Khaleesi
Nagising nalang ako nang maramdaman 'kong tinapon ako sa isang malambot na mattress sumunod ang pag balot ng malamig na metal sa paa ko. Hindi ko na muna binuksan ang mga mata ko dahil yung tibok ng puso ko, nakaka-kaba.
"When is she going to wake up?" Tanong ng isang napaka-pamilyar ng boses.
"Mga ilang minuto nalang po ma'am at magigising na po siya." Sagot din sakanya ng isang napaka-pamilyar na boses.
Narinig 'kong nag-simula na silang mag-lakad palayo nang mag-vibrate ang phone ko. Please no, please no. Sana hindi nila marinig. Yun nalang ang nagiisang paraan ko para maka-alis.
Please.
"Concordio, what's that sound?" Tanong ng babae habang naririnig 'kong lumalapit nanaman ang mga hakbang nila sa akin.
"Parang tunog ng cellphone ma'am." Sagot ng lalaki.
Wala na. Bistado na ako. Hindi ko na alam kung paano ako makakatakas. Naramdaman 'kong kinapkapan ako ng babae, nakuha naman niya kaagad ang cellphone ko. "Manong, throw her phone away." Sabi ng babae habang naglalakad palayo.
Sumagot ng 'okay' ang lalaki bago itapon ang cellphone ko sa pader at umalis. Nang masigurado 'kong wala na sila, dahan dahan 'kong binuksan ang mata ko at nagulat nalang ako sa lugar na kinaroroonan ko.
"The fuck." Komento ko habang iniikot ko sa palgid ang mata ko. Mukha akong nasa basement ng isang bahay. Puro tools at tambak na mga gamit ang nakikita ko ngayon. Naka-higa din ako sa isang maalikabok na mattress habang ang paa ko naka-kadena sa isang bakal.
As much as I wanted to scream for help, I can't. Hindi ko alam kung anong kayang gawin sa akin ng kidnappers kaya kailangan 'kong mag lay low. "Kailangan mo pag-isipan lahat ng gagawin mo, Khal. Maririnig ka nila." Bulong ko sa sarili ko.
Sinubukan 'kong tumayo at mag tiptoe para masilip kung nasaan ako dahil maliit lang ang bintana dito tapos nasa taas pa. Buti nalang hindi ako ganon ka-liit at nasilip ko ang labas pero dagat lang ang nakita ko at ang mataas na araw. Mukhang malayo yung lugar na ito, wala akong ibang naririnig kundi yung alon lang eh.
Pakshet naman.
Umupo nalang ako sa mattress ko para makapag-isip ng pwedeng gawin. Kung tatanuning niyo ako kung bakit kalmado ako— pwes hindi. Sobra akong kinakabahan at natatakot pero anong magagawa ng takot ko? Wala. Magpa-panic lang ako lalo.
"Kaya mo to. Isip, Khal. Isip." Sabi ko habang tumitingin sa paligid kung may magagamit ako.
Mayroong maliit na bobby pin akong nakita kaso malayo siya sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung makakaya ko bang sungkitin ang lock neto pero kailangan 'kong subukan. Kaya naman inabot ko yun kahit na mangiyak ngiyak na ako sa hirap dahil naka-kadena ang isang paa ko. Dagdag mo 'pang mahigpit ang pagka-kadena sa akin.
Nang maabot ko ang bobby pin humiga na muna ako sa mattress dahil nakaramdam ako ng hapdi sa paa ko. Dahil siguro sa pag-pilit ko na maabot ang pin kaya nagasgasan ng nagasgasan ang balat ko. "Ah tangina ang hapdi." Sabi ko nang masilip 'kong may mga tumutulong dugo sa parte ng paa 'kong may kadena.
Humiga lang ako ng ilang minuto bago ako bumangon at sinubukang kalikutin ang lock nito gamit ang bobby pin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sungkitin at kung effective ba talaga to gaya ng mga napapanood ko pero wala naman akong ibang choice. Naramdaman 'kong meron akong nasungkit na parte ng lock at nagulat nalang ako nang biglang mag-bukas yung metal na naka-balot sa paa ko.
"Hala gago gumana nga."
Akmang tatangalin ko na ang metal na nakapalibot sa ankle ko nang marinig 'kong bumukas ang pinto. Agad 'kong tinago yung parteng nakabukas sa lock at nag-kunwaring bagong gising lang.

BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]