Khaleesi
I'm proud to say na ako pa din si Khaleesi Jeon. Hindi Maria, kundi Khaleesi Jeon! Oh yes, i can feel na 2018 will be a good year for me. Hello, yung salubong palang ng 2018 ko, pasabog na.
Sinalubong ko yung year kasama lips ni Jeonghan oha oha. Sobrang laking improvement yun! Walang wala sa kembot na sinasabi ni Aphrodite— and speaking of!
"I won the bet. Kailan ka mags-start maging slave ko, beyotch?" tanong ko kay Ditey.
Magkasama kami ngayon sa kotse nila. Dinaanan ako papuntang school and take note, 1st day of school na ng 2018! Makikita ko nanaman ang oh so beloved Jeonghan ko.
"As if. Di ako naniniwala." sabi niya habang tinatarayan ako.
"I know that's why bitbit ko ang proof." nakangising sabi ko habang hinahalungkat sa gallery ko yung picture namin.
Yes, ang kuya 'kong malupet akalain mo yun, kinuhaan kami ng picture ni Jeonghan nung new year. Supposedly ipapang black mail nya sa akin iyon pero sabi ko bibilhin ko yung picture. Ayun, pumayag. Ako nalang ang may kopya.
"Oh. Mag-sawa ka kakatingin. Wag mo lang delete." sabi ko nang ibato ko yung phone ko sakanya.
Pagka-tingin niya, halos dumugo na yung labi niya kakapigil na tumili. Kitang kita ko sa mga bibig niya na gusto niyang sumigaw kaso nasa kotse kami ngayon at nandidito sila tita.
Gusto ko din kiligin dahil hanggang ngayon hindi pa din ako makaget-over sa kadahilanang hinalikan nga ako ni Jeonghan. Hindi lang smack or peck or mabilisan kundi— matagalan!
"Tang ina mo! Totoo?" Binasa ko ang bibig niya.
Sumagot ako. "Mas totoo pa sa kutis mo gago."
Tinakpan niya ang bibig niya at nakita ko na halos mangiyak ngiyak na siya kakapigil sumigaw. Ako din.
.
"WAAAAA TANGINAAAAA ANO NA KAYOOOO?!?!"
"MALAY KO GAGO HINDI KO PA SYA NAKAKAUSAP TUNGKOL DOON!!!!"
"LUH BAKIT?!?!?!"
"HIYA AKO BAT BA!!!"
"NAGKAHALIKAN NA KAYO'T LAHAT LAHAT, HIYA KA PA DIN?! MAMATAY KA NA GAGO!"
"MAY POINT KA NAMAN KASO BAKA MAG-MUKHA AKONG DESPERATE!!!"
"BITCH BAKET, HINDI BA?!?!"
"AY OO NGA PALA HAHAHAHA"
Nandidito kami ngayon ni Ditey sa restroom, mag-kabilang stalls. Malakas ang loob naming sumigaw dahil wala pang masyadong tao dito sa school. At least, nung time na pumasok kami dito. Eh kanina pa kami nagke-kwentuhan.
"Mga iha, malapit na magsimula ang mga klase ninyo. Wala ba kayong balak pumasok?" for the nth time, sinabihan ulit kami ng babaeng naglilinis ng cr na to. This time, mukhang totoo na nga kasi may mga ingay kaming naririnig.
"Ay girl tara na labas na, gagawin ko pa pala homework ko sa stats." sabi ni Ditey kaya naman sumunod na din ako sa labas.
"Wtf may assignment doon?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa classroom. Aba, new year na new year wala akong gawang assignment.
"Tanga ka. Meron ah, 5 problems."
"Hala. Ngayon daw due date?"
"Oo te. Mamayang 4th class na daw pero balak ko iiwan nalang sa table nya after class."
"Pwede ba? Ako din, after class ko nalang bigay kung di ko kaagad na natapos yu— Ow!"
Sumabay sa pag-pasok ko sa room ang pag-bunggo ko sa baba ng ka-klase namin. Aray.
"Sorr— Khaleesi?"
Hala ka. Si Jeonghan?!
"Una na ko Khal." bumulong sa akin si Aphrodite pagka-tapos ay sa kabilang pintuan nalang pumasok.
Kung kailan hindi pa ako ready na harapin at kausapin si Jeonghan, doon naman siya biglang sumulpot. Bakit ba ang wrong timing ko lately?
"J-Jeonghan.. ikaw pala. Hindi kita napansin. Sorry." sabi ko habang pilit na umiiwas tignan siya.
"No i-it was my fault I wasn't looking. Sorry." hindi ko sinasadyang makita yung kamay nya.
Suot niya yung regalo ko gago.
Sorry, may kasamang mura. Kinikilig lang talaga ako kasi di ko ine-expect na susuotin niya regalo ko. Ang dami kong di ine-expect actually.
Suot ko din yung regalo niya pero naka-tago lang sa loob ng collar ng uniform ko. Baka kasi pag nakita niyang suot ko, kung ano isipin niya't baka mag-mukha akong desperate sa kanya.
"Okay lang, it didn't hurt that much haha." halata bang kabado ako? Pinagpapawisan na ba ako?
Babanggitin ko ba yung tungkol sa kiss namin? I mean, ano yun? Ano meaning non? May meaning ba yun? May feelings din ba sya sa akin kaya niya ako hinalikan? May something na ba sa amin?
Ang dami 'kong gustong tanungin pero dapat ba akong mag-tanong? Nakakahiyang ako ang mag mention sa kiss namin. Mahahalatang hindi ako maka-get over. So no Khal. Wag ka magtatanong.
"S-So listen, about that night.."
Anak ka ng— tanga lang Khaleesi Jeon?!?! Sinabi ko nang wag mo ime-mention! Bakit mo minention?!
"Um.. ano yung kiss na—"
"Sorry Khal, but i need to go somewhere. Sorry again about your forehead."
"H-Huh? Teka, Jeonghan wait lang kas— ugh!"
Ayan na nga sinasabi ko eh.
Bakit ko pa kasi minention? Edi sana hindi ako napahiya ngayon! Bakit ba kasi ang desperada ko pag dating kay jeonghan eh.
--x
On the brighter side, may couple item na sila.
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]