Khaleesi
Iiyak na ako, konting tiis nalang. Soobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, sobra akong kinakabahan.
Ang tagal 'pang lumabas ni Aphrodite, at ni wala akong kakila-kilalang dumadaan dito na pwede tumulong sa akin.Paano na yan?!
"Alam mo Miss, sumama ka nalang sa akin."
Nagulat naman ako bigla sa sinabi niya.
"P-Po?!"
At bakit naman ako sasama sakanya? Ni hindi ko siya kilala at sabihan niyo na akong judgemental pero mukha siyang manyakis!
"Tutal, mukhang wala ka namang kasama. Sa akin ka nalang sumama." Kinuha niya yung braso ko "Tara na."
Nagpa-panic na ako.
Name-mental block ako ng todo.
"B-Bitawan niyo po ako."
Pinipigilan 'kong mag-lakad pero dinidiinan niya yung kuko niya kapag hindi ako humahakbang.
Sobrang kinakabahan ako.
Hindi ko na alam yung mangyayari.
Nanglamig na bigla katawan ko— nanghina.
"A-Ayoko po sumama sainyo."
"Wala ka namang ibang choice Miss. Tara na."
Aray ko.
Ang higpit ng hawak niya at yung kuko niya bumabaon na sa braso ko.
"Parang awa niyo na po, ayoko nga 'pong sumama sainyo! H-hindi ko po kayo kilala!"
Higit na mas diniinan niya pa ang baon ng kuko nya sa braso ko.
"A-Aray.. Tama na po.."
"Sige sumigaw ka p—"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang may humawak sa balikat niya.
"Tol, kaunting ayos naman. Sinasaktan mo na sya."
Ngumisi ang lalaki. "At sino ka?"
"Kuya niya, tang*na mo pala e."
Pagka-tingin ko, hindi ito si Wonwoo hyung!
Napa-bitaw yung lalaki. Ang sakit.
"Hindi ko naman siya ginagalaw dyan."
Anong hindi?!
Ngumisi lang siya. "G*go ka pala eh." Hinawakan agad niya yung kamay ng matandang ito.
Tumawag sya ng guard at yung guard naman, agad na pumunta dito.
"Yes sir? Ma'am?"
"Guard, pinipilit niyang hilain ang kapatid ko. Hulihin niyo."
Tinignan ng guard yung mamang lalaki. Tumangi naman agad yung mama.
"Sinungaling. Wala nga akong ginagawang masama sakanya."
Tumingin yung sila lahat sa akin.
"H-Hinihila niya po ako. Sumama daw po ako sakany—"
"Put*ng*na mo sinungaling 'kang babae k—"
Ako pa ang sinungaling sa aming dalawa?!
"Boss tumigil na po kayo. Nagsisimula po kayo ng ingay." Sabi ng guard sa mama.
"Aba'y g*go ka pala eh, anong tingin mo dito? Library? Tang—"
Nagsidating-an na yung ibang guard at tinangay na yung lalaki paalis. Malay ko ba kung saan nila dinala iyon.
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
أدب الهواةwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]