Khaleesi
Hindi ko maintindihan— feelingera ba ako or pakiramdam ko iniiwasan ako ni Jeonghan sa kahit anong gawin ko?
Una yung kaninang umaga sa pinto. Hanggang sa..
Flashback #01
"Pass all your works to Jeonghan. Jeonghan, collect all their works and leave them at my office table after." sabi ng instructor bago umalis para pumunta sa next class nya.
Tumayo na si Jeonghan at nagsimulang kunin lahat ng works namin. Tapos naman na kami lahat kaya pina-collect na din ni sir.
Maya maya pa, lumapit na sa amin si Jeonghan.
"Oh, i-gitna mo yung akin ah." sabi ni Aphrodite pagkabigay nya ng papel nya kay Jeonghan.
Kinuha ni Jeonghan papel ni ditey. Akmang ibibigay ko na sana yung papel ko ng biglang nag-simula na ulit siyang mag-lakad.
"Girl may away kayo?" tanong ni Ditey.
"H-Huh? Ewan ko— Jeonghan! Yung papel ko!"
Lumingon siya. "Huh— Ah! Sorry."
Flashback #02
Break time na at balak ko sana ibigay kay Jeonghan yung paperbag na may lamang regalo ko para sa buong Seventeen. Kaya naman lumapit ako sa upuan niya. Kausap niya si Joshua.
"Jeonghan! Okay lang ba ku—"
Pagka-lapit ko sa kanila, bigla naman siyang tumayo sa upuan niya.
"I'll go get our lunch." sabi niya kay Joshua at bigla nalang umalis.
O..kay? Kanina pa to. Anong ginawa 'kong mali?
"Oh Khal, don't mind him. He told me his head hurts that's why he's like that. What is it that you wanted to say? I'll text him." tanong sa akin ni Joshua.
Binigay ko sakanya yung paper bag na bitbit ko. "Oh. Um.. Paki-distribute nalang gift ko sa iba. Belated Christmas gifts ko for you guys." sabi ko bago lumabas para pumunta sa clinic.
Flashback #03
Kagagaling ko lng ng clinic dahil nanghingi ako ng gamot para sa head ache ni Jeonghan. Hindi niya naman sinabing gusto niya pero I thought maybe, he needed one.
"Here." sabi ko pagkalapag ko ng gamot sa table nya.
Tinignan niya iyon at mabilis naman na naka-pick up. "Thank you." sabi niya at tinago sa bag niya.
Teka, bakit di niya inumin?
"I already took one though." sabi niya bago kunin ang phone niya para mag-text.
End of Flasbacks
Now, sabihin niyo sa akin kung feeler lang talaga ako or totoong iniiwasan niya ako.
Dahil ba yun sa pag-mention ko kanina about sa kiss namin? Masama bang mag reminisce? Atsaka gusto ko lang naman alamin kung ano na yung meron sa 'amin' eh. Hello, will you kiss someone without any meaning? Ganon ba sya ka-heartless?
"Khal! Andito ka lang pala, kanina pa ko hanap ng hanap sayo." lumapit sa akin si Aphrodite ng hinihingal.
Uwian na namin at andito ako sa library. Tinapos ko yung homework namin sa stats kasi naknamputa, hindi ako maka-focus sa room. Naaalala ko yung pag-iwas sa kin ni Jeonghan.
"Bakit?"
"Biglaan kasi akong susunduin ni kuya. May lakad nanaman pala kami hindi nila ako ininform. Ugh— anyways, eto yung homework ko. Pwede pa-pasa nalang din?"
"May ibang option ba ak—"
"Thanks, bye!"
Ugh. Nagsisimula na akong mainis sa mga walk out sa akin ha. Nakaka-bagot na, ano ba kasing ginawa kong mali kay Jeonghan?!
Ugh! Tempt na tempt na akong punitin itong papel namin sa stats! Bakit kasi ganito?! Naba-badtrip ako bagong taon na bagong taon eh! Ang sakit sa puso.
Niligpit ko na yung gamit ko dahil gusto ko nang ipasa itong gawa namin ni Aphrodite at maka-uwi na. Nawalan na ng excite yung presence sa akin ng school. Puro lungkot lang nakukuha ko dito ngayon.
Pagka-labas ko sa pinto ng library, saktong binuksan din ni Jun yung kabilang side ng pinto.
"Jun?"
"Khal! Buti naabutan pa kita."
"What? Bakit? Anong meron?" Pinapatawag ba ako ni Jeonghan or something? Baka lang naman.
"Nakasalubong ko si Aphrodite and she told me na andito ka pa sa library. I received your gift and I just wanted to say thank you."
Ah okay. Akala ko naman.
"Oh. You're welcome." sabi ko at humakbang na kaso humarang sya.
"Where are you going?"
"Iiiwan ko lang yung homework namin sa office ng instructor namin then uuwi na ako." sabi ko at humakbang ulit kaso humarang nanaman siya. Ano ba, wala naman akong utang kay Jun ah.
"What? You can't go home yet, hindi pa ako nakakapag-thank you sayo."
"Yes you did. Sabi ko You're wel—"
"No, i mean, i haven't done something yet. Come on, I'll treat you as my christmas gift." bago pa ako maka-hakbang, sya naman ang humila sa akin ngayon.
"Pero yung homework namin?"
"I know. Punta na muna tayo sa office ng instructor nyo."
3rd Person
Naunang mag-lakad si Jeonghan dahil nag-cr na muna si Joshua. Sabay silang uuwi ngayon kung hindi niyo tatanungin dahil may dadaanan silang lugar na masyadong tamad mag-isip ang author para mag-bigay ng pangalan.
Tahimik lang na nagla-lakad si Jeonghan nang makita niya si Khaleesi at Jun sa hallway. Kung hindi pa enough ang sakit ng ulo na nararamdaman niya kanina, mas nadagdagan pa ngayon dahil sa nakikita niya.
"Pero yung homework namin?"
"I know. Punta na muna tayo sa office ng instructor nyo." sabi ni Jun at tuluyan nang na-hila si Khaleesi palayo.
Si Jeonghan, hindi maiwasang nakaramdam ng inis. "How can she still smile? Tch." pabulong na sabi ng binata.
"Bakit kasi di mo kausapin." pero unfortunately, nasa likod nya na si Joshua.
Alam ni Joshua ang nangyayari sa buhay ni Jeonghan dahil mas close pa sa mata ni woozi ang dalawang yan. Si Joshua ang nagsisilbing taga-payo ni Jeonghan sa lahat ng problema nya.
"I can't, anong sasabihin ko?"
"That you're not really gay and you li—"
"Shut up."
Sinuntok ni Jeonghan ang braso ni Joshua at nauna ng mag-walk out. Si Joshua, tinawanan lang sya.
"Stop being a cat and go talk to her, man."
"I'll go talk to her if you say pus—"
"Nevermind. Let's go." sabi ni Joshua at nauna nang mag-lakad kay Jeonghan. This time, si Jeonghan naman ang tumawa.
"Sometimes you're such a p***y."
"Good heavens, watch your mouth man! Gross."
--x
lol i censored it idek why.
uy oh pansin niyo, ang dalas ko mag-update. ur wilkam :----)
![](https://img.wattpad.com/cover/54347955-288-k576600.jpg)
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]