10 | Parlor

290 13 5
                                    

Khaleesi

"Ay bet ko yan bes. Susuportahan kita dyan sa kalandian mo!" Sabi sa akin ni Ditey.

Nandito kami ngayon sa isang cafe sa isang mall. Napag-tripan mag-gala tutal weekend. At ayun, nai-kwento ko na din sakanya yung kay Jeonghan.

Shock na shock naman sya. Pero bet nya daw kalandian ko.

Hello? Kanino pa ba magmamana ka-kembotan ko sa buhay? Sakanya lang naman huahua.

"Pero paano mo maaakit si Jeonghan kung ganyan itsura mo?"

Ay putek.

Wagas naman makapanlait to!

"La? Pinansin ko ba looks mo?!"

Tinignan nya ko ulit toe to head. Oo, baliktad. Parang gender ni Jeong— wala.

"Khal, ang ganda mo."

Oh tapos bigla akong pupurihin.

Alam ko naman yun eh. Since birth pa. 16 years na akong laging nasasabihan ng maganda, ano bang bago?

"Kaso kulang."

"Kulang ka dyan! Hindi naman ako nag comment sa looks mo ah!"

Hindi ba simplicity is beauty? Pwede ko naman sya ma-akit kahit hindi ko na kailangang mag-ayos eh, hello?

"Hindi lahat ng bagay uma-apply sa simplicity is beauty. Ano ka ba? So parang sinasabi mo nang okay lang ikasal ng naka pantalon ka ganon?"

Ay wao ha.

Wao lang talaga.

Aphrodite's

Anak ng tupa naman kasi ni Khal. Maganda naman talaga sya eh, pero tamad mag-ayos.

Hindi naman sa sinasabi 'kong dugyot sya ha, pero takte, masyado syang nagtitiwala sa 'simplicity is beauty'.

"Grabe ka sakin Aphrodite Kim ah!"

"Ako pa ha! Sinasabi ko lang yung totoo! Tara na nga!" Tumayo ako at ready to go na ng mapansin ko na hindi sumama 'tong si Khal.

"Hoy Khal! Ano ba? Let's go na nga diba? Gora na? Arat?"

"Ay pasensya, gaga lang."

Gaga nga.

Sumunod naman sya sa akin at dinala ko sya sa paborito 'kong parlor.

"Oh bakit tayo nandito. Kontento na ako sa buhok ko!"

Hinawakan ko buhok nya. "Kuntento ka na dyan? Tignan mo ang plain oh. Black lang. Wala pang style buhok mo."

Hinawakan nya yung buhok nya. "Grabe ka. Na-conscious tuloy ako."

Tumawa lang ako at hinila sya sa loob. "You're back Miss Kim! And you've brought a friend?"

Kung hindi niyo itatanong, suki ako dito. Kung hindi nyo lang naman itatanong.

"Her name's Khaleesi. Khal, his name's Sungjong. He's the son of the owner of this mall. Talagang gusto niya lang tumambay dito sa parlor."

Bigla naman bumulong sa akin si Khal. "Bes, ang gwapo."

Bumulong din ako. "Te, pag nakita mo tropa nya ewan ko nalang kung buhay ka pa."

Nakakalaglag pant— panga. Panga kase.

"Hi Miss Khaleesi. I'm Sungjong. Nice to meet you." Nagkamay-an silang dalawa.

"Andito si Danae?" Tanong ko sakanya.

Si Danae yung paborito 'kong tao dito. Bukod kasi sa sya lang ang babaeng nag-gugupit, ay masarap ding ka-kwentuhan at maging kaibigan.

"Bakit mo sakin tinatanong?" Pfft ayan nanaman nag-taray nanaman si Sungjong.

"Malay ko. Baka nakita mo?"

"Tsch. Nandyan sya."

Hahahahahahaha sasagot din pala, ang dami pang pautot.

Pinaupo ko na si Khal sa isang upuan at pinatawag si Danae. Maya-maya dumating din si Danae.

"Danae!"

"Aphrodite! Hi!"

Nag-beso beso kaming dalawa at ipinakilala ko sakanya si Khaleesi.

"Ikaw na bahala sakanya Danae. I know your tastes. Babalik nalang ako mamaya."

"Sure!"

Kinindatan ko si Khal, eto naman nag-make face lang. Abnormal talaga. Kala mo hindi babae eh.

Khaleesi's

Natapos ang ilang minuto, wala na akong naiintindihan sa nangyayari sa buhok ko.

Una, ni-trim niya yung mga end splits eklabu na wala akong ka-alam alam kung ano nga ba iyon.

Pangalawa, binasa niya. Nag-muka tuloy akong higad.

Actually, wala iyong relate sa higad— mema lang. Nauubusan ng description si kumareng author.

Pangatlo, ni-bleach nya yung baba. Ombra ata yung tawag. Ngayon kinukulayan nya ng blonde.

Ay ha, wala akong pang-bayad dito— wala akong dalang kwarta para dito. Hindi ako na-inform na may pa-parlor pala si mayor.

Sabihin ko si Aphrodite singilin nila— i'm innocent.

Tahimik si Danae na kinukulayan buhok ko ng biglang sumingit ang napaka-gwapong nilalang— syempre bukod sa Jeonghan baby labs ko—si Sungjong.

"Nung ako'y bata pa~" biglang singit ni Sungjong.

"Ano? Hindi ka updated? Wala nang nangangaroling ngayon" sabat ni Danae.

"Alam mo Danae, kung hindi ka lang babae— matagal na kitang binugbog." Sagot ni Sungjong.

"Edi go! Sanay naman na akong masaktan eh."

Nagka-titigan yung dalawa.

Ay ha, Danae yung buhok ko baka masobrahan sa kulay— tulala ka na dyan sis.

"Mawalang gala—" di ko natapos sasabihin ko.

"Ikaw lang ba nahihirapan?" Sabi ni Sungjong.

AY HA.

BAKA NAMAN.

May something sa dalawang ito eh. Nararamdaman ko. Nase-sense ko.

"Parang wala namang customer dito si Danae. Okay lang." Singit ko.

Napansin naman nila ako bigla tsaka umalis si Sungjong. Nag-sorry naman si Danae tsaka tinuloy na ulit yung buhok ko.

"Charot lang." Sabi ko.

Baka mamaya sabihin nila demanding ako eh. Kahit hindi naman.

--

Okay so kunwari friday to.

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon