70 | Gladly

273 9 7
                                    

Khaleesi

Nagising nalang ako sa tunog ng mga susi sa pinto at dahil sa liwanag galing sa labas. Nanliit ang mata ko dahil sa silaw pero kahit na ganon, nakita ko pa din ang anino niya na nakatayo sa pinto. Tumingin ako sa wrist watch ko at nagulat nang makita 'kong 11 o' clock na.

Nilagpasan ko siya at nag-madaling pumunta sa main door niya para sana maka-uwi na ako nang hindi ko iyon binuksan. Doon ko lang na-realise na pati pala ang phone at mga gamit ko, na kay Aphrodite at sa nakikita ko, mukhang wala na siya at tapos na ang party. Bumuntong hininga ako. "Naka-lock na lahat ng doors, ano?" Tanong ko habang umuupo sa isang high chair niya sa kitchen.

Narinig ko siyang bumaba sa hagdan at lumapit sa akin bago tumango.

I didn't expect this to actually happen. Us, talking about our break up? For 6 years, akala ko hindi na nga kami ulit magkikita eh. In-expect ko makaka-move on na kami pareho at tatawanan nalang ang naging break up namin. But hell— look what's happening now.

Nag-salita ako pagkatapos ng ilang mga minuto. Well, someone has to talk. "How are you?" Hindi ko siya tinignan at sa legs ko lang nakatingin. Baka kasi kapag tinignan ko siya sa mata, bumalik ulit yung pagiging ako 6 years ago. Yung hindi maka-move on na Khaleesi.

"I'm taking over dad's business. You? How are y—" narinig ko siyang humakbang palapit kaya tinaas ko yung kamay ko at sumenyas na tumigil siya.

"Don't come close. L-Let's just talk."

Hindi ko kayang tignan siya. Hindi ko rin kayang lapitan niya ako. Err, who am I kidding? I never moved on. All these years, nangalimot lang naman ako.

Tumahimik ulit yung paligid at alam ko namang hindi siya magsa-salita. It is me who needs to explain things pero hindi ko alam kung saan magsisimula. "Just ask me. Let's get this over with." Sabi ko at nag-cross legs. Bakit ba ako nagkukunwaring okay lang ako? I'm not.

"Did my dad told you to break up with me?"

Nagulat ako dahil iyon ang una niyang tanong. Dapat ko 'bang sabihin ang totoo? Tutal.. ite-take over niya na ang business nila diba? That should be fine. "Y-Yes."  Khaleesi, you owe him the truth. "H-He told me all he ever wanted was for you to replace him. So I backed off. It was for your future, I didn't want to hold you back."

"Was there another guy?" Sa boses niya nakarinig ako ng parehong curiosity at takot. Gusto niyang malaman ang totoo pero natatakot siya sa sasabihin ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. Kahit na 6 years na ang nakalipas, he can still make me smile.

Umiling ako. "Never. That was an excuse. I'm sorry I had to lie." I loved him too much that time to even cheat and frankly, I still do.

Natahimik siya pagka-tapos 'kong sabihin yung sagot ko. What is he thinking? Does he want me back? Pwede na 'bang maging kami ulit? Because I do. I always do. Lalo na't ngayon andito na siya sa harapan ko, I've never wanted him more. Na-miss ko ang yakap niya. Ang mga halik niya. Ang bawat haplos niya sa akin. Ang mga ngiti niya. Ang pagtawag niya sa akin. God knows how much I miss him.

Nagulat nalang ako nang maramdaman 'kong hawakan niya ang kamay ko na nakapatong lang sa hita ko. Una 'kong napansin ang singsing na nakalagay sa ring finger niya.

"I-Is that a..?" Hindi ko natuloy ang tanong ko dahil tulad niya kanina, na-curious ako pero natakot akong malaman ang sagot. What if he's already engaged? Paano kung yung party pala ngayon, engagement party niya at hindi lang alam ni Aphrodite? Maybe.. he just wanted to talk to clear things up? So we can finally let go of each other is that it? Dahil may panibago na siyang chapter sa buhay niya ganon ba? 

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon