Khaleesi
Kaya ko ito. Papasok lang naman ako sa school at ano ang chance na makasalubong ko si Jun? Sa dinami dami ba naman ng estudyante dito eh, paano mangyayari iyon?
"Oh, Khaleesi. Aga mo naman."
"Hoshi! Pumasok ba si Ju—"
Pagka-lingon ko, halos atakihin na ako sa puso nang makita ko si Hoshi kasama si Jun. Grabe minsan talaga paglalaruan at paglalaruan ka talaga sa mundong ibabaw ano.
"Sino?" Tanong ni Hoshi.
Napalunok ako. "W-Wala ah may sinasabi ba ko? Ikaw? May sinasabi ka? Wala? Sige una na ako, bye!" Hindi ko na sila inantay na mag-salita at nauna na akong mag-lakad papunta sa room.
Hindi ko ata kayang harapin si Jun sa nangyari. Feeling ko napakasama 'kong tao.
Flashback...
"I like you more than a friend, Khaleesi." Seryoso akong tinignan ni Jun. Yung tingin na binigay sa akin ni Jeonghan nang umamin siya sa akin.
Hindi naman ako slow para ma-misinterpret ang point ni Jun. Hindi ko lang talaga alam kung ano ba ang dapat 'kong gawin dahil una sa lahat, yung boyfriend ko nandito lang din sa kwarto!
"J-Jun.. are you sure?" Alam ko namang sigurado siya pero hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko!
"I'm sure I like you. And I know you have someone you like but if it's not too late, Khaleesi, I'm he—"
Bago niya pa matapos yung sasabihin niya, kinuha ko yung slice ng tinapay at sinubo iyon sa kanya. Ewan ko hindi na ata nagf-function ng matiwasay ang utak ko kaya nagkakaganito ako.
"A-Ang sarap diba? Gutom ka ba? You can have my breakfast if you want." Tinapat ko yung tray ko sakanya habang nginunguya nya yung tinapay.
Nang malunok niya na iyon. Pinainom ko naman sya ng juice ko. At nang maubos niya na yun inumin, binigyan ko naman sya ng prutas. Alam ko napaka-walang hiya ko pero hindi pwede! Ginawa ko ang best ko na patagalin yung sasabihin niya but eventually, I ran out of food.
"Busog ka na ba? S-So what time tayo aalis lat—"
Iibahin ko sana ang topic namin kaso pinigilan niya ako. Tinakpan niya ng buong buo ang bibig ko gamit kamay nya.
"You don't have to answer me right away. I can wait."
Oh no. Not this line! Never 'kong nalaman ang tamang reply sa ganitong line. Pero dahil I'm desperate to get out of this situation, I'll have to be staright!
Tinanggal ko ang kamay niya na naka-takip sa bibig ko tsaka seryoso siyang tinignan. Oh well, it's now or never.
"Jun, I can't." I closed my eyes dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya.
"Wha—"
"I'm so sorry but... I have a boyfriend."
..End of Flashback.
I told the truth, may boyfriend naman talaga ako. Hindi ko lang sinabi kung sino dahil sabi ni Jeonghan kaya sinusunod ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang marating ko na yung classroom namin. Sa awa ng diyos kakaonti palang ang tao at lahat sila tulog. Papasok ng maaga para umiglip lang, ang cute. Anyways, nakita ko si Jeonghan kaya umupo ako sa tabing upuan nya.
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]