Kinabukasan after nilang magdevotion at habang sila ay kumakain ng breakfast. Naisip nang sabihin ni Francis ang bagay na inasikaso niya kahapon. Pero hindi niya alam kung paano iyon sisimulan dahil nangangamba siya sa magiging reaksyon ng dalaga. But he hope na okay lang kay Sofie ito.
"Sofie, ahm. . .yesterday... Ahm. "
Napakamot naman siya ng kanyang batok. Hindi niya alam kung paano ito sasabihin.
"Ah... Sorry talaga kahapon Francis.. Akala ko okay na tayo.. Galit ka pa ba? "
Anang dalaga na nahihiya sa binata.
"No Sofie, mali yang iniisip mo.. Tsaka hindi naman ako nagalit kahapon."
"Pero...... ang seryoso mo kasi kahapon...."
Mahinang anito.
"Listen Sofie, I was just concern... "
Natuwa naman na hindi makapaniwala sa narinig niya si Sofie.
"T-thank you... "
Nahihiyang anito. Ngumiti naman ang binata bilang tugon niya.
"Ahm,.. Hmmm"
Clearing his throat before he speak again.
"Ahm, Sofie okay lang ba sayong lumipat ng bahay?----Ahm, don't misunderstood okay. Gusto kitang tumira sa bahay namin, pero... pero.. You know naman na ang danger ng dalaga at binatang nakatira sa iisang bahay. "
Sunod-sunod na anito.
"Oi, ---wala akong balak ha. I mean di natin alam ang mangyayari... I-i hope you understand. "
Nakaramdam ng pag-iinit ng mata si Sofie na para bang may nagbabadyang tutulo doon. Pero agad din siyang yumuko para hindi ito makita ni Francis. Ibinaling nalang niya ang kanyang atensyon sa pagkain. Nasasaktan siya ng isiping magkakalayo sila ni Francis. Alam niyang wala siyang karapatan. At may point naman ang binata sa sinasabi nito. Pero ewan ba niya parang ang daming karayom ang tumutusok sa dibdib niya. Daig pa nito ang feeling ng nabasted at magkasintahang nag break-up.
Napansin naman ng binata ang pag-iiba ng aura ng dalaga. Lalo ang reaksyon nito dahil biglang subo na ito ng subo at muntik pang mabilaukan.
Hindi tuloy alam ni Francis ang susunod na sasabihin nito.
"Ahm.. Sofie?.. O-okay ka lang? Ahm.. You can stay here pa naman kahit until next week. And don't worry, I contacted my yaya.. Yong yaya ko noong bata pa ako. Sasamahan ka niya sa titirhan mo.. Kaya okay lang yon.. "
Anito dahil hindi pa nagsasalita ang dalaga.
"Yong bahay ba ang inaalala mo? Don't worry nakabili na ako. At wag mo nang problemahin ang sahod ni yaya, I will handle it. Ahm... Ano pa ba?.... Ah... "
Anito na parang nauubusan na siya ng sasabihin ng may maisip siya.
"Ahm, Sofie... Gusto mo bang magtrabaho sa foundation? Magsasahod ka naman don para may mapagkukunan ka din ng income.. I mean, pwede ka parin namang lumapit sa akin kung may kailangan ka..."
Anito na natataranta na dahil napaparami na ang kinakain ni Sofie at halos mabinat na ang pisngi nito dahil sa nagsisiksikang kanin at hindi parin ito nagsasalita.
"S-sofie,...m-magsalita ka naman oh...please...i don't mean to----"
Hindi pa niya natatapos ang sinasabi nito nang biglang suminghot ang dalaga at pumatak sa plato nito ang tubig. Na mukhang galing sa mata ng dalaga.
"Why she's crying...."
Anito sa isip at tumayo upang lapitan ang dalaga. Pero biglang tumayo si Sofie at tumakbo pataas sa kanyang kwarto at saka inilock ito.
Wala namang nagawa si Francis. Naguguluhan ito kung bakit ganon nalang ang reaksyon ng dalaga. Inalala din niya ang lahat ng sinabi niya kasi baka may nasabi nga siyang nakasakit sa dalaga.
"Iissshhh"
Anito at sinabunutan ang kanyang buhok.
****
Habang si Sofie naman ay nakadapa sa kanyang kama at hindi niya maiwasang humagolgol. But other side of her ay nagi-guilty dahil imbes na maging thankful siya dahil sa ipinapakitang kindness ng binata sa kanya ay ganon pa ang akto nito sa kanya kanina. Pero hindi niya talaga maiwasang masaktan nang isisping magkakalayo na sila. Gusto na niya ang ganong sitwasyon nila ni Francis. Na nasa malapit lang ito sa kanya . . . .
_________________________________
Heartbreaking ba?
Hope you like it...
(Shocks!!! Mahal ko na si Francis)
BINABASA MO ANG
My Name Is Sofie (Completed)
EspiritualPaano ba masasabing true love mo na ang isang tao? Dahil gusto mo siya at nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo kaya nasabi mong 'siya na ang true love ko'. ? Kaya minsan inuunahan na natin ang Diyos na pumuli o ibigay ang para sa atin.?