Khaleesi
Bigla akong napakurap nang maramdaman 'kong niyuyugyog na pala ako ni Aphrodite na may kasamang pag-sigaw sa tenga ko. "Hoy! Buhay ka pa ba dyan?!" Sigaw nya.
Nilayo ko naman kaagad ang ulo ko sa bibig niya atsaka sya pinalo sa braso. "Kailangan manigaw? Sipain kaya kita." Sinamaan ko siya ng tingin pagka-tapos.
"Te, outreach program natin ngayon. Kailangan natin maging masaya lahat para maging maganda ang result neto at nang makasama tayo sa prom!" Sigaw nanaman niya pero this time hindi na sa tenga ko.
Ngayon na ang outreach program namin at naghihintay nalang kaming makumpleto para makasakay na kami sa bus. Si Jeonghan, Joshua at iilan pang iba nalang ang mga hinihintay.
Simula kahapon hindi ko na ulit nakausap si Jeonghan. Hindi siya nagrereply sa messages ko sakanya pati na din sa pagtawag ko, hindi niya sinasagot. Nagkaroon ako ng kaonting time para mag-reflect sa kung ano man ang maling nagawa ko pero wala talaga akong maisip na mali sa sinabi ko. I mean, tama naman ako diba? Hindi niya lang ako pinatapos.
Medyo naiinis din ako pero at the same time, hindi ko pwedeng taasan ang pride ko. Baka lumala lang.
"Fine. I'll try to smile." Sabay irap 'kong sabi kay Dite.
"Ayan good! Hindi porke't may lq, idadamay na din ang grades nako ha— speaking of, kumpleto na pala tayo eh!" Nang sabihin niya iyon napatingin din ako sa direksyon na tinitignan niya.
Kumpleto na nga kami at saglit na nag-tama ang mga tingin namin ni Jeonghan. Gusto ko sana siyang ngitian pero bigla niya nalang kaagad na iniwas ang tingin niya.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat 'kong maramdaman nang gawin niya iyon. Galit ba dahil ginaganito niya ako o takot dahil seryoso siyang tinatrato niya ako ng ganito? Hindi ko na alam. Pero sana maging okay na ulit kami.Tinawag kami ng class president kaya lahat kami nagtipon tipon sa harap nila ng philo instructor namin. Nag-check lang siya ng attendance at nang makita niyang kumpleto na kami, isa isa na niya kaming pinapasok sa bus. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ang pumipili ng seats namin kaya hinarap ko siya. "Required na pili ang katabi sa bus?" Tanong ko.
Tumango naman siya. "Idea ni Ma'am ito at kung sino ang katabi mo iyon na ang partner mo for the program." Sabi niya at marahan akong tinulak paakyat sa bus.
Nakita 'kong naka-upo na kaagad si Dite katabi si Joshua. Lilingunin ko na sana ang president namin nang sumulpot si Jeonghan sa harap ko.
"You don't have to worry. Siya naman partner mo." Sabay singit ng president namin bago bumalik sa business niya.
Saglit kaming nagka-titigan ni Jeonghan and by the looks of it, mukhang wala din siyang ideya na kami ang magiging magka-partner. Hinayaan ko nalang dahil kung magre-reklamo ako magmumukha akong bitter, kaya nag-lakad nalang ako sa aisle papunta sa dalawang empty seat.
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fiksi Penggemarwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]