11 | Sinehan

274 15 0
                                    

Khaleesi

"Eto na nandito na ako sa entrance! Hinihintay ko nalang yung sukli!" Sabi ko kay Aphrodite.

(Uso kasi yung double time bes? Try mo! Masyado ka kasing sumusunod sa Filipino ti—)

Hindi ko na pinatapos yung sinabi niya at binabaan na sya. Kinuha ko yung sukli ko kay mamang driver at pumasok na sa mall papunta sa photo booth na meet up place namin.

Saturday ngayon at nag-yaya si Aphrodite na manood ng The Conjuring 6, last na na-inform ako 2 palang eh, ngayon 6 na. Hanep.

Pagka-dating ko sa photo booth, anak ng tipaklong.

"Gaya gaya ka!" Sabi ko sakanya sabay sampal at tadyak— grabe. Batok lang naman.

"Oy hindi ah! Magka-iba tayo ng shade ng buhok! Tsaka red pang taas ko ha! Saan mo nakuha iyan? Bakit pareho tayo?"

Binatukan ko uli— "Be, niregalo mo to sa akin 2 years ago. Sabi mo terno tayo!"

"Ah weh? Taray. Inferness kasya pa din. Sexy woot woot!" Minsan napapa-isip nalang ako kung babae ba talaga to.

"Oh saan tayo? Nagpa-reserve ka na ba ng ticket?"

"Even better. Bumili na ko. Kaso 30 minutes pa eh."

"Sige ako na sa food." Napa-yehet naman itong babaeng ito.

"Tutal twinning tayez, pa-picture tayo? Syempre ambagan."

"Daming dama huh. Sige tara."

Nag-sabi kami kay kuya na magpapa-pic kami. Tig isang kopya kami.

Pinili naming background is yung parang hedge wall na hindi ko alam kung paano ko ba maie-explain.

Naka-talikod kami at nilagay yung kamay sa pocket ng isa't-isa. Sarap hawakan ng pwet nya.

Ma-gm na kayo, wala kaming pake. Try niyo kaya hawakan pwet ng iba— ang sarap.

"Okay, 1.. 2.. 3!"

Kinuhaan niya na kami ng litrato. Sabi namin babalikan nalang namin after namin bumili ng pag-kain.

Hindi kami nabubusog sa popcorn so sa grocery kami dumiretso.

Nagsi-dukutan na kami ng kanya kanyang junk food at inumin. Tig 2 kaming tsitsirya at tig isang coke at tubig.

Pagka-labas namin may nadaanan kaming nagbebenta ng buy 1 takte 1 na slice ng pizza— so tig dalawa ulit kami.

Mga bes, bihira lang kami manood ng sine pero pag nanood kami— SIMOT SARAP.

May 10 minutes pa kami at kinuha na namin yung picture namin tsaka nag-ambagan.

Pagka-tingin namin,

Pagka-tingin namin,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bes ang sexy ko." Sabi ko sakanya.

"Mas-matangkad naman ako." Sabi nya.

Tse!

Dumiretso na kami sa sinehan at umupo sa pinaka-tuktok. Simula palang ng palabas— kain na kami ng kain.

Actually, trailer pa lang. Chumichibog na kami. Feel ko na inggit na inggit yung iba eh.

Ang sasarap kasi ng mga kinakain namin. Hoho.

Nagulat nalang ako ng may biglang tumabi sa akin. Gitna kami remember?

Nase-sense 'kong lalaki ito.

Okay, Khal, wag mo na syang pansinin. Manood ka nalang.

-

Tapos na ang movie at— ang bilis eh no— tapos na yung movie at nagsisi-alisan na sila. Except sa tabi 'kong lalaki.

Si Aphrodite nag-aayos ng mga pinag-kainan niya. Dugyot kasi.

Hindi niya ata napapansin yung katabi ko.

Actually hinihintay ko lang yung katabi ko na umalis— pero hindi sya uma-alis. Nagte-text lang sya.

"Tara na?"

Tumango ako. Saktong pag-tayo ko, nakita ko sa peripheral eye view ko na binulsa niya na din ang phone niya at tumayo.

Hinablot ko na kamay ni Aphrodite at medyo binilisan ang lakad.

"Bakit ka nagmamadali?! Taeng tae ka na ba?!"

Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa restroom ng mga girls.

Pag-pasok doon napa-hinga ako ng malalim.

"Oh ayan na teh, may inidoro na. Pwede ka nang mamayapa."

Binatukan ko ulit si Aphrodite.

"Alam mo ikaw namumuno ka na eh. Ako nalang mag c-cr."

Pumasok siya sa isang stall habang ako naman tumingin sa salamin.

Grabe kinabahan ako doon. Akala ko dudukutan ako or something eh.

Nag-ugas lang ako ng kamay. Di naman ako nac-cr talaga.

"Aphrodite, una na ko sa labas ah?"

"Sige."

Grabe kasi gumamit ng tissue yan si Aphrodite. Talagang tatakpan buong inidoro.

Pagka-labas ko, mabuti naman at hindi ko siya nakikita. Halos mahimatay na ako sa kaba mga inday. Akala ko talaga nanakawan ako or ano.

Mabuti nalang hindi niy—

"Bakit ka naman nauna Miss? Ang hirap mo habulin."

Iiyak na ko, pigilan niyo ko.

-

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon