Khaleesi
Nagising ako sa tunog ng ringtone ko kaya naman kahit na kalahating gising at kalahating tulog ako, sinagot ko yung tawag without looking who the caller is.
"Hello.." antok na antok 'kong tugon sa phone ko.
Hindi ko ine-expect na boses ni Jeonghan ang maririnig ko. "I'm outside your room. Come out." Unlike sa normal tone ng boses ni Jeonghan, mas malalim ang boses nya ngayon.
Nang mapa-dilat na ako ng maayos, nakita ko sa kabilang kama si Aphrodite na tulog kahit na naka-suot pa din sya ng suot niyang swimsuit at net na cardigan. Abnormal, uminom ba to? Teka, pwede na ba yan uminom?
Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas ng kwarto. Naka-pajama lang ako tulad ng suot ko kanina habang si Jeonghan naka hawaiiaan polo at short na hanggang knees. Naka-open ang first 4 buttons ng damit niya at bakas pa din sa buhok niya ang pagka-basa kahit na naka-man bun na sya. Nakapamulsang humarap sa akin si Jeonghan habang binababa ang tawag. Hindi ko alam kung meron pa bang mas ikaka-hot si Jeonghan ngayon at kung meron pa, please, no more. Nagising kaagad buong diwa ko.
"Jeonghan.. why? Gabi na."
Hindi siya nag-salita at kinuha lang ang kamay ko. Nang maka-sakay kami sa elevator, kinabahan ako ng kaonti dahil sa nangyari kanina pero nang pisilin ni Jeonghan ang kamay ko, nanalig ako kaagad. Naka-rating kami sa ground floor na wala nang ka-tao tao pwera sa mga staffs na nag-lilinis. Kung titignan mukhang naging wild ang party dahil ang daming kalat at bote ng mga beers. Akala ko doon niya lang ako dadalhin sa may pool side pero sa sea side niya ako dinala.
"Jeonghan, I can't swim." Sambit ko sakanya nang maaninag ko ang tubig.
"We're not here to swim."
"Eh ano lang?"
Umupo siya sa buhangin at ni-pat ang harap niya. "I missed you for the past 8 hours. Sit."
Hindi naman ako nag-reklamo at umupo nalang sa harap niya. Matic naman na ipinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko habang ako sumandal nalang sa kanya habang tinitignan ang reflection ng moon sa tubig.
"I wanted to see you before 12 but the guys kept me. I'm sorry." Nasa gilid ng ulo ko ang ulo nya at hindi ko maiwasang maamoy ang beer sa bibig nya. Kahit na uminom sya mukhang nasa tino naman sya. Actually, mas gusto ko pa ang nakainom na version nya. Kung araw araw ko kaya ito painomin?
"It's fine. Tulog na din naman ako." I shrugged. Hindi ako nagsi-sinungaling. Nang iwan nya ako sa kwarto kanina, ilang oras lang at naka-tulog na din ako pagka-tapos.
Natahimik kami ng ilang minuto habang pinagmamasdan ang dagat. Hindi na namin kailangan mag-salita at ang presence lang ng isa't-isa is already more than enough. We were comfortable as it is and I hoped for this moment to last. It didn't matter whether we celebrate our monthsary late, advance, alone or not at all. As long as I know na he'll always be there the next day, It'll serve as my celebration.
"Jeonghan." tawag ko sakanya at sinagot niya lang ako ng pa-hum. I wanted to say this in case anything happens. "Whatever happens. Will you promise you won't break up with me?" I don't know what I felt but I wanted to be sure.
Huminto sya saglit bago nag-salita. "Why would I break up with you?"
Nag-kibit balikat lang ako and to be honest, hindi ko din alam. May part sa akin na nalungkot dahil hindi niya kaagad sinagot yung tanong ko. Pero okay lang, pressuring him was the last thing I wanted to do.
"Never mind, it's crazy. You don't have to answe—"
"I won't."
Nang sabihin niya iyon pakiramdam ko ang puso ko tumalon na parang bata sa new year. Napahinga ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]