22 | Home Alone

233 13 0
                                    

Khaleesi

It's that time of the month na kung saan sasapian nanaman ako ng kung ano among feelings kaya heto ako ngayon, nilalabas ang sama ng loob kay Wonwoo hyung.

"Bakit ba kasi ako single?! Hyung, panget ba ako?!"

"Oo."

"Tangina mo ah."

Bigla ko siyang nabatukan ng di oras. Oo sanay na yan, kapag nagkakaroon ako wagas na ako kung mag-mura. Sobra na akong nagiging moody. Dinaig ko pa ang lasing.

"Biro lang sister. Syempre maganda ka aba. Sino nagsabing panget ka?"

"Yun nga eh, wala. Sana meron nalang nagsabi sa akin. Hyung, nakakabastos mabale-wala ng gusto ko huhuhu!"

Kung curious kayo kung gaano kalayo ang pag fast forward ni syll since last chapter— nakaka ilang weeks na din since pinahiram ako ni Jeonghan ng shoes ng sister nya and to my suprise, hindi niya na na-mention ulit yon i mean, hindi niya kinukuha.

Ewan ko, ang kapal ng mukha ko pero inaantay ko lang siyang suyuin ako about sa shoes eh. Ahoho.

"Mumurahin mo kuya mo pagtapos ngingiti ka diyan bigla? Alam mo sis, wala akong napapala dito. Bye na! Kanina pa ako inaantay sa kotse!" biglang tumayo si Wonwoo hyung dito sa sofa pagka-tapos ay umalis din kaagad.

"Hoy grabe ka! Wag niyo ko iwan!"

"Palayasin mo muna dugo mo!" sigaw niya nang makalayo-layo na siya.

Aalis kasi sila, dahil sembreak namin ngayon. Oo sembreak namin, napagdesisyunan talaga namin ang magbakasyon pero dahil sa epal 'kong dugo, hindi ako makakasama. In case lang na tanungin niyo, swimming yung pupuntahan nila at leche, di ako kasama! Anak ka ng pating.

Bakit ba kasi ngayon pa nagka-free time si daddy! Kung kailan may red tide ako! Argh.

Narinig 'kong bumusina sila sa labas sign na aalis na sila. Tse bahala sila diyan, di ko na sila pupuntahan sa labas! Siguraduhin lang nilang bibigyan nila ako ng pasalubong, kapag hindi nako talaga baka makasampal ako ng di oras.

Dahil wala na akong mapapala dito sa sala at dahil walang tao (oo wala, day off nilang lahat) umakyat na ako sa kwarto ko dahil pusang gala, nakakatakot mag-isa kahit na umaga palang.

Gustuhin ko mang kanila Aphrodite mag stay eh mukhang wala din sila. Grabe, ang epal pag meron. Ang useless pag bakasyon. Wala kang magagawang matuwasay dahil gusto mong nasa bahay ka lang. Oo boys, ganon ang feeling. Maging masaya kayo sa buhay niyo dahil swerte kayo.

Dahil busog ako at wala akong magawang matiwasay sa buhay, nanood nalang ako sa laptop ko ng series. At kung curious kayo, big bang theory pinapanood ko. At uunahan ko na kayo, hindi ako nerd. In case lang.

It's funny. I mean, not always but most of the time, i find them funny. Specially Howard and Sheldon. Oha puta napa-english ang lola niyo.

Kidding. Pero oo, ang funny niya. Kaya minsan ito ang pampalipas-oras ko, along with supernatural or malcom in the middle.

(syll: words count kasi kaya heto, sharing is caring. nood din kayo!)

Mahigit isang oras na din akong nanonood nang bigla akong makaramdam ng malupet na antok kaya naman niligpit ko yung laptop ko sa isang tabi atsaka natulog.

.

Kinagabihan...

Nagising nalang ako nang maka-rinig ako ng tunog galing sa labas. Pagka-dilat ng mga mata ko, madilim na. May onting ilaw akong naaaninag pero madilim pa din.

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon