19 | Rooftop

265 16 11
                                    

Khaleesi

Tignan mo nga naman itong lalaking ito. I mean, baklang ito. Kung kailan naba-badtrip ako, biglang magpapa-kilig. Tapos ano? Biglang ipapamukha niya nanaman sa akin na bading siya?

"Ano ba? Magsa-salita ka ba o aalis nalang ako?"

Tinitigan ko siya kung sasagot pa ba siya pero mukhang wala na siyang balak. Kaya humakbang nalang ako pabalik sa pinto ng rooftop.

"Sanda—"

"Ano ba kasi yon?!"

Kanina pa ako beast mode. Kanina pa sa cafeteria hanggang kay Athena hanggang ngayon. Pakiramdam ko dadatnan na ata ako juice kong buhay to.

Mamumuti buhok ko neto eh.

"Pwede ba? Kanina pa tayo late."

Kung meron pang mas isasalubong ang kilay ko, ginawa ko na.

"It's fine. I'll explain to the instructor."

"Ano ba, bakit ba kasi?"

Hindi na kinaya ng legs ko. Umupo nalang ako sa bench na tinulugan ni Jeonghan nung nakaraan.

Umupo siya sa tabi ko. Kung hindi lang ako bad trip baka kinilig na ako.

"Don't tell other people that I'm gay."

So dahil lang doon binuhat niya ako all the way here? Male-late ako dahil eto ang sasabihin niya?

"Yun lang?"

"Yun lang."

Napa-buga ako ng hangin ng di oras. Buti walang apoy. Sa sobrang gigil ko, di na ako maka-kalma, baket ganito.

"Don't worry, i won't. Besides, simula ngayon wala na akong pake!" Ayan tuloy, nasabi ko.

Gusto kong putulin buhok niya kasi bwiset siya!

"Really?"

"Talaga."

"Even if i tell you, i'm not gay?"

"Syem—"





















Sa sobrang gulat ko, hindi ko namalayang nasampal ko pala siya ng malakas.

Hindi ko talaga sinasadya.

Nagulat lang talaga ako.

"Aray."

"EH GAGO KA KASI EH. DI KA BAKLA?!"

"Tch. B-Bakla syempre."

Nasampal ko ulit.

"Ara— Nakaka-dalawa ka na ah!"

"IKAW KASI EH! GINUGULO MO AKO! ANG EPAL MO!"

Nakakainis! Hindi ko na alam ire-react ko. Yung inis ko napalitan ng asa tapos bumalik sa inis, ano ba naman.

Galit dapat ako eh! Pero bakit mukhang ako pa ang nagpa-panic aber?

"KUNG BAKLA KA NGA, BAKIT MAY SOMETHING SA INYO NG BEST FRIEND KO?! GRABE KA, KAY APHRODITE PA TALAGA?!"

"Pwede ba wag ka sumigaw? Ang sakit sa tenga"

Pwede ba wag mo akong paasahin? Ang sakit sa damdamin eh.

Charot. Syempre hindi masyadong makapal ang mukha ko para sabihin ko yan ano.

Inirapan ko lang siya. Sige go, mag-explain ka. Makikinig ako pero kunwari hindi ako makikinig.

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon