Kabanata 4

129 7 5
                                    

Binabaybay na ni Francis at Sofie ang daang pabalik sa bakery kung saan tumatambay ang dalaga gamit ang kotse ng binata. Sa kanilang daan, magkahawak ang dalawang kamay ng dalaga at nakatapat ito sa kanyang dibdib. Nakatutok ang mata nito sa bintana ng kotse, namamanghang pinagmamasdan ang mga ilaw na nadadaanan nila dahil 8:00 pm na sila nakaalis sa hospital. Nagmistulang malaking screen ng television ang bintana ng kotse ng binata. At ang palabas nito ay ang mga nadadaanan nilang ilaw at mga kalye.

Samantalang pinagmamasdan naman siya ng binata. Natutuwa ito sa itsura ng dalaga na mukha talagang nagagandahan sa tanawing nakikita sa labas. Pero sa loob niya ay hindi niya maitago ang pag-aalala dito. Lalo na nong maalala niya ang huling sinabi ng doctor sa kanya.

FLASHBACK!

Ibinigay na ng doctor ang reseta ng gamot ni Sofie. At saka ito umalis sa harap niya, pero hindi pa ito nakakalayo nang bigla itong lumingon ulit sa kanya at nagsalita.

"Siya nga pala, kung gaano kagrabe ang allergy ng girlfriend mo ay nakabase sa kung gaano kadami ang nakain nito sa mga pagkaing nagko-cause ng allergy niya. And take note, pwede niya itong ikamatay. You must be careful sa mga food na kinakain niya. "

At saka umalis na ito ng tuluyan.

-----end

Napakagat nalang ito sa ilalim na labi niya. At maya-maya din ay nakarating na sila sa bakery.

Inabot ni Francis ang kanyang kamay sa pintuan sa tapat ng dalaga mula sa pagkaaupo nito sa driver seat. Bahagya namang sumandal sa upuan ang dalaga upang bigyan ng daan ang kamay ng binata. Pagkabukas non ay bumaba na ang dalaga.

"Mamang Prantis salamat ha.. "

Wika ng dalaga dito at saka tuluyan na itong umalis palayo. Naiwan namang kunot-noo ang binata.

"What is prantis for? ...prantis.... Hmmm???? "

Nang maya-maya'y bigla itong natawa nang bigla niya marealized na ito ang pronunciation ng dalaga na pangalan niya.

"Prantis... Francis... Pran-Fran.... Tis-cis.. "

Natawa ulit ito.

"You don't fail to amuse me woman.. "

Anito habang tinititigan ang dalaga na nakalayo na at halos hindi na niya makita. Pinaandar na nito ang sasakyan niya at umalis na sa lugar na iyon. Baon-baon parin ang ngiting dulot sa kanya ng dalaga.

_________________________________

Kinabukasan, ay ganadong naghanda ang binata ng pakain na idadaan nanaman niya sa dalaga. Siniguradong nitong mabubusog ito, kaya dinamihan niya ang kanyang inihanda. At nang maayos na niya ito sa lunchbox ay agad nadin itong naligo at nagbihis. At saka dali na rin itong umalis sa kanilang bahay.

Nang makarating ito sa bakery ay nakita naman niya agad ang dalaga sa kinauupuan nito. Kaya inilapit niya ang kanyang kotse sa tapat nito at binuksan ang bintana saka iniabot sa dalaga ang lunchbox na dala nito. Nagpasalamat naman ito sa kanya at umalis narin ang binata sa tapat nito patungo sa opisina niya.

Nang hindi pa siya nakakalayo masyado ay nasilip niya sa side mirror ng kotse niya na may nag-abot din ng pagkain sa dalaga. Galing sa matandang babaeng nagawi doon. Natuwa naman ito pero nung maalala niya ang nangyari kahapon ay bigla nalang itong nag-alala at bumalik sa kinaroroonan ng dalaga.

Lumabas ito sa kanyang kotse, tinitigan ang supot ng pagkain na ibinigay ng matandang babae kay Sofie. At naalarma naman ang dalaga. Dali niya itong itinago sa kanyang likod. Na ikinagulat ng binata pero agad din namang napalitan ang gulat na mukha niya ng ngiti.

Sa isip-isip nito..

Wow ha, ako pa talaga ang patay gutom at pag-iinteresan ang pagkain niya.

Sabay lihim na ngumiti. Kaya nagdesisyon nalang itong kausapin siya.

"Sofie... Gusto mo bang sumama sa akin? "

Nagulat siya sa kanyang nasambit. Naglalaro kasi sa isip niya ang ideyang isama siya sa opisina, dahil may magtitingin naman sa kanya doon. Pero hindi niya inakalang masasabi niya ito. Dahil siguro ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa dalaga kahapon.

Sa totoo lang nawiwirdowhan siya sa dalaga. Una, maayos naman ang damit nito pero madungis lang at nakaheels pa, then kahapon, ang allergy nito. Naguguluhan na siya dito, kung pulubi ba to, baliw o sadyang nawawala lang.

Anyway, sa ngayon gagawin muna niya kung ano ang kaya niya para matulungan ang dalaga.

"Talaga mamang prantis!! "

Masaya nitong nasabi. Ayon nanaman ang tawag niya kay Francis na bahaygang nagpangiti sa binata.

"Marami bang pagkain sa pupuntahan natin???? "

Dagdag pa nito. Napangisi lang ang binata.

"Oo naman---"

Hindi pa niya natapos ang sasabihin nito ng sumabat bigla ang dalaga.

"Tara!!!!!!! "

Excited nitong sabi. At nauna nang maglakad papuntang sasakyan ni Francis.

"Ahm, Sofie... I'm Francis and not prantis okay. "

Tumango lang ang dalaga. Another weird thing na napansin niya ay nakakaintindi ng wikang ingles ang dalaga.

"Matalino ba ito na nabaliw lang? "

Anito sa isip.

Kaya agad din niyang sinundan ito ng tanong sa wikang ingles.

"Sofie,... What do you want for lunch? "

"I want.... (Nag-iisip ito------then after ten years [joke XD] ay nakapag-isip din siya) I want Argentine Corn Chicken or Lite Chicken Enchiladas. I don't know it exactly pero parang gusto kung kumain ng ganon. "

Napaawang lang ang bibig ni Francis sa sinabi ng dalaga.

Ang bright naman ng pulubing ito...

Nasambit niya sa kanyang isipan. At napailing-iling nalang ito habang sinusundan si Sofie papunta sa kotse niya. Mas lalo itong dumagdag sa pagtataka niya.

"She even speaks English.... "

Anito sa sarili.

_______________________________________

God bless po sa lahat ng nagbabasa ng story ko <3 !!!!!

My Name Is Sofie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon