60 | Theme

133 7 4
                                        

Khaleesi

Thursday, karamihan sa mga classmate 'kong tamad ang absent ngayong araw. Dahil yan sa Outreach kahapon kaya pinili nalang nilang um-absent. Pero mukhang okay lang naman dahil puro review para sa last periodical exams ang ginagawa ngayon. Dahil salbahe ang mga tao dito, mas pinili nilang gawin ang prom before exams. Grabe ano, asan ang puso nila? Parang pinapahiwatig lang nilang mag-enjoy na kami bago bumagsak.

"Kung merong questions na hindi naturo, hulaan niyo nalang para more chances of winning." Sabi ng instructor namin kaya natawa kami lahat. Halatang tinatanad din si Ma'am kaya umupo nalang siya sa upuan niya.

"Uy guys by the way, maganda ang prom nyo this year." Pag-change topic ni ma'am kaya naman lahat kami napa-tingin sa kanya. Kapag talaga hindi related sa lesson, nakikinig kami. "May parent na nag sponsor kaya yung venue nyo ngayon maganda. Marami ding awards kaya kung ako sa inyo, dress to impress."

Si Dite pumalakpak ang tenga kaya hinila ako papunta sa mga bakanteng upuan sa harap at tinangay ako doon. "Pero bakit walang theme?" Tanong niya habang lumilipat ako sa tabi ni Jeonghan. Sa kabilang tabi, andyan kasi si Joshua eh.

"Wala ba kayo sa announcement kahapon?" Tanong ni Ma'am at lahat kami umiling. "Ay oo kayo nga pala ang nag Outreach kahapon. Well, walang theme. As long as naka formal kayo."

Kumunot ang noo namin lahat miski si Jeonghan. Hindi ko gets, so kahit anong pakulo as long as formal?

"Ang slow niyo. Sari sariling style yan as long as formal pa rin ang dating. May mga narinig akong mag dadamit ng egyptian formal. Meron naman ibang inspired by greek mythology. Think outside the box dahil may reward iyon." Tumingin siya sa orasan niya. "I'll dismiss you guys early. You may go." Naunang umalis na ng room si ma'am.

Ang iba naming mga classmates nag-daldalan muna tungkol sa prom bago magsi-alisan. Nag-text ako sa group chat ng section namin about sa info bago tumingin sa mga problemadong si Dite at Joshua. "Oh bakit ganyan mga mukha niyo?" Tanong ko sa kanila. Si Jeonghan busy sa phone niyang naglalaro.

Ngumuso si Aphrodite. "Una sa lahat dapat tayo yung inspired by greek mythology hindi sila! Pangalan palang eh. Bakit kasi late sinabi satin eh sa saturday na iyon!"

Tumingin naman ako kay Joshua. "Oh ano namang problema mo?"

Inosente siyang tumingin sa akin. "Hindi pa ata ako nakaka walong baso ng tubig." Sabi niya bago kunin ang water bottle niya at uminom nanaman.

Akala ko naman kung ano.

"Eh bakit ikaw hindi ka problemado?!" Tanong ni Dite sa akin.

"Nakaisip na ako kaagad ng idea eh. Hindi ko nga lang alam kung san bibili." Hmm kailangan mamaya mag-hanap na ako ng pagbibilhan. Sa saturday na nga pala ito.

Tumingin si Dite kay Jeonghan. "Ikaw? Bakit palaro laro ka lang diyan?!" Binato niya pa si Jeonghan ng ballpen para makuha ang atensyon niya.

"I'll just go with Khal's idea." Simpleng sagot niya habang nakatutok pa din ang atensyon sa phone.

Teka, pwede! Oh my gosh, pwede! Hindi ko inimagine na magteterno kami sa prom pero naalala ko boyfriend ko na nga pala siya. "Yay! Thank you." In-open ko ang braso ko para yakapin siya at kaagad niya naman ni-pause ang game niya at niyakap ako.

"Tangina bias yung atensyon." Reklamo ni Dite pagkatapos ako yakapin ni Jeonghan at bumalik ang atensyon sa phone.

Natawa ako. "Masyado 'kang nas-stress."

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon