****
😂😂😂😭😭
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?