53 | Missing

167 11 4
                                    

Khaleesi

"Sorry sis at hindi kita mahahatid ulit ngayon. Kailangan ko tapusin yung powerpoint presentation namin eh." Sabi ni kuya Wonwoo habang nagka-kape sa lamesa.

Kawawa naman. Halata sakanyang pagod na siya oh. Antok na antok na yung mata nya. "It's fine brother. I understand. Magu-uber nalang ako." Sabi ko habang sinusuot yung sling bag ko.

Alangan naman mag backpack ako eh aba ang hirap hirap suotin lalo na't may cast ako. Tinanguan lang ako ni brother atsaka ako umalis. Nag-book ako ng Uber at sabi 1 minute away lang sya kaya tinext ko nalang muna si Dite.

To: Aphrodite

Bigyan mo ng motivation si Wonu. Kagabi pa yan nagsusunog ng kilay. Wag mo sabihing utos ko. Papasok na ko.

Sinend ko na at nagulat naman ako nang may tumigil na isang kotse sa harapan ko. Hanep, naka 1 minute na ba iyon? Mas mabilis pa sa utot ko si manong ah.

"Ma'am Khaleesi?" Tanong ng driver pagka-bukas ko ng pinto sa likod. Teka nga bakit familiar ang mukha niya. Parang nakita ko siya kelan lang? Sinilip ko yung phone ko— Ah sos kaya naman pala. Ito yung nag drive sa akin papunta sa party ni Seungcheol.

"Mang Concordio! Yung totoo, inaabangan mo ba ako?" Pabirong tanong ko habang sumasakay sa loob ng kotse niya sa likod.

"Hindi kita inaabangan at sadyang napa-daan lang ako dito ulit." Mabilis na sagot niya habang nagsi-simulang mag-maneho. Aga aga ang cold ni manong.

Masama siguro ang gising kaya naman hindi nalang ako mangungulit. Sinuot ko yung earphones ko at tumitig nalang sa labas. Maya maya, naka-amoy ako ng kakaibang amoy sa loob ng kotse niya. Hindi siya mabaho eh, pero hindi rin siya mabango. Bahagya akong napasilip kay mang Concordio. Nakita ko siyang nags-spray ng something sa tapat ng aircon.

Tinangal ko yung isang earphone ko. "Ano po yan manong?"

"P-Pabango lang mam. Nalimutan 'kong mag-spray bago kayo sumakay. Pasensya na ho sa abala."

Umiling ako kaagad. "No it's fine. It's... not so bad." Pero not so good din siya manong anong klaseng air freshener yan?

Huminga lang ako ng malalim bago isalampak ulit ang earphone ko at tumitig sa daan. Naalala ko, simula kahapon hindi na ulit kami nag-usap ni Jeonghan. Hindi niya ako tinext eh. Noong nag-text naman ako hindi siya nag-reply. Baliktad diba? Dapat nga ako yung malulungkot kasi hindi siya nag-sabi ng totoo kay Jun. Hindi naman niya malalaman na kami kung tutulungan niya lang ako bilang kaibigan diba? Wala namang malisya doon.

Pero bakit nag-sinungaling siya? Na-hurt tuloy ako ng bahagya. Bahala siya dyan hindi ko na siya ulit susuyuin kala niya.

Nakarinig ako ng mahinang boses galing kay manong at bago ko pa man matangal ang earphones ko, natapos niya na kaagad yung sasabihin niya.

"Ano po ulit iyon manong?" Hindi ko alam kung dahil ba na mabilis siyang magpa-takbo ng kotse kaya bigla nalang akong nahihilo ng ganito o dahil lang sa puyat ko kagabi?

"Ngayon palang po humihinga na ako ng tawad." Sabi niya.

Napa-isip naman ako sa sinabi niya. "Ano yun mano... manong...?"

Pakiramdam ko biglang bumigat yung mga eyelid ko kaya naman hindi ko napigilang humiga sa back seat. Bakit bigla akong inantok? "Manong.. pakigising nalang po pag andoon na ako."

At dumilim na ng tuluyan ang paningin ko.

.













entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon