15 | On The Way

243 19 14
                                    

(a/n: katangahan ko sa buhay, nauna ko pala i-publish yung 16 kaysa dito. Mian, bobo lang.)

--

Khaleesi

Minsan may mga oras sa buhay natin na akala natin magiging okay na ang lahat pero sa huli mapapagtanto mo na hindi pala.

Ganon ako ngayon.

Isang line kami ng grupo ni Jeonghan, sa isang line may 5 seats.

3 seater sa kaliwa, 2 sa kanan.

At ang labis na ikinasasaya ko, ay ang pagiging magka-tabi namin ni Jeonghan ng upuan sa kanan.

Ang perfect diba?

Bus trip. Jeonghan. Ako. Magka-tabi. Long ride. Together.

Kaso bwisit—

"May pa-lagay lagay pa kasi ng make-up kaya ayan, nasesermonan." Halos irapan niya na ako at hampasin ng mahaba niyang buhok nung sinabi niya sa akin iyan.

"Eh pake mo ba? Atsaka hello, hindi kaya ako nag-ayos! I'm just naturally pretty."

Echos lang iyan. Syempre kaya nga kami na-late kasi nag-ayos pa kami diba?

"You're just natural. Ni wala ngang pretty."

Owkay.

Kumalma ka Khal. Masasayang ang ganda mo kung magpapa-apekto ka sa pagiging bading nya.

Mamahalin mo pa yan.

"If i know, nagagandahan ka talaga sa akin." oh ayan, pakapalan nalang ng mukha.

"Ang corny mo mag-joke."

Peste.

Bakit ba kasi kung kailan nalaman ko na bading sya, mas naging bading pa siya towards sa akin?

K a i n i s.

"Well, jokes are half meant." ganyan lang khal, wag ka magpapa-apekto sa baklush na gwapong 'yan.

Mukhang sasagot pa sana siya kaso biglang nag-salita ang gurong naka-assign sa amin.

"Bored na ba kayooo?" with matching kris aquino accent pa yan ha.

"Miss hindi."

"Maupo ka na miss, donut disturb po!"

"We're fine. Save your voice."

Tag mo classmates 'mong savage af.

Charot, mga walang respeto sa guro! Pero okay lang din naman kasi magpapa-games lang iyan eh.

"Bastos kayo ah." biglang nag-bago facial expression niya na mukhang ready na kaming sigawan.

Biglang nag-lean si Jeonghan pa-kaliwa at nag-salita. "It's fine miss. Save your voice for later. We can enjoy this bus ride ourselves."

Mukhang halos tumibok na din mata ni miss dahil kay Jeonghan.

I know the feeling. Napaka-hirap mag-pigil sa lalaking ito. Kahit na teacher din siguro ako, di ko maiiwasang magka-crush dito sa lalaking ito.

Kaso put@ bakla, kainis.

"Show off."

"What?"

Di ko napansin, nasabi ko pala yung iniisip ko.

"What moto."

Kapag wala na kayong masagot, mang-bara nalang kayo.

"Khaleesi Jeo—"

"Ay hala sht! Nasagasaan yung balyena!"

"What? Where?"

Agad 'kong sinalampak yung earphone ko sa mag-kabilang tenga ko tapos ay agad na sumandal sa balikat niya since naka-look away siya.

Oh diba, breezy moves.

Nauto ko na nga, nakinabang pa ako.

Akala ko ba genius itong baklang ito, eh bakit naniwala siyang pwedeng masagasaan ang balyena?

Mapunta pa lang sa kalsada, patay na iyon eh. Masagasaan pa kaya, double dead ganon? Grabe naman.

Nasobrahan na ata siya ng katalinuhan kaya ayan, natanga na.

Tinodo ko yung volume ng music ko, para naman di ko na siya maririning na magre-reklamo.

Now playing? Not Today.

Putek— not a good idea din. Ang sakit sa eardrums.

Boom basag.

Akala ko katulad sa mga cliche stories na hahayaan niya akong matulog sa balikat niya. Kaso— gising Khal.

Nasa real world ka.

Hansakit.

Bigla niyang tinaas ng pagka-lakas lakas ang kanang balikat niya kaya automatic na lumipad ulo ko, malas lang kasi dumiretso pa sa bintana.

"Aray ko beh!"

Ni-pause ko muna yung sound ko kasi leche, ang sakit na nga ng tenga ko pati ba naman ulo?

Lahat nalang.

"Nanhangawit balikat ko."

Tignan mo nga naman itong baklang ito.

"Oo mangangawit kasi talaga agad iyan. Wala pa kasing 30 seconds so matic, ngawit na yan. Bwisit."

Naiinis ako.

Grabe ang arte ng bading na ito. Dinaig pa kaartehan ko sa buhay.

Tumingin nalang ako sa labas kasi mas okay pa view ko. Di ako magigising sa katotohanang bading katabi ko.

Bigla akong nakaramdam ng pag-baba ng kaliwang braso ko.

Putek, ang bigat.

Nilingon ko katabi ko at aba!

"Wao naman beh. Tanganak."

Matapos niya akong pag-bawalang matulog sa balikat niya, siya din pala!

I gathered all of my strength (engrish shet) at sinubukang paliparin ang ulo niya tulad ng pagpa-lipad na ginawa niya sa akin.

Kaso bakit ganon? Pag genius ba mabigat talaga ulo?

"Wag mo ng subukan. Sadyang magaan lang ulo mo dahil walang laman."

Tangano nito ah.

Hindi ko lubusang mawari kung ano nga ba ang dapat 'kong maramdaman dahil put@ ng baklang ito.

"Ako bawal pero ikaw pwede?!"

Napaka-daya naman :-(

"Of course i'm allowed. You like me don't you?"






















:) ?

"Ulul."

"Don't worry. I'll let you do this later when we head back. Ako muna."

--x

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon