47 | Seungcheol's Party (1)

175 10 2
                                    

Khaleesi

Clothes, check. Swimsuit, check. Skin care, check. Makeup, check. Invitation, check. Wallet, check. Everything else, check. Ayan ready to go na ako!

"Hyung, Dad! Aalis na ako!" Lumapit ako sakanila na kumakain ng breakfast at hinalikan sa cheeks si daddy.

"Oh, ang aga naman. Hintayin mo na muna ang kuya mo matapos kumain. Mag-almusal ka na muna." Alok ni daddy.

Gustuhin ko man pero hindi pwede. Actually, late na nga ako eh. Ang call time ay 8 at sa ferry na mismo magkikita-kita, anong oras na 7 na at ba-byahe pa. Sana kayanin ng 30 minutes.

"No it's fine. Mag t-taxi nalang ako kasi late na din ako sa call time. I bought sandwich naman, pwede ko kainin inside the taxi."

"Arte mo mag-salita kailan ka pa naging conyo?" Asar ni Wonung panget kaya binatukan ko sya.

"Manahimik ka dyan ha di porke't natututo ka nang mag-damoves kay—"

"Diba late ka na? Bilisan mo iiwan ka don sige!" Hindi ako pinatapos ni Wonu at tinulak na agad ako palabas.

"Pwede ding wag ka na bumalik dito." Asar ni Wonu nang mapa-labas na ako sa bahay.

Tumingin ako ng kahit anong pwede 'kong mabato sa kanya at may nakita akong bato sa paanan ko. Pinulot ko yon at binato sa kanya. Naka-ilag naman sya. "Hanep. Matrix."

"Pag mukha ko nagas-gasan, kasalanan mo pag di na ako nagustuhan ni Aphrodite ah." Banta nya sa akin.

Nag-make face lang ako sakanya at nag-simula nang mag-lakad papunta sa gate.

"Ingat panget!" Sigaw nya. Di ko na sya nilingon, late na ako eh.

Unfortunately, walang pwedeng mag-drive sa akin papunta doon dahil nagma-madali na ako at si dad ay may meeting pa na di pwedeng ma-miss habang si wonu naman kagigising lang at tamad kumilos. Si Jeonghan nag-offer kaso saan nya naman ipa-park ang kotse nya after. Si Aphrodite sinabay na ng kuya nya on the way kaya kanina pa sya nandoon, early bird ang gaga. So basically, what i'm trying to say is bakit walang dumadaang taxi?

Kaya naman nag-book ako sa uber and to my surprise, as in gulat talaga, meron kaagad na nasa street lang namin at wala pang isang minuto nasa harap ko na siya. In-open ko yung pinto. Sinilip ko saglit yung information nya, "Sir Concordio?"

Yes, yun pangalan niya. Pinigilan ko talaga tumawa.

"Yes po." Sabi nya kaya naman pumasok na ako sa back seat. Ayoko umupo sa harap ano. Buti kung si Jeonghan iyan.

Ang estimated time arrival ko is less than 30 minutes lang so pwedeng maabutan ko pa ang ferry. Habang naka-tingin lang ako sa bintana, naalala 'kong di pa pala ako naga-almusal kaya naman nilabas ko yung sandwich ko.

Actually dalawa ang ni-pack ko kaya tinanong ko si manong. "Nag-almusal na po ba kayo?" Tanong ko sakanya kaya naman nagulat sya.

"May extra pa ho kasi akong tinapay. Baka gutom po kayo." Para kay Aphrodite talaga dapat iyon kaso mukhang hindi pa naga-almusal si mang Concordio kaya iniwan ko nalang yung sandwich sa passenger's seat.

Inubos ko yung sandwich ko at pagka-tapos ay sumandal nalang habang naka-titig sa labas. Maya maya naka-ramdam ako ng antok. Siguro dahil halos mapuyat na ako kagabi dahil tinapos ko yung letter 'kong pagkahaba haba para kay Jeonghan. Wala akong idea kung ano ang pwede 'kong bitbitin lang na regalo para kay Jeonghan nang hindi magsu-suspetya ang iba, gets nyo?

Baka kasi kapag may bitbit akong box akalain nila regalo ko para kay Seungcheol kahit para kay Jeonghan naman. Hayaan nyo na may next time pa naman, okay lang itong letters. Maa-appreciate nya yan. Kotongan ko siya kung hindi.

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon