64 | Prom (3)

137 10 8
                                    

Khaleesi

"Sorry to interrupt but we just wanted to announce the winners before we end this night. Don't worry, you'll get to finish slow dancing later." Sabi ng isang instructor na biglang nag-salita sa stage.

Inalalayan naman ako ni Dino pabalik sa seat namin. Awe, ang gentleman naman. "Thank you, Dino."
sabi ko bago siya umalis pabalik sa table nila.

Halos lahat ng members ng Seventeen nasayaw ko na maliban nalang sa boyfriend ko. Sa hindi malamang dahilan, palagi ko nalang siyang nakikitang may ibang kasayaw kapag slow dance. Bakit ganon, isang beses niya lang ba ako gustong maka-sayaw?

"For the best themed couple of the night.."

I mean, ako nga gusto ko as much as possible more than 5 songs ko siyang makaka-sayaw eh. Ano bang balak niya, isang kanta lang akong sayawin?

"Miss Khaleesi Jeon and Mister Jeonghan Yoon!"

First prom night namin itong mag-kasama at hindi naman sa possessive ako pero hindi ko lang talaga masyadong nae-enjoy na. Don't get me wrong, I'm really honored dancing with Seventeen pero alam mo iyon.

"Huy gago Khal, gising!" Sabay hampas sa braso 'kong sigaw ni Dite. Isa pa ito eh.

"Inano kita?!"

"Para ka kasing ewan. Umakyat na kayo ni Jeonghan sa stage, nanalo kayo best themed couple!" Tili niya at bago ko pa man ma-realise ang nangyayari, magka-hawak kamay na kami ni Jeonghan na umaakyat papunta sa stage habang ang mga tao nagsisi-palakpakan.

What the. Sinusuotan na din ako ng tiara at sash pati na din si Jeonghan at crown. "Congratulations to our best themed couple." Announce ulit ng instructor habang nagsisi-kuhaan ng litrato ang mga photographers pati na din ang iba naming mga ka-school mates.

Hanggang sa patuloy pa rin silang naga-announce ng winners at maka-balik kami ni Jeonghan sa seat namin, nakakunot pa din ang kilay ko. Iniisip ko kasi talaga kung bakit hindi ako sinasayaw ni Jeonghan pagka-tapos mananalo kami ng award? Sobrang confused at overwhelmed ako.

"Oh bakit ganyan mukha mo? Ayaw mo iyon ang galing ng idea mo!" Tili nanaman ni Dite nang makabalik kami sa table pero hindi ako umupo.

"Ang bilis ng pangyayari eh. Be right back magpapa-hangin lang ako saglit."

"Huh? Pero kailangan mo na makipag last dan—" bago pa matapos ni Dite ang sasabihin niya lumayo na ako kaagad at dumiretso sa labas.

Buti nalang at wala nang tao para naman maka-kalma ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaka-ganito. Naghalo halo ang excite, lungkot, at tuwa kaya siguro kinailangan ko muna huminga ng malalim. Umupo nalang din ako sa staircase para hindi ako mapagod dahil mukhang tatagal bago kumalma ang puso ko.

Mula rito naririnig ko parin ang tunog at nag-simula nanaman ang slow songs. Ano ba naman yan kung kailan hindi ko kailangan ng slow song, umeepal.

[syll: kindly listen to ed sheeran's kiss me while reading para feel na feel natin at hindi ako lang ang nangingisay. salamat. I did my best para sumabay yung kanta sa narrations.]

1.. 2.. 3.. 4..

Narinig 'kong nag play Kiss Me ni Ed Sheeran kaya mas lalo akong nanlumo. Baka iba nanaman ang kasayaw ni Jeonghan niyan h—

"Khaleesi."

Halos mapa-tili na ako nang marinig ko na nag-salita si Jeonghan sa likod ko. Kaagad naman akong napatayo mula sa hagdan at tinignan siya. "J-Jeonghan? What are you doing here?"

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon