63 | Prom (2)

130 9 17
                                    

Khaleesi

Naka-dating na kami sa venue nang 7 at buti nalang, hindi may mga tao 'pang naglalakad sa red carpet and yes, meron kaming red carpet. Pero instead of paparazzis, andoon ang photographer, videographer at ang ilang mga judges na mamimili kung sino ang
pwedeng manalo sa awards para ngayong gabi.

Nang pag-buksan ako ng Jeonghan, as cliche as it sounds, marami ang tumingin sa amin. Maybe it's Jeonghan, or maybe it's my cloak, pero we both managed grabbing everyone's attention. Hindi ko naman iyon ginusto pero in-enjoy ko na din. Ni-lend ni Jeonghan ang braso niya kaya naman kumapit ako doon habang nagla-lakad kami sa red carpet.

Nakakarinig ako ng mga negative comments saying pabida daw ako and all, pero mostly positive. Nasa kalagitnaan na kami ng carpet nang pahintuin kami ng photographer for photos. Sa una ay naka-suot pa rin ako ng cloak ako pero nang mag-senyas na siya ng pang-second photo, tinangal ko na ang cloak ko kaya naman halos lahat pati si Jeonghan napatingin sa kinilos ko, revealing me in my black dress.

"Smile!" Tawag ng photographer kaya naman ngumiti kami pareho. Nakita ko din ang ibang mga judges na na-impressed. Siguro dahil sa theme na naisip ko? Wow, unique pala talaga talaga yung naisip ko.

"Excuse me, what are your names and from what grade?" Tanong ng isang lumapit na instructor sa amin ni Jeonghan.

Usually kapag tinatanong nila ang ganito, it only means na magiging candidate ka na para sa mga awards. "Um K-Khaleesi Jeon." Sabi ko kaya naman sinulat niya iyon sa hawak niyang notepad. Tinignan ko si Jeonghan dahil di siya sumasagot sa babae.

"Jeonghan?" Tanong ko pero di parin siya umimik. Kaya ako nalang nag-sabi ng pangalan niya sa instructor. After non, iniwan niya na kami pareho kaya naman marahan ko siyang sinundot sa tagiliran. "Ganon na ba ako kaganda sa paningin mo kaya natameme ka di—"

"Yes."

Okay. Bakit kailangan nakatitig siya sa akin habang sinasabi niya iyan? Hindi pa kami nags-slow dance sa lagay na to pero kilig na kilig na ako. Wow lang talaga. "A-Ang honest mo naman."

Sinuot niya ulit sa akin yung cloak ko pero hindi na siya totally na naka-butones together. Magka-hawak kamay kaming nag-lakad papasok sa loob ng mismong hall at hinanap ang assigned seats namin. Naka-salubong namin ang iba naming mga ka-klase at naka-receive kami ng sandamakmak na compliments. Sa sobrang dami nabusog na ako.

"Hey man!" Bati ni Joshua nang maka-rating kami ni Jeonghan sa table. Hindi ko naman napigilang ngumanga sa itsura niya ngayon.

Wow, bakit parang hindi naman ito ang Joshua na kilala ko? Bakit parang mukhang cassanova naman ang nasa harapan ko at hindi ang gentleman na si Hong Jisoo? Nasaan ang science sa likod nito?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wow, bakit parang hindi naman ito ang Joshua na kilala ko? Bakit parang mukhang cassanova naman ang nasa harapan ko at hindi ang gentleman na si Hong Jisoo? Nasaan ang science sa likod nito?

"You look amazing, Khaleesi." Sabi niya sa akin nang tignan niya ako.

"You do too. I-sayaw mo ako mamaya ha?"

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon