Khaleesi
Pagka-labas ko sa passenger seat, binasa ko na ulit yung listahan ng mga kailangan 'kong i-stock ulit sa bahay. Hinawakan ko sa kamay si Hans habang si Jun naman buhat buhay si Hailee dahil sobrang likot ng dalawang ito pag nasa supermarket kami. Sa sobrang busy ko sa pag-babasa ng listahan ko, nagulat nalang ako nang hilain ako ni Jun sa pulso dahil tatama na pala ako sa isang poste.
"Oops! Careful." Sabi niya nang hilain niya ako papalit. Ang kambal naman nag-tawanan lang. bakit ba sobrang masayahin nitong mga anak ko na ito?
"Hahaha you're so clumsy mommy!" Halos mangiyak na tili ni Hailee.
"No sis, mommy's stupid. Hahahaha." Asar naman ni Hans.
Matagal tagal nanaman bago sila tumigil kaka-asar sa akin. Mana yang dalawang yan sa mapag-asar nilang tatay eh. Nakita 'kong lumuhod si Jun sa level ni Hans atsaka palarong pinitik ang bangs.
"Mommy's not clumsy or stupid. She
wasn't just looking." Pag depensa niya kaya naman ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. Pisngi lang naman, magre-reklamo ako kapag may nag-sabing PDA na iyon."Thanks." Bulong ko sa kanya bago ulit kami mag-lakad papasok sa supermarket.
"Ew. I don't understand why people kiss." Naka-rolyong mata na sabi ni Hans habang kumukuha kami ni Jun ng cart. Big cart ang kinuha namin at matic na binuhat ni Jun si Hailee paupo sa cart.
"Kissing is sweet, Hans. It shows love." Sabi naman ng kapatid niya. Binelatan lang siya ni Hans habang patuloy pa ding nagrereklamo yung lalaking iyon.
Lumapit ako sa tenga ni Jun. "Hailee's getting a little older to sit on a cart isn't she?" Bulong ko. Tumawa lang si Jun.
"Let her. Kapag hindi na siya kasya, I'll stop carrying her there."
Umiling ako. Kaya nas-spoil itong si Hailee kay Jun eh. Palaging bine-baby. Di tulad nitong si Hans, mas may sense na. Minsan nga mas may sense pa itong si Hans kesa sa akin eh. Kahit nakakahiya mang aminin. Naramdaman 'kong hinila hila ni Hans ang laylayan ng dress ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Yes baby?"
Tinuro niya yung shelf ng mga vegetables. "Why are tomatoes shelved with vegetables when they're fruits?" Naka-kunot kilay na tanong niya sa akin.
See what I mean? Umiling ako at hinawakan nalang ang kamay niya habang si Jun pa din ang nagtutulak ng cart. "Sweetie, there are things in this world that's really questionable but you just have to deal with it."
"Why?"
I shrugged. "I don't know. Maybe it helps make life easier?"
Hindi sumagot si Hans at nag-patuloy nalang sa pag-tingin nya sa paligid habang kami naman tuloy lang sa pamimili ng mga dapat naming ibili. Nang mapuno na namin ang cart namin, pumila na kami para mag-bayad at as usual, ganon pa din ang naging bulungan ng ibang mga naka-pila. Palagi nalang kapag nagg-grocery kami.
"Ang cute naman ng family nila."
"Haay gusto ko din ng fraternal twins."
"Grabe visuals."
"Nag-hiwalay na sila ng dati niyang kasama?"
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanficwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]