Nakatulog na si Sofie pagkatapos nitong umiyak.
Habang nasa sala lang naman ang binata at nag-iisip kung ano ang kanyang gagawin. Hindi kasi bumaba si Sofie para kumain ng lunch, kumatok na siya at nagtext ito sa kanya. Feeling niya ay masama ang loob ng dalaga sa kanya. Hindi tuloy siya mapakali. Kaya lumabas nalang siya at pumunta muna sa kompanya niya. Hindi niya alam kung paano haharapin ang pressure sa pagitan nila ni Sofie ngayon.
Pinilit nalang niya itong inalis sa isip niya at ipinukos ang atensyon sa trabaho niya. Inisip nalang niyang magiging okay din ang lahat.
Ni hindi niya namalayang nakapasok na sa opisina niya si James na kanina pa kumakatok sa pintuan niya.
"Francis, you know what, Mrs. and Mr. Chan's corpse has already found. "
"What did you just said!!! ?.. "
Gulat na anito.
"Ai, sorry hindi ko pa pala nasasabi sayo....patay na si Mrs. And Mr. Chan... It was an accident. "
Anito sa gulat na binata.
Then Francis turned to his computer to check something. And when he found out what he is looking for. Bigla itong napahilamos sa mukha niya. Nanlumo at nagkuyom ng kamay. Totoo nga ang sinasabi ni James.
Mr. Klein Chan was already dead and it was already one month ago. Nalungkot ito ng sobra ng malaman iyon. These past days ay naging busy siya kay Sofie dahilan upang wala siyang balita sa nangyayari sa labas, except sa kalakaran ng kompanya nila kasi laging nagrereport si James sa kanya. Kailan lang din noong ibinalita nito na iniurong ng Chan group of companies ang tulong sa foundation nila.
Maaring ang pagkamatay din in Mr. Chan ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang tulong sa kanila.
"I'm sorry Francis for late news. I know how Mr. Chan become your inspiration para mapatayo ang kompanyang ito. "
"How about Kassandra?... "
Pag-aalala nito sa kanyang kababata na nag-iisang anak at tagapagmana nila Mrs. and Mr. Chan. Actually, 6 years old palang siya noon noong mameet niya ito. Wala naman siyang special feelings dito, nag-aalala lang siya dahil alam niya ang story behind Kassandra. He remember the day when he found out Mrs. and Mr. Chan secret.
Naglalaro sila noon sa garden ng bahay nila Kassandra ng tagotagoan. Noong siya ay nagtatago ay hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng kanyang mga magulang at ng mga Chan.
FLASHBACK
"Ang laki at ang ganda na ng anak niyo Klein. "
Ani ng mommy ni Francis.
"So lucky of her to have you who love her so much. "
Dagdag pa nito.
"She is truly a gift from God to us.. I remember pa noong lumabas ang medical namin ni Klein na parehas kaming may problema at hindi kami magkakaroon ng anak, haay.. Parang dinurog ako ng naglalakihang bato sa sama ng loob ko. "
Ani naman ng mommy ni Kassandra. Si Mrs. Diane Chan.
"Ginamit pa ang Diyos ang basurahan upang maibigay lamang ang prayer request namin. "
Ani naman ni Mr. Chan.
"But look, hindi mo aakalaing ang batang yan ay napulot niyo lang sa basurahan. You two are such a model parent. Napalaki at naalagaan niyo ng maayos si Kassandra"
Ani ulit ng mommy ni Francis. Nagulat ng husto si Francis sa narinig. Oo nga't walang pagkakahawig si Kassandra sa mommy at daddy niya pero kung titignan ang bonding nila ay sobra talaga ang pinapakita nilang pagmamahal dito. Tinuring nilang anak si Kassandra even though hindi nila ito kadugo.
---end
Iyon din ang simula ng paghanga niya kay Mr. Chan at doon din nagsimula ang pangarap niyang magkaroon ng sariling foundation. Naudlot lang ang pagre- reminisce niya nang magsalita ulit so James.
"She will be marrying Mr. Sebastian.. An arranged marriage..."
Anito kay Francis na bigla namang inalala ang mukha at itsura ng dating kaibigan. Mataba kasi si Kassandra noong bata sila. Ganon parin kaya ang itsura niya ngayon? Hindi na kasi sila nagkita simula noon. Tumira na sila Mr. Chan sa ibang bansa noon. Somewhere in UK. Mga two years na rin noong nakabalik sila ng bansa pero he never had the chance na dumalaw sa kanila. Actually he don't have the courage to do so. Nasa ibang bansa na din kasi ang family niya noon. Doon kasi nila ipinagamot ang kapatid niya, si Francheska.
Hindi na niya sinagot si James at nagsenyas nalang itong pwede na siya lumabas at nagsabi ng thank you na halos pabulong na. At iniwan naman siya ni James.
___________________________
Paano kung magmeet ulit sila ni Kassandra? Will everything change sa kanila ni Sofie?
Comment please, wanna hear your opinion.
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?