Khaleesi
Saturday. Ang pinakahinihintay na prom night namin ay magaganap na! Excited ako, hindi ko maitatago iyon. Pero andoon pa rin ang kaba dahil ito ang first prom ko kasama si Jeonghan at ayokong panget ang maging experience namin. Dapat perfect fairytale ang peg namin ngayon.
"Are you sure we still can't remove the cast today?" Tanong ko nanaman sa family doctor namin dahil hindi ako mapakaling pupunta ako sa prom ng may cast.
"Yes, I'm certain Ms.Jeon. For the mean time, please use the arm cast supporter we sent you. It's made for your gown only." Sagot niya kaya bumuntong hininga nalang ako. Eh ano pa ba ang magagawa ko kung hindi pa magaling ang kamay ko?
"Okay po, I understand. Thank you it looks beautiful." Sabi ko. Nag reply lang siya ng simpleng 'your welcome' bago ibaba na ang tawag.
"Ma'am Khaleesi, andito na po si Ma'am Sylvia." Biglang kumatok ang isang kasambahay namin dito sa kwarto ko. "Okay, salamat. Pasabi akyat nalang siya dito." Sabi ko bago siya umalis.
Si tita Sylvia ang nag-aayos sa akin tuwing may formal events kaming pinupuntahan. Kapatid siya ni mama kaya medyo ka-close ko na din siya.
Kanina pa ako natapos maligo at siya nalang ang hinihintay 'kong mag-aayos sa akin. Ready na din ang mga susuotin ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong ka-ide idea kung may masusuot na ba si Jeonghan pero bahala na. Sabi niya wag daw akong mag-alala at makikita ko nalang daw mamaya pag sinundo niya ako.
"Where's my favourite niece?!"
Napalingon ako sa boses ng nag-salita kaya naman dali dali akong tumakbo sa kanya para yakapin siya. Dahil na din sa mag-kamukha sila ni mama kaya ganon nalang kalapit ang loob ko sakanya. "Hi tita!"
"Hi! Missed me?"
"Of course!"
"I missed myself too. Thanks."
Sabay tawa namin pareho. Kung di ko lang to tita, sinabunutan ko na to eh. Pero syempre biro lang.
"Where's your gown?" Tanong niya habang nagi-ikot ikot.
"Mamaya na! Makikita mo naman eh. For now ayusan mo na ako kasi 2 hours nalang ang meron bago dumating boyfriend ko." Naka-ngising sabi ko habang umuupos sa harap ng vanity mirror ko.
Bigla siyang tumili na parang timang bago ako kurutin sa tagiliran. "Oh my gosh, Khal! May boyfriend ka na din?! Ang tagal ko na bang nawala?!"
"Yes and yes. Gulat nga din ako may boyfriend na ko eh. You'll meet him later."
Binigyan nya ko ng mapanlokong tingin. "Mag-kwento ka sakin sa susunod ha! Oh sya, anong colors ng gown mo?"
"Black, red, gold." Sabi ko kaya naman nag-simula na siyang ayusan ako. Nag-lagay lang ako ng earphone sa tenga ko habang busy siya. Gusto niyang nagco-concentrate sya eh.
Habang naka-tingin ako sa salamin, ang unang ginawa nya ay ni-moisturize ang mukha ko sumunod ang primer at foundation. Naglagay siya ng concealer sa mga eyebags ko bago magsimulang ayusin ang kilay 'kong di masyadong straight pero di rin masyadong western. Compared sa akin, mas mabilis niyang naayos ang kilay ko, bago siya dumiretso sa mata ko. Pina-pikit niya lang ako kaya naman pumikit ako. Halos naka-iglip na nga ako eh pero buti nalang hindi. Matagal bago niya ako sinabihang mag-open na ng mata para sa contact lense kaya naman nang buksan ko ang mata ko, ganon nalang ang gulat ko sa makeup ko sa salamin.
"Wow!" Sabi ko sa naging resulta ng makeup ko. Gold at black ang naging eyeshadow ko habang sa labi naman, tamang red lang. hindi masyadong dark at yung texture nya, hindi masyadong glossy pero di rin masyadong matte. "Hanep, ang galing tita ah!" Puri ko sakanya.
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]