Khaleesi
"NOO! AYOKO MAGING SINGLE ULIT!!" sigaw ko habang nag-simulang mag stress eat ng french toasts. Damn, these carbs are good.
"Kung mahal ka, tatanggapin ka sister." banat sa akin ni kuya.
"Says the person who's too afraid to ask someone younger out." sagot ko din pabalik.
Kagigising ko lang at na-realize ko na mukha pala akong tinamaan ng malakas na bagyo simula palang kahapon. Sabog ang buhok ko, hindi pa ako naliligo since nung isang araw at namumula yung ilong ko.
So meaning? Ganon ang itsura ko nung nakikipag harutan ako kay Jeonghan kahapon. Wow, just wow :-)
"Ano ba, tina-timingan ko lang yung akin. Ibang iba yun sa sitwasyon mo. Yuck kadiri, kung ako si Jeonghan matu-turn off ako nyan." sabi niya habang iniikot yung kutsara sa kape niya.
Sa sobrang inis ko sakanya, binato ko yung sunog na tinapay sa mukha nya at nag walk-out.
Umaga na ngayon at school day. On the brighter side, gumaling na ako. Yun nga lang masyado akong nahihiya sa pagmumukha ko kay Jeonghan.
UGHHHH! Ang sarap magpaka-matay mga friends.
Sumakto sa pag-pasok ko sa kwarto yung pag-tunog ng ringtone ko. Pagka-silip ko sa caller id, halos magimbal na ako sa pangalan na nakita ko.
Si Jeonghan naknamputa.
Mag-kunwari ba akong may sakit ulit? Gagana kaya iyon? Bumuntong hininga ako bago ko sagutin yung tawag nya.
"H-Hello?" matamlay ko na sagot habang sinamahan ng pekeng ubo.
(Hey baby, how are you feeling?)
Napa-hinga ako ng malalim at nag-dive sa mga unan ko habang tinataas ang cellphone ko palayo.
"AAHHHHHAHHAJDKDBDLSNKA" sigaw ko sa mga unan ko.
Masisisi niyo ba ako?! Umagang umaga, ganito ang ipapambungad niya sa akin?!?!?! Unacceptable!
He called me 'baby' for pete's sake! parang gusto ko na tuloy maligo at pumasok sa school para makita boy friend ko! Oh yeah, proud akong angkinin siya. Mainggit kayo!
Ni-clear ko ang lalamunan ko bago nag-salita ulit. "H-Hey.. Just woke up. My head hurts like he—"
Bago ko pa matapos yung pagi-inarte ko biglang pumasok si kuya sa kwarto ko at sumigaw "Magaling na si Khaleesi! Nagku-kunwari lang yan!" bago kumaripas ng takbo palabas.
Pa-epal talaga! Salot sa lipunan! Ang sarap ingudngud yung nguso sa electric fan para manahimik! Arggh, nangigigil ako!
(Wha— Is that true?) tanong niya sa kabilang linya.
Napabuntong hininga ako. Hindi pa nga ako nagsi-simula sa kalokohan ko, binasag na kaagad ng epal 'kong kuya. Palibhasa hindi naman siya yung napahiya eh!
Kahit labag sa kalooban ko, umamin ako. "...Yes. I'm fine na."
Wao konyo.
(That's good! But why were you pretending?)
Bumuntong hininga ulit ako. Grabe nakakarami na yung pag-release ko ng carbon dioxide, ang baho na sa kwarto ko. Don't judge me, di pa ko nagt-toothbrush.
"Kasi naman! Hindi mo manlang sinabi sa akin na sabog na pala itsura ko kahapon!"
(What? Who said that?)
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]