Prologue
"Shiela?! Didn't I told you not to allow this stupid, pathetic girl in front of me to enter my company for the obvious reason that I already fired her? Bakit nandito pa 'to sa office ko?!"
Dinig na dinig ng lahat ng employees ang sigaw na yun ng kanilang napakasungit na boss na halatang mainit na naman ang ulo.
Agad silang napatuwid ng upo at kinabahan na naman. Mga ganitong pagkakataon kase na kailangang mag-ingat sila sa mga kilos nila kung hindi, matatanggalan sila ng trabaho wala pang isang segundo.
"Shiela!!!"
"Kawawa na naman si Shiela,"
"Medyo stressed na nga sa husband niya, stressed pa dito kay boss."
Magtsitsimisan pa sana ang lahat nang biglang bumukas ang pinto ng office ng boss nila sabay lumabas ang isang babaeng sobrang putla na halatang kinakabahan.
Ang babaeng yun ay natanggalan ng trabaho kahapon lamang nang makita ito ng boss nilang hindi ginagawa ang trabaho at sitting pretty lang sa desk nito.
On edge kase ang lahat dahil may hinahabol na deadline at target budget ang company ngayong linggo na napaka-importante.
"Where's Shiela?!" Pasigaw na tanong ng lalaki sa mga employee na agad namang tinuro ang office ng Editorial and Design Team.
"Shiela?!!"
Lahat nakatutok sa mga mangyayari at kitang-kita ang tensyon na nasa buong company sa floor na iyon.
Lumabas naman habang nagdadabog si Shiela, ang Editorial Director kung saan under ang babaeng putlang-putla na ngayon na Graphic Designer noon.
"Sinong nagpapasok nito sa office ko?"
Tanong ng lalaki sa walang imik na director.
Hindi ito sumagot at nakayuko lang.
"Shiela! I'm asking you a question—"
"I quit!"
Lahat napatigil sa paghinga dahil sa pagsigaw na yun ng babae. Alam ng lahat kung ano ang pinagdadaanan ng babae ngayon at tahimik na nagdadarasal na sana wag itong umakto base sa emosyon nito dahil siguradong mawawalan ito ng trabaho.
"What did you say?"
"I quit! Ayoko na sa trabahong 'to lalung-lalo na sa pagtatrato mo! Wala kang puso. Ano klaseng boss ka, hindi lahat ng mga pagkakamali na nangyayari sa kompanyang 'to kasalanan namin. Kasalanan mo! Kung hindi ka lang sana masungit at napakabossy, over-confident at jerk—"
Nakabukas lahat ang bibig ng mga empleyado.
"—na boss, hindi sana nagkaganito ang buhay ko. Dahil sa trabaho maghihiwalay na kami ng asawa ko. Dahil sayo! Dahil sa mga pinaggagawa mo sa buhay namin!!! I quit! Pagod na ako."
Lumipas ang ilang segundo at napakatahimik din ng buong opisina.
Naghihintay sa sasabihin ng boss nila pero nabigla silang lahat pati na si Shiela ng bigla itong tumawa at ngumiti.
"Akala mo ba kawalan ka sa kompanya ko Shiela? To tell you the truth, matagal ko nang planong tanggalin ka sa trabahong 'to pero remember that day nang magmakaawa ka sa akin? You remember right? At dahil naawa ako sayo, hindi kita tinanggal even though you give me work that even a child can do better. You do sh*tless editorial and say pointless opinions. You work like a turtle and always complaining when you don't even work efficiently. You know what, mabuti nalang sinabi mo ngayon because I don't want to see your face here in my office and in my company. And please bring this girl with you. Magkaparehas lang kayong dalawa, siguro long lost daughter mo yan."
"Anyone who wants to lose a job like Shiela and this girl here, it's time to speak up. Meron pa ba? It's my pleasure to grant your requests."
Tanong nito sa shocked na mga employees.
"None? So go back to work!" Sigaw nito na agad namang nagmamadali ang mga employees tapos nagsimulang maglakad sa office.
"Walangya ka talaga Leonard, akala mo kung sino ka!" Sigaw pa ni Shiela pero kumaway lang ang lalaki at pumasok na sa office nito na para bang walang nangyari.
Pinindot ang intercom at tinawagan ang PA.
"Zola? Find me an Editorial Director and a Graphic Designer as soon as possible."
"Yes sir." Sagot ng nasa kabilang linya pagkatapos ay napabuntong-hininga na lamang ang lalaki.
Such a long day.
Leonard Donovan. 30 years old. Single. Hot-headed. Woman-hater. Siya ang Publisher and Editor-In-Chief ng sariling Publishing Company.
He doesn't care about other people's feelings. He's workaholic, strict, and wants everything to be perfect.
Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng maarte, plastic, at lalo na sa mga manloloko.
He's not a gentleman, he can be if he wants to pero wala siyang pake kung anong isipin sa kanya ng mga babae or kung sino pa yan. He works hard and wants his employees to work harder, malamang, sino naman ang mga ito para magsitting pretty lang sa company niya habang siya, halos dumantay na ang dibib sa sahig dahil sa pagiging workaholic.
That's not fair.
Kung ano ang gusto niya yun ang masusunod and nothing else.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...