Agad na ipinark ni Francis ang sasakyan sa isang retaurant na itinext sa kanya ni Kassandra nitong umaga lang.
2:00 pm ang sinabing oras nito. Pero 15 minutes before two ay nakarating na siya.
It was already two days after ng first date nila. Hindi niya alam kung second date ba ito o ano. Basta pinapapunta siya ng dalaga.
Noong makapasok na siya ay naghanap agad ito ng uupuan para maghintay.
"Mr. Hunk!!! "
Tawag at kaway ng babaeng nasa pinakadulo na table sa bandang kaliwa ng restaurant. Kaya lumapit aiya doon noong mapansin niyang may kasama ito. At sa tingin niya ay namumukhaan niya iyon. Pero saan na ulit niya ito nakita?
"I'm glad you came.. Ah-- anyway, i bring my bestfriend with me. "
Ani ng dalaga noong makalapit na siya dito. Tumayo naman ang binata sa tabi ni Kassandra.
"Mr. Hunk--- i mean Francis, this is Seb. ..Sebastian Hidalgo, and Seb this is Francis Morgan. "
Nakipagkamay naman agad si Francis na agad ng tinanggap ng binata sa harap niya. Pero nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. Pero kahit ganon ay walang planong patulan iyon ni Francis. Doon din niya maalala na ito yong ex-fiance ni Kasaandra.
Siniko naman ni Kassandra si Seb noong mapansin nito ang mga mata nito. Nilingon naman siya ng kaibigan at binigyan niya ng 'be-nice-look'. At saka ngumiti kay Francis bago sila umupo at omorder ng pagkain.
Hindi maiwasan ni Francis na kilatisin ang binata sa tabi ni Kassandra hindi dahil nati-threaten siya dito but may nararamdaman siyang kakaiba dito. And at first, ito ang kasama ni Kassandra noong nagising siya from comma kung totoo nga yon.
Pero, syempre kinikilatis din siya ni Seb. Ito kaya ang matagal na niyang karibal sa puso ni Kassandra. Ang daya nga lang kasi kahit hindi sila nagkikita eh may space parin ito sa puso ng kaibigan niya. Hindi niya tuloy mapigilang makuyom ang kamay sa inis.
Habang nakaramdam naman ng pressure sa hangin si Kassandra hindi naman siya shonga para hindi mapansin ang dalawang binata sa tabi at harap niya na mukhang ang lalalim ng iniisip. Gusto tuloy niyang batukan ang sarili dahil pinagtagpo niya sila. Ang crush niya at ang bestfriend niya na may gusto nga pala sa kanya. Huli na noong marealize niya.
Nag-isip siya ng paraan para maiba ang hangin. Nagkunwaring hindi niya nararamdaman ang pressure.
"A-ah.. A-ahm.... "
Pero wala siyang maisip sabihin.
"Yes Sofie? "
"Yes Kassi? "
Chorus pa ng dalawang binata sa harap niya. Parang may narinig siyang nagtawag sa kanya ng 'Sofie' pero inisip niya na baka namali lang siya ng narinig. Kasi ang mommy lang naman niya ang tumatawag non sa kanya.
Samantalang gusto nang suntukin ni Francis ang sarili dahil sa sinabi nito. Pero mukhang hindi naman iyon napansin ng dalaga.
Tinignan lang naman siya ni Seb. Hindi niya maintindihan kung ano ang nasa isip ng taong ito.
"Ah, ---ayan na yong order oh. "
Buti nalang at dumating na ang mga orders nila kasi hindi pa niya alam kung anong sasabihin.
Gusto niyang sabunutan ang sarili.
'Asan na ang kadaldalan mo kassi.. '
Anito sa sarili.
Kinuha na ni Seb ang table napkin at iniayos ito sa lap ng dalaga. Bago niya inayos yong sa kanya. Hindi lang naman ito pinansin ni Francis. Anyway, they were bestfriends. Siguro ganon talaga sila.
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
SpiritualitéPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?