Khaleesi
"I apologise my own matters got in the way but it was nice to meet you Miss Jeon. We ought to do this more often." Sabi ni Mr.Yoon bago sila pumasok ni Jeonghee sa loob ng kotse niya at umalis. Ngumiti lang ako habang wine-wave ang kamay ko. May tumawag kasi kay Mr.Yoon kaya kinailangan niyang ayusin yung problema sa kumpanya nila. Kaya ayan, kinailangan niyang umalis kaagad.
Bigla namang may kamay na pumulupot sa bewang ko at binuhat ako paikot. "Huy Jeonghan! Ano ba!" Tili ko habang iniikot niya ko. Siya naman tumatawa lang. "Alam 'kong natutuwa ka pero tignan natin kung matutuwa ka pa pag sinukahan kita sige!" At mas mabilis pa kay Usain Bolt niya akong binaba sa sahig.
Saglit akong napa-pikit dahil umikot ng bongga yung paningin ko. "Punyeta ka." Natatawang sambit ko habang onti onting tumitino na yung mundo ko. Nakita ko naman siyang tumatawa sa reaksyon ko kaya kinurot ko siya sa braso.
"Ow! Why are you pinching me?!"
"Syempre nahilo ako sa pinag-gagawa mo!"
"Can't I just be happy this meeting went well?"
Inalis ko kamay ko bago siya irapan. "Fair na tayo."
Okay fine, ngayon lang nag-sync in sa utak ko na naging okay nga ang pag-meet ko sa father niya. Does this mean approve siya sa relationship namin?
"Look who's smiling now." Rinig 'kong asar ni Jeonghan. Akmang hahampasin ko na sana siya sa braso nang kunin niya ang kamay ko at hinila nalang ako papunta sa kotse niya. "Stop being so sadistic. Sige ka, hindi ko susundin yung gusto 'mong gawin." Sabi niya kaya naman naalala ko yung sinabi niya bago yung meeting.
Oonga pala. Pagka-pasok ko sa passenger's seat, kaagad naman akong napa-isip kung anong gusto 'kong gawin namin.
"So what do you plan to do now?" Tanong niya.
Ngumiti ako. Isa lang ang naisip 'kong pwede naming gawin ngayon.
"Really? An amusement park?" Bored na sabi niya nang makabili kami ng entrance ticket.
"What? Sabi mo kahit ano!" Depensa ko habang kinakabit sa wrist namin yung ticket ng staff.
Bumuntong hininga lang siya bago kami papasukin na sa entrance. Bigla naman akong na-excite nang makita ko ang mga rides. Kaya kasi gusto ko dito dahil una, ito talaga ang ini-magine 'kong magiging first date namin at pangalawa, gusto ko siyang makasama sumakay sa ferris wheel. Ang arte diba, eh bakit ba fantasy ko ito eh.
Hinila ko siya papunta sa isang ride na parang claw type and at the same time umiikot yung seat. Hindi naman matagal yung andar ng pila dahil nagkataon na onti lang ang pumunta ngayon sa park.
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]