41 | Bus

216 19 16
                                    

Khaleesi

"Aantayin ko si kuya dito. Sabi niya susunduin niya daw ako eh." sabi ni Aphrodite nang maka-labas kami ng resto.

Finally, natapos na din silang kumain. Makakauwi na din ako. Kating kati na ko umuwi, di ko alam bakit pakiramdam ko, pagod na pagod na ko.

"Share mo lang?" tanong ni Seungkwan kay Aphrodite.

"Tang ina mo, kausap ka?" sagot ni Aphrodite kay Seungkwan bago sila nagtawanan.

Kanina pa yang dalawang yan nagsa-sagutan, doon pa lang sa loob ng resto. Pipigilan ko sana si Aphrodite sa pagmumura kaso naalala ko, pake ko sa kanya. Maturn-off na yung ma turn off sa kanya.

"How about you Khaleesi?" tanong ni Seungcheol sa akin.

"I'll take the bus." sabi ko at akmang maglalakad na sana nang pigilan niya ko.

"Don't walk alone to the bus stop. Mag-gagabi na oh." sabi niya habang naka-tingin sa likod ko. Lilingon sana ako kaso pake ko don.

Grabe no, wala na kong pake sa iba. Gusto ko lang umuwi batba.

"Why don't you walk with Jeo—"

"I'll walk her!" volunteer ni Jun habang naka-taas pa yung kamay.

Okay, ang cute nya don.

"O-Okay then."

Hindi ko na inisa isa yung pag-paalam sa kanila kasi nakakapagod yun at pampatagal lang. Kaya nagpaalam nalang ako in general, pagtapos nag-lakad na kasabay si Jun.

Narinig 'kong nag-paalam na din sila kay Aphrodite.

"HOY GRABE KAYO, WALA MANLANG MAGAANTAY NA MAKARATING KUYA KO?!" narinig 'kong sigaw ni Ditey habang naglalakad kami ni Jun palayo.

"WALA NAMANG MAGBABALAK NG MASAMA SAYO." sabi naman ni Seungkwan bago humagalpak ng tawa. "H-HOY SAN KAYO PUPUNTA HAHAHAHA TOTOO NAMAN AH!!"

"Bahala ka dyan, antayin mo dumating kuya nya! Tara na guys!" narinig ko boses ni Hoshi bago ang tunog ng mga paa na tumatakbo palayo.





"Thank you, Jun." sabi ko kay Jun nang maka-dating kami sa bus stop.

Mabilis lang kaming naka-dating kasi malapit lang naman talaga to sa resto na kinainan namin.

"You're welcome." sabi niya. "L-Listen, about sa tanong ko kanina.. Sana hindi awkward. I was just curious."

"Nah it's fine. I get curious all the time." at dahil sa pagiging curious ko, kung ano ano napapala ko. Haay nako.

Bigla kaming nanahimik pero hindi naman siya awkward. Nakatingin lang ako sa kalsada habang inaabangan yung bus na dumating. Si Jun naman, nakapamulsang nag-aabang din.

Maya maya pa, natanaw ko na kaagad sa malayo yung bus. Yes, finally. Makakauwi na din ako. Pakiramdam ko ang tagal masyado ng araw na to. Gusto ko nalang mag-pahinga.

"He's a lucky guy."

Biglang nag-salita si Jun. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o hindi eh.

"But still a jerk for taking Advantage of you."

That, natuwa ako.

Well... yung tanong niya kanina napunta sa open forum eh. Na-share ko sa kanya kung ano yung mga nangyari sa akin. Pero of course, hindi ako nag name drop ano.

Ganon sila katagal kumain kanina.

Tumigil na yung bus sa harap ko at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you, Jun." nag-pasalamat ulit ako kay Jun. This time, dahil sa sinabi niya kay Jeonghan.

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon