31 | Uber

212 15 3
                                    

Khaleesi

"It's fine. Mag b-book nalang ako ng Uber." sabi ko kay Jeonghan for the 3rd time.

Sa hindi malamang dahilan, umabot kami ng gabi mga repapips. Kahit na hindi naman ganon kadami mga binilhan namin ng regalo, umabot pa rin kami ng gabi.

At ngayon nandidito na kami sa may entrance ng mall. Si Jeonghan bading may sundong kotse. Yung kotseng binabaan niya kanina, yun din ang nag-sundo sa kanya. Hindi niya ako mahahatid kasi may pupuntahan pa pala silang dinner place.

"Is that safe?" tanong niya sa akin. Tinignan ko ang mukha niya bakit— bakit ganyan siya mag-alala?

Nako kung hindi lang talaga bading ito, mapagkakamalan 'kong may gusto to saken.

[a/n: luh feelingera]

Ew may babaeng kulang sa pansin.

Anyways, kanina pa siya mukhang hindi mapakali sa kadahilanang siya may sundo ako wala. Lol. Taeng tae naman to.

"Oo naman. Mauna ka na, baka ma-late ka pa." sabi ko habang tinutulak tulak siya papunta sa kotse nila.

"Wait, Khaleesi!"

"Ano nanaman? Safe nga iyon kasi!"

"Book first." seryosong sabi niya.

Ano ba naman itong bading na ito— alagang alaga sakin.

[a/n: kapal.]

Sing kapal ng mukha mo syll isa pa.

Kinuha ko yung phone ko at nag-book ng uber papunta sa amin. Sakto naman na merong driver na 2 minutes away lang kaya naman yun na ni-book ko.

At kung tatanungin niyo kung bakit Uber at hindi taxi? Well kung hindi obvious, Maraming naka-pila sa labas ng mall for taxi. Ayoko mag-antay, sasakit legs ko.

Sobrang daming beses ko na nga din nag inarte kaninang masakit paa ko kaya na din siguro umabot kami ng gabi.

"Naka book na ako. SVT 14317 yung plate number. Okay ka na?" tanong ko sakanya habang nitu-thumbs up ko daliri ko.

Hindi niya naman ako sinagot.

"Pwede ka na sumakay sa kotse niyo, girl." sabi ko.

Hindi niya pa din ako sinagot.

Ang moody ng bading na ito ha. Mana sa akin. Ako pa yung namomoblema baka ma-late to sa lakad nila eh!

Saktong may kotse akong nakitang papalapit. Binasa ko yung plate number niya— "SVT 14317, eto na pala eh!"

Ang bilis naman in fairness, 2 minutes na ba iyon?

Ni-rolyo pababa ng driver yung bintana niya. Tatanungin ko sana kung siya yung driver na naka-assign sa address namin nang biglang yumuko si Jeonghan at ni-picturan ang driver. Lumakad din siya papunta sa likod at harap, para picturan yung kotse.

The. Fuck.

"H-Huy ano ginagawa mo?!" tanong ko kay Jeonghan habang pinipigilan siyang kumuha pa ng pictures.

Imbis na pansinin niya ako, lumapit siya sa window ng kotse. "In case you do something, I'll have your photos to report." seryosong sabi niya.

Pinagbantaan niya ba talaga yung driver?!

"J-Jeonghan ano ka ba!" sabi ko habang kinukuha yung phone niya.

Susubukan ko na sanang i-delete kaso pagka-pindot ko ng power button ng phone niya, bigla akong nanlumo sa lockscreen na wallpaper niya.
























May picture sila ng isang babae.















T-Teka.

Bading siya diba..?

"Khaleesi."

Hindi.. Hindi porke't naka akbay siya sa babae, girlfriend niya yon. Diba?

"Khaleesi."

Hindi rin porke't lockscreen niya yung picture nilang dalawa, may something na. D-Diba?

Kaya kumalma ka Khal. Wag ka magpahalata.

"Hmm? Bakit?" Naka-ngiting tanong ko kay Jeonghan.

Ano nga ba ulit yung meron?

Ah yung uber.

"Ano ka ba, wag ka magaalala— ah mali. Wag ka na ma-konsensya, Sige na mauna ka na baka ma-late ka pa, girl!" sabi ko habang tinutulak siya.

Sumama sa pag-tulak ko sakanya yung nalaglag na phone ko.

Kukunin niya na sana kaso inunahan ko na sya. Makikita niyang siya yung lockscreen ko— magmumukha akong katawa tawa.

Magmu-mukhang gustong gusto ko siya.

Totoo naman.

"What's wrong with you?" tanong niya sa akin.

Hindi ko siya matignan sa mata. Bakit parang kine-kwestyon ko na yung kasarian niya. Bakit, parang feeling ko may mali.

"Wala. Sige na, ako nalang mauun—"

"Khal."

Lumapit na ako sa kotse at pasakay na dapat talaga ako kaso hinawakan ni Jeonghan ang pulso ko.

"Give me your phone."

"No."

"Khaleesi, give me your phone."

"N-No!"

Makikita niya.. siya yung lockscreen ko. Wala din akong passcode, at siya din yung wallpaper ko.

Yes, i'm proud before— pero afte ko makita yung lockscreen nya, why do i feel like magmumukha akong tanga.

I don't even know his sexuality anymore.

"Give me your phone. I need you to call me when you get home. I'll enter my num—"

"I'm fine. I will be."

Iyon nalang ang sinabi ko sakanya bago ko kunin yung mga paper bags ko at sumakay sa loob ng Uber.

--x

valentines! walang happy :---)

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon