Khaleesi
February. Panahon kung saan madami nanaman sa mga kababayan natin ang magsisimulang magsi-post ng ka-bitteran nila sa buhay. Aamin ako, isa ako sa mga ganyan dati. Pero dati iyon tangina may Jeonghan na ko eh.
"Jeonghan." tawag ko sa kanya.
Mag-kasama kami ngayon dito sa bahay dahil feeling ko hindi niya kayang mawalay sa akin. Charot. De, nandito siya kasi pinapunta ko. Sabado eh, bat ba.
"Oh?"
"Gusto ko lang sabihin na hindi ako tumatanggap ng bulaklak kasi wala naman akong gagawin doon. Mas okay na ako sa mga bagay na mapapakinabangan ko. Yun lang naman." sabi ko.
Maniwala man kayo o hindi, mago-one month na kami ni Jeonghan. Mabilis yung panahon dito sa mundo ni syll, palaging naka fast forward kaya ganon.
"Matagal pa naman birthday mo ah." sabi niya habang naka-tutok pa din sa pinapanood naming crime investigation. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya ipalipat yung channel, interesadong interesado siya panoorin. Yung lalaki pinatay ng isang babaeng obsessed sa kanya.
"Hindi naman para sa birthday ko eh." para sa monthsary natin! Hindi ko alam kung pati sa korea ba sine-celebrate nila yan pero bakit ba, every day, week, month, year counts!
"Para saan?" sabi niya habang ang attention niya nasa t.v pa din.
Parang gago naman. Ayaw ako tignan eh ang ganda ganda ko. Sarap halikan eh.
"Sa 14!" sabi ko at ni-mute yung t.v. Bigla naman siyang humarap sa akin.
Oh ano ka ngayon.
"Anong meron sa— ah birthday ni Seungcheol!"
Wow naman. Tinignan ko siya ng masama. Parang feeling ko na-offend yung malanding cells ko.
"I think Valentine's day din yung 14?"
Hanep naman kupido, anong kasalanan ko sayo't ganito boyfriend ko?
"What? Hindi ba Valentine's day sa 14? All this time akala ko 14.."
May gad Jeonghan, ang sarap mong mahalin. "Valentine's day sa 14. Birthday din ni Seungcheol sa 14. Monthsary din natin sa 14. I-break na din kaya kita sa 14?"
Bigla naman siyang napa-isip. Sarap kurutin ng nail cutter eh. Sinabi ko na ng lantaran tapos magi-isip pa sya. Gusto ko mangigil eh. Tinitigan ko lang sya hanggang sa ma-realize niyang tama yung sinabi ko.
"Oo nga ano."
"Bwisit ka Jeonghan." Tumayo ako sa upuan namin at nag-lakad papunta sa kwarto ko. Sumunod naman din siya kaagad sa likod ko.
"I'm sorry. Nawala sa isip ko."
"Tanggaling ko din kaya isip mo para wala ka na problemahin?" Lumiko ako sa kwarto ko at akmang isasara na yung pinto nang pigilan niya iyon gamit ang kamay niya.
"I'm sorry!" Pumasok siya sa kwarto ko ng naka nguso.
Pa-cute amputa, kala mo naman bagay. Mukha lang siyang asong naliligaw. Hindi naman cute!
"Don't be mad at me please?"
Hinawakan niya yung mag-kabilang kamay ko at nag-pacute nanaman. Iniisip niya ba tatalab sa akin yang aegyo niya? Hah! Baka nga.
"Jebal jebal jebal?"
Nope. Di effective.
"Mianhe, jinjja."
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanficwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]