32 | Christmas

173 16 3
                                        

Khaleesi

December 24th. Night before christmas na at andidito ako ngayon sa kwarto ko,  nagbi-bihis dahil hindi kami dito sa bahay magsa-salubong ng pasko kundi sa bahay nila lola.

(So dahil doon hindi mo ibibigay yung gift mo sa kanya?) tanong ni Aphrodite sa kabilang linya.

Kausap ko siya ngayon sa phone. Bored daw siya eh at nagka-taon na si Jeonghan ang naging topic namin.

Ilang araw na ang nakalipas simula ng mamili kami ng mga regalo. Ang regalo lang ni Jeonghan at sa seventeen ang hindi ko nalang nabibigay. Oo, included si Jeonghan.

"Oo bakit? Kung nakita mo lang yung picture eh! Kung ikaw kaya yung nasa pwesto ko? Pareho lang din tayo ng iisipin kala mo." May taray na sabi ko sakanya habang nagb-bake ng face ko.

Hindi literal na bake, as in bake sa makeup. No, hindi ako professional. Actually, nanonood lang ako ng tutorials ngayon eh.

(Ano ka ba, Masyado ka assuming. Malay mo naman kapatid diba?)

"Tigilan mo ko, di niya kamukha."

Totoo naman. Hindi niya kamukha ang babae. Mukha ngang mas matanda pa ng kaonti sa akin iyon eh. Siguro 1-3 years above.

Err— maganda pa.

(Pero kahit na. Just because lock screen nya and everything doesn't mean may um.. something.. agad)

"Tignan mo, kahit ikaw nga nag-hesitate sabihin yan."

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

(Sayang naman yung gift..)

Ayan nanaman siya. Nangongonsensya nanaman siya sa akin.

"Bahala ka dyan." Hindi ko na siya inantay sumagot at binabaan na agad siya ng tawag.

Tinapos ko na din ang makeup ko dahil baka ma-late na kami. Nag-palit ako ng simpleng maroon na dress at green na heels.

Bumaba din ako pagka-tapos ko mag-bihis.

"Hey dad."

"Sweetie! Looking pretty tonight as usual. Ready?" tanong ni dad sa akin.
Tumango lang ako. Nauna na ako sa kotse namin. Sumunod si dad at si kuya.

Formal party ang pupuntahan namin. Andoon mostly ang family relatives namin at bilang lang ang business partners na invited doon nila lolo.

Medyo boring— but i'll try socializing with others. At least that way may chance na malimutan ko Jeonghan tangina niya.

.

"Oh my— Is this your daughter na?! Gosh, you've change a lot since last year!" sabi ng isang kamag-anak namin.

I know right, kahit na kamag-anak namin hindi ko pa rin close. Syempre minsan lang ako makipag-usap sa kanila. Usually pag pumupunta kami dito nandodoon lang ako sa lumang room ni Mama at nagbabasa lang ng libro.

Pero here I am, nakikipag usap na sa kanila. Halos ma-memorize ko na nga lahat ng sinasabi nila eh. Paulit ulit lang. Kesyo nagulat sila bakit bigla daw akong lumaki. Lol, akala lang nila. Di lang talaga ako nananamit ng maayos noon.

"Excuse me lang po tita, I'll go to the rest room." sabi ko sa kausap ni papa na tita ko ata. Oh well. Hindu naman talaga ako magc-cr. Kukuha lang ako ng makakain, nakakagutom.

Madaming options ng pagkain as usual. Kaya naman mapa dish or dessert sinama ko na sa iisang plato dahil baka mawalan pa ako balasiladyan. Nang maka-kuha na ako ng pagkain ko, lumabas ako at umupo sa isang bench at doon kumain.

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon