68 | Letter

256 9 5
                                    

Khaleesi

Kaagad akong napa-bangon sa kama ko nang biglang kumidlat ng malakas. Kahit na naka-bukas na ang bintana ko, nakita ko pa din ang paligid na madilim. Dahil siguro sa makulimlim na langit sa labas kaya ganito nalang din sa kwarto ko. Hindi na ako nag-abalang mag-bukas ng ilaw at lumapit nalang ako sa bintana ko't doon umupo habang tinititigan ang mga patak ng ulan.

 Hindi na ako nag-abalang mag-bukas ng ilaw at lumapit nalang ako sa bintana ko't doon umupo habang tinititigan ang mga patak ng ulan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos magi-isang buwan na ang nakalipas nang magsimula ang bakasyon namin. Pero dahil sa panahon nitong mga nakaraang araw hindi ko naman maramdaman na bakasyon. Mas malungkot pa sa akin yung panahon eh.

Hanggang ngayon nagi-isip pa din ako ng paraan kung paano ko gagawin ang gustong mangyari ni Mr.Yoon. Mas lalo na nga akong naga-alala dahil mas lalo 'kong napapatagal yung dapat matagal ko nang tinapos. Pero masisisi niyo ba ako? Ang hirap hirap ng gagawin ko. Kahit na para sa ikabubuti ni Jeonghan iyon, nahihirapan pa din ako at parang gusto ko nalang maging selfish.

"Ma'am Khaleesi gising na po ba kayo?" Biglang kumatok ang isa sa mga katulong namin.

"Kagigising ko lang, bakit po?" Sigaw ko din sa pintuan.

"Ma'am Khaleesi kanina pa ho kasi andito ang boyfriend niyo. Inaantay lang kayong magising." Sabi ni manang kaya napa-tingin naman ako kaagad sa orasan. Ala-una na pala. Kapag bakasyon talaga napapahaba ang tulog ko.

"Sige manang, pasabi nalang po umakyat siya dito." Sabi ko habang nagmamadaling pumunta sa banyo para mag toothbrush. Pagkatapos ay nag-suot ng bra at sweater para naman magmukha akong presentable. Di nagtagal kumatok na din siya sa kwarto kaya pinagbuksan ko siya. Nakita ko naman siyang may bitbit na tray ng pag-kain.

"Lunch?" Nakangiting tanong niya kaya tinuro ko lang ang kama ko bago isara ang pinto at tumabi sa kanya.

Hindi naman ako nag-sayang ng oras at kinain nalang din ang nasa-tray habang siya naka-tingin lang. Ngayong bakasyon kasi bihira lang kaming nagkita, madalas kasi akong gumagawa ng palusot para hindi kami mag-kita. Hindi dahil sa ayaw ko, pero natatakot lang akong harapin siya, kahit na wala siyang kaide-idea kung ano ang hinihingi ng dad niya sa akin.

Dinaan ko nalang sa pag-kain para hindi siya mag-tanong dahil alam ko namang nahahalata niyang umiiwas ako kaya mas binagalan ko pa sa pagong ang pag-kain ko ng mga nasa tray. Nang maubos ko na yung pag-kain ko, ako na ang nag-volunteer na ilabas ang tray para naman makahinga ako ng maluwag.

Nakasalubong ko ang isang katulong namin pagka-labas na pagka-labas ko ng kwarto at kaagad na kinuha sa kamay ko ang tray.

"A-Ako na."

"Hindi na ma'am Khaleesi, trabaho namin ito. Atsaka may bisita ka sa loob oh, ako na po ang bahala."

"Hindi sige ako na wala naman kaming ginagawa e—"

"Ako na Ma'am Khaleesi. Alam ko namang ilang araw ka nang nagkukulong diyan sa kwarto mo. Sige na ma'am ayusin niyo na iyan!" Hindi pa ako nakaka-sagot nang itulak na ulit ako ng katulong namin papasok sa kwarto at siya na mismo ang nag-lock ng door knob ko.

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon