57 | Time

172 10 3
                                    

Khaleesi

Hindi ko maiwasang mailang sa itsura ni Jeonghan ngayon. Masisisi niyo ba ako? Eh kung kayo kaya yung nasa sitwasyon ko ngayon. Malamang baka matunaw din kayo. Sino ba namang hindi eh nakakapanibago nga naman ang itsura nya.

"I'm starting to think cutting my hair was a bad idea." Mahinang sabi ni Jeonghan habang pinapatong ang siko niya sa lamesa pagkatapos ay pinatong ang ulo niya sa kamay niyang nakatitig sa akin.

Nilingon ko siya kaagad. "N-No it's not bad!" Nang mag-tama ang mga mata namin pakiramdam ko na-kuryente ako at kusa nalang na tumingin ang mata ko sa sahig. "You just.. look too good that's all." Nahihiyang tugon ko habang dinidiinan ang pag-hawak sa sling bag ko.

Tapos na ang marathon ni Jeonghan at tulad ng sinabi ko, dapat ay uuwi na ako habang si Wonu maiiwan para panoodin si Dite. Nang sabihin ko iyon kay Jeonghan, hindi siya pumayag na umuwi ako mag-isa kaya andito kami ngayon, tumigil sa isang cafe sa labas lang ng school.

"It's still me, Khaleesi." Marahan niyang hinawakan ang mag-kabilang pisngi ko at pilit na hinarap ako sakanya.

Sa una hindi ko kayang tumingin pero bumigay nalang ako at tumingin sa kanya kahit na pakiramdam ko mukha na akong kamatis. Tama siya. Si Jeonghan pa rin iyan ano man ang hairstyle niya at kakailanganin 'kong masanay ano man ang itsura nya. "Sana pinayagan mo manlang akong i-tirintas ang buhok mo bago ka magpa-gupit." Biro ko and surprisingly, gumaan ang loob ko.

Nawala na yung pagka-tense ko.

Nagkibit balikat lang siya. "You never told me you wanted to." Naka-ngiting sabi niya habang inaabot ang kamay ko.

"Natakot ako baka hindi mo gustong pinapakealaman yung buhok mo eh. Baka mag-break pa tayo kaya nanahimik nalang ako." Sabi ko sabay tumawa. Totoo, gustong gusto ko i-tirintas ang buhok niya pero wala akong lakas ng loob na gawin.

Na-conscious ako nang makita 'kong naka-tingin lang siya sa akin kaya kaagad akong tumigil sa pag-tawa. Nakalimutan ko, baka mamaya ma-turn off siya sa tawa ko. Baka mamaya may dumi o tartar sa ngipin ko habang tumatawa ako, lagot. "Whatever it is on my face please kalimutan mo na." Sabay yuko 'kong sabi para kapain ang mukha ko kung anong mali.

Pero inangat niya lang ang mukha ko at tinignan ako ng seryosong tingin. "You look gorgeous when you laugh." Deretsong sabi niya kaya naman napa-ubo ako sa sinabi niya.

"N-No I don't."

"You do. Back then I thought your loud laugh was annoying. Didn't realise it's your best asset until now." Sabi niya bago tuluyang inumin ang iced coffee niya.

Inalis ko ang kamay naming magkahawak at dali dali ding inubos ang coffee ko kahit na halos mapaso na ang dila ko sa init. Nauhaw ako bigla eh.

Nang maubos na namin pareho ang inumin namin, ako na ang naunang tumayo pero pinigilan niya ako sa braso. "What's the rush?" Sinilip niya ang wrist watch nya. "It's only 1 in the afternoon."

Nag-isip ako ng pwede 'kong sasabihin pero wala talaga eh. Bakit ba hiyang hiya ako sakanya? Stop it, Khal. Umayos ka nga.

"Home.." mahinang tugon ko. "I wanted to rest. Mg leg and ankle hurts. I'm so sorry. I can go home alone though. You should head back."

Pero inilingan niya lang ako. "No, I'm coming with you. I'm not required to wait for the awarding anyways." Kinuha niya ang isang kamay ko at nauna nang mag-lakad palabas, papunta sa bus stop.

Sumakto sa paglabas namin yung bus kaya sumakay din kami kaagad at automatic na nag-magnet ang tingin ng mga babae kay Jeonghan. Bakit kaya puro gwapong lalaki ang nakakasama ko ngayon. Bahagya akong ngumuso dahil don pero hinawakan niya lang ang kamay ko papunta sa aisle. Unfortunately, wala nang vacant na upuan kaya tumayo lang kami. Humawak ako sa pole habang si Jeonghan pumwesto sa likod ko at humawak naman sa hawakan gamit ang kanang kamay nya bago i-pwesto ang baba nya sa ulo ko.

Nakita ko yung mga judgemental looks na binibigay sa akin ng mga babae dito. Yung iba obvious na halos tumaas na ang kilay habang ang iba naman nakakunot noo lang na tinitignan ako. Kahit wala ka namang ginagawa, talagang meron at merong masasabi ang tao sayo ano.

"Don't mind them." Rinig 'kong bulong ni Jeonghan kasama ang pag-vibrate ng dibdib niya.

"Who says I was?" Sabi ko at tinuon nalang ang atensyon ko sa bintana.

Mabilis lang ang naging byahe pauwi at pinindot ko na rin agad ang buzzer para makababa na kami. Naunang bumaba si Jeonghan at inalalayan akong bumaba. Hanggang doon, tumitingin pa rin yung mga babae. Grabe naman.

Hindi eksaktong sa bahay namin ang bus stop kaya kinailangan naming mag-lakad pa ng kaonti. Pagkatapos ng isang minuto, nakadating na din kami sa gate namin at laking gulat ko nang makita ko si Jun na nakasandal sa motor niya.

"J-Jun?"

Humarap siya sa akin at nang makita niyang kasama ko si Jeonghan, bumagsak ang mukha niya. "I saw you left your seat alone awhile ago. I just wanted to see if you arrived safely." Tumingin siya kay Jeonghan. "And you did. I'm going." Sabi niya at akmang sasakay na ulit sa motor niya nang pigilan ko.

Pinapasok ko na muna si Jeonghan sa loob ng bahay at mabuting iniwan niya kami.

"Jun.. wait." Nang maka-alis si Jeonghan. Nilapitan ko si Jun. Hindi niya ako tinitignan kaya hinarap ko ang mukha niya sa akin. "I'm sorry." Sabi ko.

Lungkot lang ang nakita 'kong pininta ng mga mata niya kahit na nginitian niya ako. "It's fine. You didn't tell me because your relationship was a secret and I understand." Tumawa siya. "Just give me time to get over it." Sabi niya bago ginulo ang buhok ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat 'kong sabihin dahil ito ang unang beses na nae-experience ko ito. Ano ba ang dapat 'kong sabihin? Meron ba akong tamang sabihin para gumaan ang loob nya? If so, matutulungan ba ng sasabihin ko si Jun? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

"Congratulations on your relationship with Jeonghan." Sabi niya bago siya sumakay ulit ng motor niya. "See you around."

"S-See you.." marahan akong nag wave sakanya bago niya ipaandar ang motor niya at tuluyan nang umalis.

After giving him his time... will we be friends again?

--x

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon